Chapter 32

914 14 0
                                    

Kinabukasan pre-duty kami halos. Kahit si Marco nagtext sa akin na sasamahan nya ako puntahan si Miggy. Pero parang kahit ganun yung nangyari nagdadalawang isip ako. Ang tagal ko syang hinintay tapos ganito kabilis lang kami matatapos. Mahigit isang taon lang. Ang damot ng mundo.


From: Marco
Ask where he is. End it or it will end you.

To: Marco
Pero Bar nya na sa sunday.

From: Marco
Bahala ka. Hintayin kita sa parking.



Maghapon na iniisip ko kung gagawin ko ba or hihintayin ko na lang na mauna syang magsabi.


To: Miggy
Can we talk?

From: Miggy
Condo. Dalian mo.


Habang nagdri-drive si Marco ay panay ang dasal kong sana umulan ng malakas or may mangyaring iba para hindi kami matuloy. Nagpaiwan lang si Marco sa parking nung nakarating kami sa condo ni Miggy. Binuksan ko yung condo nya pero wala sya sa living area. Umupo lang ako at hinintay sya. After 10 minutes ay lumabas sya galing kwarto. Bagong ligo na sya. For a second there, I just wanted to hug him.


"Do you like anything?" He asked.


"Okay lang." I simply answered. Pumunta sya sa kitchen area at kumuha ng beer sa ref. Binuksan nya yun sa harap ko. Hindi ako tumingin nung umiinom sya, kasi parang maiiyak ako. Last na ba talaga to. Pero pangarap na namin yung nakasalalay dito. Last week nademerit ako kasi may hindi ako naendorse na sabihin na pinapasabi nung residente.


"Ano sasabihin mo?" Seryosong sabi nya. Pero hindi ko sya matignan ng diresto. Nakikita ko paano nya yakapin si Angeliquè.


"Sorry, if you think I lied. I did that kasi someone told me na hindi ka nagtotop sa review. Kasi ako yung nirereview mo." I honestly said.


"And you wanted me to believe you? Okay, mahal kita e. Sige na lang. Ano pa?" Tanong nya. Pero nung narinig ko yun parang may kung anong tumusok sa puso ko. So ganun kababa yung tiwala nya sa akin.


"Ano bang gusto mo marinig? Si Cliff, nagkataon lang na naki-upo sya dun. What makes you think that I'll cheat?!" I said shouting.


"Okay sabi mo e. Okay na. Ano pa?" Serysong sabi nya. Pero ang sarcastic ng dating sa akin. Pigil na pigil lumabas yung luha ko.


"Do you want to have a cool off?" I asked. Hindi ko kayang makipagbreak sa kanya. Parang niloloko yung sarili ko sa mga ginagawa ko.


"Hindi pa ba cool off 'to? We don't talk or see each other. Is that what you want? Or you want a break-up at hindi mo lang ako madiretso?" Galit na tanong nya.


"What do you want me to do? You're putting your dream on hold or at the edge para saan, sa pangarap ko? Hindi ko hiningi sayong ako yung gawin mong priority. Pero bakit ganun parang kasalanan ko, yung nangyayari sayo." Sabi ko habang umiiyak. Uminon lang sya ng beer at tinignan ako.


"Sino ba sumisisi sayo? Wala naman, Trish. Standing lang yun sa review, yun na ba yung Bar? Hindi pa. Choice kong tulungan ka. Bakit ba hindi mo magawang magtiwala sa akin. Buhay ko yun, pangarap ko yun. Pero ikaw din yung buhay at pangarap ko. Pero one inconvenience you decide what's best." He said tapos tumayo sya at nanguha ulit ng isang beer. Tapos umupo sya. Nakatingin lang kami sa isa't-isa.


"Let's break up." I said straightforwardly.


"Wow. Few days bago yung bar ko. Did you even love me? Tangina. Hinintay mo man lang sana matapos yung isang buwan." Sigaw nya.


Reclaiming it with you ✨ [MED SERIES 3] COMPLETEDWhere stories live. Discover now