The next day, I feel weird. Na parang may kaaway ako pero first time na hindi ako umaway.
"Problema mo, okay naman yung pedia." Tanong ni Marco na takang-taka sa itsura ko.
"Masakit lang yung puson ko." I said. Masakit naman talaga pero hindi kasing OA nung kay Yna na parang namamatay sya.
"Want me to buy you an ice cream?" Tanong ni Marco habang nilalaro yung kamay ni Yna. Pero sasagot pa lang ako ay tumayo na sya. Dumating din si Gab at Gino.
"What's with the long face?" Gab asked. Minsan tong babaeng to sarap sapakin.
"Puson" Yna answered for me. Tapos inabot ni Marco yung ice cream ko pati yung kay Yna.
"Where's mine?" Gab asked then raised her eyebrow to Marco.
"Love, ako na bibili. Anong flavor?" Sabi ni Gino kay Gab. And this girl only looked at Marco then points her head para bumili si Marco. Marco just sighed then went to buy again.
"Grabe Gab jowa ko ata yung inuutusan mo." Natatawang sabi ni Yna.
"Best friend ako bago ka naging jowa. Arte, sa dami ng inutos nya sa akin para sayo." Sagot ni Gab na umiiling. The three of us just laughed. Minsan pwede maging gamot sa sama ng loob 'tong babeng to e.
Pagbalik ni Marco ay parang nag-usap na sila ni Gab about ata sa business nila. Si Yna nga ata wala man idea sa mga ganap ng jowa nya. Basta ata masaya ang kipay keri na sya.
"Sasama ka sa paggawa ng sgd mamaya?" I asked Gino who's literally staring at Gab. Grabe yung pagkawhipped nya. Kulang na lang latagan nya yung dadaanan ni gaga.
"Hindi na, I'm done with my part." Sabi nya. Tinitigan ko lang yung kamay nila ni Gab. Grabe holding hands sa mesa tapos nilalaro ni Gino yung kamay ni Gab habang nagbabasa sya sa ipad nya. Lord, penge din ng lalandi habang nagrereview.
"Ang clingy mo. Ang init e, layo ka nga." Sabi ni Gab. Sarap batukan ng babaeng to. Nagkatinginan tuloy kami ni Yna. Pero nung aalisin naman ni Gino yung kamay nya hinila naman ni Gab. Minsan gusto ko na lang andito si Pau para batukan sya.
Kinagabihan ay naisipan kong pumunta ulit sa coffee shop. Wala e kahit anong gawin ko sa condo, inaatok ako. And I wouldn't trade the exam for just comfort. Kahit hindi ako ganun ka okay na nag-aaral sa labas. Moments like this namimiss ko si Pau. Gab is reviewing with Gino. Si Yna naman tinatamad magcoffee shop alangan naman pumunta ako sa condo nya ang lilikot ng kamay nilang magjowa. And Josh is not even replying. Si Celine naman for sure kasama si Clark.
Pagpasok ko ay kumakaway na agad si kuya Calix. Pero may kasama silang dalawa. Yung babaeng kasama ni Miggy dati. I mentally debated kung uupo ako dun. Kaso puno yung coffee shop ngayon. Nung nasa harap na nila ako ay lumipat yung babae sa tabi ni kuya Calix, kanina katabi nya si Miggy.
"Just sit." Mahinang sabi ni Miggy. And kuya Calix as usual is wiggling his brows on me. Umupo na lang ako sa tabi nya.
"Trish si Angeliquè classmate namin ni Miggy." Sabi ni kuya Calix. I just smiled to the girl, but she didn't. She just looked at me. Ano trip nya. Under normal condition nairapan ko na 'to or ni Gab. Fine, maganda sya pero mas maganda naman ata ako.
"Bakit hindi sinasama ni Marco si Yna sa bahay pag may handaan?" Tanong ni kuya Calix sa akin. I examined his face first if seryoso yung tanong nya.
"I don't know." I simply answered then started reading. Panay din ang check ko ng gc kasi nagpapaedit sila ng report. Bakit ngayon lang nila sasabihin e wala ako sa condo. Tinignan ko tuloy if may mahihiraman ako ng laptop. Kasi parang nagtytype naman si kuya Calix.
YOU ARE READING
Reclaiming it with you ✨ [MED SERIES 3] COMPLETED
Romance[Med Series # 3] Trishabella Gail Montefalco, Trish as how her friends call her has always been in love with the brother of her best friend. Ever since she met him at her friend's house she always dream of marrying him someday. But because of her r...