Chapter 10

1.2K 18 0
                                    

The following morning maaga syang gumising para magluto ng breakfast. Paglabas ko ng kwarto nakahanda na yung niluto nya. Naka-upo na sya at nagkakape. I hugged his back which made him laugh a little.


"Baby, I am not mad. You don't need to feel bad. Let's eat." He said then he made sit next to him. Kagabi ko pa sya kinukulit if galit sya or ayaw nya lang bang mag-away kami. Kasi after nyang ibigay nung necklace, wala naman na sya iba sinabi. Pinakwento lang nya ano mga ginagawa ko ng one week. Ganito ba talaga pag matured yung partner mo, thou two years lang naman tanda nya sa akin.


"Tss. Ayaw mong clingy ako?" I asked him, then creased my nose.


"Not that. But I don't want you to think that I'm depriving you of your liberty. Do whatever just give me a heads up." He answered. Tapos nilagyan nya ng pagkain yung plato ko.


"Okay, ano oras class mo?" I asked nung kumain na sya.


"1 pm to 8 pm. Let's meet na lang ba sa coffee shop or sunduin kita dito?" Tanong nya.


"Ikaw na lang lumabas. Mag-aayos ako dito sa condo. Two months na nakabakasyon si yaya." Sabi ko.


"Ako na maglinis bago ako umuwi mamaya. So yung mga kailangan mo paano?" He asked then faced me.


"Delivery probably. Yung laundry meron naman dyan sa gilid ng lobby." I casually answered.


"Ako na maggrocery 'pag may free time ako. May washer ka naman dito, why not use that?" He asked then creased his forehead.


"Grab delivery pwede naman. Sayang oras mo. Yeah, meron. But I don't know how to use." I honestly said.


"I'll do your laundry. Magdidigest lang naman ako." He said in a monotone. I looked at him.


"I am not asking you to do that." I said


"Hindi nga. Pero wala naman akong gagawin." He said without looking at me.


"Asar. Just teach me how to use it. Pati yung sa rice cooker. Usually may instant rice ng binibili si yaya." I said. Pero humarap sya sa akin na nagpipigil ng tawa.


"Ano pa hindi mo mga alam?" He asked laughing.


"Sige tumawa ka pa, pag ako naiinis hahampasin na kita." Sabi ko. But he pulled me abruptly then kissed my lips briefly.


"Later ituro ko yung sa washer." Sagot nya tapos kumain na naman sya.


"Tss. Dapat patas tayong walang alam e. Mas madali kayang ipalaundry na lang." Sagot ko habang nakasimangot.


"I'm not that good, okay? Pero try to learn those basic things. Paano pag hindi sila tatanggap ng laundry or what if malakas yung ulan walang delivery." He said.


"Then, I'll ask Marco to do it for me. Besides hindi naman life or death yung laundry. Issh, ang aga ano ba naman tong topic natin." Sabi ko.


"Cute mo maasar. Fine if ayaw mo matuto. I'll learn the basics for us. Ano oras last class mo?" He asked changing the topic.


"Why? Are we going out? Date?" I asked while wiggling my brows. He looked at me amused.


"You like? Pero 8 pm pa out ko." Sagot nya.


"Huwag na tinatamad ako. Gusto ko matulog pag-uwi. Why'd you ask ba?" Tanong ko sabay tayo para kumuha ng tubig sa ref.


"Wala naman. Baka lang magmatch yung time natin. May tatapusin ka ba ng firday night to sunday morning?" He asked nung nakaupo na ako.


"6pm ako mamaya. Why, anong meron ng friday to sunday?" I asked casually kahit alam kong birtnday nya.


Reclaiming it with you ✨ [MED SERIES 3] COMPLETEDWhere stories live. Discover now