Chapter 31

931 14 0
                                    

After namin sa condo pumunta na lang kami ng condo nya. Para akong tangang takot na takot nung lumalabas kami ng condo. Nakonsensya pa ako kasi pinagmask ko pa sya. Nagdala na lang ako ng pamalit para bukas. Kasi gusto nya matulog ako sa unit nya.


Pagdating namin sa condo nya nagbreakfast lang kami. Tapos ako natulog na. Siya naman umalis na dahil may 10 am review class daw sya. Nagising ako ng bandang 3 pm na. Nilibot ko lang yung buong condo nya habang hinihintay ko yung lunch na order ko.


Tinignan ko yung closet nya at nanguha ng pullover jacket nya. Sinasadya nyang bumili ng dalawa pag pumupunta sya ng US dahil sabi ko mas gusto ko yung mga design dun. Para akong nagsho-shopping sa closet nya sa dami ng binili nya at kinuha ko.


To: Miggy
Baby, kunin ko yung mga pullover.

From: Miggy
Sure. Do you like it? Kumain ka na?

To: Miggy
Yup ang ganda. Hindi pa wala pa yung delivery. What time tapos ng class mo?

From: Miggy
6 pm. Daan ako dinner?

To: Miggy
Okay. Happy review. Laters, baby.

From: Miggy
I'm loving the make-up makeout sesh. Let's do it again later?

To: Miggy
Baliw, mag-aaway tayo tapos makeout?

From: Miggy
Mas sweet ka after lagi. Pansinin mo. Edi walang fight basta may makeout later.

To: Miggy
Magrereview ako.


From: Miggy
Magrereview naman ako. C'mon ako tratrabaho.

To: Miggy
Ang manyak mo na.

From: Miggy
Ayaw mo? Kahit pomodoro na.


To: Miggy
I can't believe yan iniisip mo imbes na makinig ka dyan. Fine.


From: Miggy
See? You can't resist me. Laters, baby


Nung dumating yung delivery ay kumain lang ako at nagreview na. October na next month. Isang buwan na lang sya magrereview. Pero hindi ako sigurado if matutupad ko yung barops para sa kanya. Ang sungit kasi nung gumagawa ng sched sa amin.


Pag-uwi nya nagdinner lang kami at nagreview. Minsan ako nirereview nya. Natulog kami ng 3 am. May 8 am duty ako bukas kasi pre-duty lang naman.


Sa mga sumunod na araw ay tuwing off ko nasa condo nya ako. Hindi rin naman ako tinatanong ni Yna. Kahit si Marco walang sinasabi.


Every review nya, irereview nya ako. Mas marami pa nga ata yung oras na ako na yung tinutulungan nya.


"Review ka na. Okay na." I said nung hawak nya yung cases na binabasa ko. Tapos biglang tumawag si Cliff. Agahan daw bukas kasi may inspection.


"Sino yun?" Tanong nya


"Si Cliff. Agahan daw bukas." Sabi ko. Tinignan nya lang ako nung nagtetext pa rin ako.


Before third week ng october may nareceive akong text.


From: Angeliquè
I don't know if I need to tell you this but Migs is not doing good in review. One month ng hindi sya nagtotop. Alam kong alam mo kung bakit.

Reclaiming it with you ✨ [MED SERIES 3] COMPLETEDWhere stories live. Discover now