simula noong araw na iyon ay mas naging close na kami ni Kurt. araw araw na rin kaming magkausap sa school at sa cellphone. palagi kasi siyang tumatawag sa akin upang wala lang gusto niya lang daw marinig ang boses ko. okay lang naman sa akin yun dahil hindi naman ako busy o kapag busy naman ako ay hinihintay niya lang ako upang matapos sa mga ginagawa ko. naging comfortable na kami sa isa't-isa at alam niyo yung feeling na close na close na kaya ng Crush mo. kilig to the max lang dba? HAHAHA!
hmmmmm. isang oras na pero hindi pa rin nag reply si Kurt sa akin. ano kaya nangyari doon? busy kaya? okay lang naman ehh. na bored lang ako kaya ito mag OL nalang ako sa FB ko. hmmm. wala lang tingin tingin lang sa mga pictures ng biglang may nag chat sa akin. sino kaya to? parang familiar pero ewan. hahaha
Nikko Santillan
Hi. Pinapasabi nga pala ni Kurt na naubusan na siya ng load. magkausap kasi kami ngayon sa telepono. sorry din daw pala dahil hindi na siya nakapag reply. sorry daw talaga.
ahh kaya pala hindi na nakapag reply. well salamat naman dito kay Nikko at sinabihan niya talaga ako.
ako: okay, salamat pala sa pagsabi sa akin. sabihin mo lang kay Kurt na okay lang iyon. hehe! :)
Nikko Santillan
o sige. hahaha! ayeeeeee! kayo na ba? hehehe
ako: naku hindi ahh! hahaha! friends lang kami.
Nikko: ganun ba? mabuti naman. hehehe
____________________________________________________
Ewan ko kung okay lang ba story ko. hehehe! Comments naman po para malaman ko. uhhhmmm, abangan nga pala kung sino tong si Nikko Santillan dahil sa mga susunod na chapter may malaking part siya, sobrang laking part. hehe