Matagal tagal na rin simula noong iniwan ako ayy hindi pala, noong iniwan ko si Nikko. Ewan ko lang pero sa araw na 'yon nakaramdam talaga ako ng sobrang sakit! Sakit na hindi ko pa naranasan. Alam kong naiwanan na ako noon ni Kurt pero iba to dahil kung saan ako ang nang iwan ako pa rin ang nasasaktan. Weird lang dba? Hindi ko na rin xa masyadong nakikita dahil magkahiwalay na ang break ng 3rd yr at sa 1st yr at kapag tuwing lunch naman ay hindi rin xa dito kumakain sa school, wala na rin akong balita sa kanya. Oo miss ko siya! Miss na miss ko ang taong iniwan ko.. Miss ko ang bawat text niya at bawat pang aasar niya.. Haaaay! Nikko! Kung maibabalik ko lang sana binigyan nalang kita ng chance, sana hindi ako nagpadala sa emosyon ko. Sanaaa! habang nakatulala lang ako dito sa may sala biglang nag ring yung phone ko noong i'check ko ito si NIKKO! Hala! Deeeee! Si Nikko nga nag text! Kinabahan tuloy ako baka awayin ako o galit xa ano baaaaah! Matagal2 din bago ko buksan ang text niya..
Nikko: MISS KITA! MISS KITA SOBRA! :( sorry if hindi na ako nagparamdam simula noon, nasaktan kasi ako pero wala na 'yon ang gusto ko lang mabalik ang friendship natin Ysabella. Tatanggapin ko lahat ng sakit maging akin ka lang ulit, maghihintay ako kahit kailan. :)
Noong mabasa ko ang text ni Nikko laking tuwa ang naramdaman ko bigla. Talon lang ako ng talon! Bahala na atleast okay na ulit kami...
Simula noon naging okay na kami ulit ni Nikko, niligawan na niya ako ulit at mas nakilala namin ang isa't-isa. Ewan ko ba kung bakit parang kilala na niya ako. Wala pa naman ako masyadong nasabi o naikwento sa kanya pero pati ang pagkabata ko ay alam na alam niya talaga. Oo, malapit ko ng mahalin si Nikko.. Malapit na at okay na sa akin ang lahat ng nangyari noon si Nikko lang ang nagbigay ulit ng kulay sa mundo kung walang buhay. Si Nikko lang ang nagpapatawa sa akin ng ganito, si Nikko lang ang hindi kayang magalit sa akin, si Nikko lang at wala ng iba. :)
*flashback*
May dalawang bata na naglalaro sa playground ng kanilang village ngayon! Matalik silang magkaibigan, close na close talaga silang dalawa at wala sinuman ang makakapaghiwalay sa kanila.
Iko: Sab, laro tayo!
Sab: ayaw ko pagod ako, upo nalang tayo. Hehehe
Iko: tamad talaga ng bespren ko. Bespren d tayo hiwalay ha? Laaaab kita bespren ko. :)
Sab: oo bespren. Promise!
At yun na ang huli nilang pag-uusap dahil si Nikko at ang kanyang pamilya ay lumipat na ng tahanan. Wala ng naging balita ang dalawa, si Sab naman nalungkot ng sobra ganun din naman si Iko palagi niyang iniisip si Sab. Lumipas na ang 7 taon ni hindi na masyadong matandaan ni Sab si Iko pro si Iko ganun parin si Sab pa rin hinahanap. Oo si Iko at Sab ay sina Nikko at Ysabella ang dalawang batang ipinaghiwalay ng tadhana pero muling ng tagpo sa hindi inaasahang panahon..
*end of flashback*
__________________________________________________________________________
musta namo ang flow ng story? okay lang ba? dami kong dapat i i'mprove nho? hehe! well, comment lang po kayo if okay lang sa inyo vote na rin po. maraming salamat! :DD
XoXo MJ <3