Chapter 2

69 5 1
                                    

"Jha? Tara na! Baka mahuli ako." Tawag ni Khate saakin.

"Oo! Ayan na!" Sabi ko.

Oo sumama ako. Wala pa akong idea kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit ako sumama. Pero may parte saaking sarili na gustong umayaw at may parte din na gustong sumama kayanaman nakapag pasya akong sumama. Sabi nga ng nabasa ko "Paano ka makaka alpas sa hapdi kung hindi mo ito nilalabanan at hinaharap."

Sinasabi kong okay na lahat kaya kona, pero ang kalooban ko mismo ang pilit tumututol sa ika giginhawa ko. Paano nalang ang puso kong naghahanap ng kaginhawaan? Ipapawalangbahala ko nalang ba?

Tumayo na ako't bumaba para makaalis na. Siguro'y hundi na nila ko makilala dahil madami na rin ang aking pinag bago. Sabi ko nga, ibang iba na ako ngayon sa dati.

"Hoy! Halika na!" Sabi niya.

"Oo! Excited? Sus haha." Biro ko.

"Tangek ka talaga huhu. Ma lalate nakaya ako!" Sabi niya.

"Osiya! Eto na nga oh! Tara na!" Sabi ko tsaka na lumakad.

Habang na sa sasakyan. Makikita mo itsura ni Khate ang kaba na kahapon niya pa iniinda.

"Hoy babae! Ano kaba? Kung kinakabahan kang ganyan ay aba! Wag na tayong tutuloy. Sa dignidad palang bagsak na eh!" Sabi ko.

"Eto naman! Nako! Huhuhu. Pero promise mamaya wala nato." Sabi niya.

"Hay ewan sayo! Basta mamaya ah? Yung mga tinuro ko ah? Wag mong kakalimutan kung hindi uupakan kita!" Biro ko.

"Tse! Opo Mham! Ikaw upakan ko diyan eh!" Sabi niya.

Habang naghihintay na makarating kung saan ang aming pakay, Nakatingin lang ako sa bintana habang tinitignan ang bawat madaanan namin. Habang papalapit kami ng papalapit, muli nananamang nanunumbalik ang mga ala ala na kung saan kapiling siya. Ngunit pinilit ko muna ang sarili na wag munag alahanin iyon dahil baka hindi ako maka tungtong sa aming pinaroroonan. Ngunit sa hindi ko namalayan, nandito na pala kami ngayon. Sa tutuusin ilang hakbang nalang para pumasok sa loob pero bakit hindi ko kaya? Bawat pag hakbang na aking ginagawa katumbas noon ang kabigatan sa kalooban.

"Jha? Ayos kalang ba?" Tanong niya.

"Ah-h a-no hmm una kana kaya? Mag papahinga lang ako saglit, napagod ata ako eh." Pagkukumbinsi ko.

"Ah? Osige pahinga ka muna. Pasensiya hindi na kita ma aasikaso baka mahuli ako eh." Sabi niya ng may pangangamba.

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon