Lumipas na ang ilang buwan... Malapit na rin magtapos ang aming klase. Yeheeeey! Mag babakasyon kami sa Hong Kong kasama ko whole family pero nalungkot din ako bigla dahil maiiwan ko si Nikko hindi ko siya maitext dahil walang signal phone ko doon. Ma mimiss ko talaga siya. :((
hindi pa pala kami ni Nikko, MU lang kami. alam niyo 'yon? sabi rin naman niya na kaya niya akong hintayan. hindi naman sa pinapaasa ko siya pero dahil nga sa bawal pa ako, hindi ako pinapayagan umalis ng bahay at magka BF muna. gusto kasi ng parents ko na pag-aaral muna ang aking atupagin at naiintindihan din naman ito ni Nikko. bait niya talaga nho? kakainlove tuloy ng sobra. <3
Hindi rin pala kami masyadong nagsasama sa school dahil maraming mata ang nakatingin sa akin at baka isumbong pa nila ako kina Daddy at Mommy. TAKOT ako dun nho. daddy ko pa minsan lang magalit at magtiwala ng tao ayaw ko naman iyon sayangin at saka mom ko kung magalit parang tigre lang. hahahaha! napa over ba? pero totoo naman eh. hehehe!
okay last day na ng school namin hindi pa kami pwedeng magsama dahil sinundo ako nila Dad. miss ko na siya kaagad sobra. tumawag nalang siya sa akin noong makauwi na ako sa bahay. sweet talaga ng "sweety" ko. oo yan tawagan nami, "SWEETY" hehe! wala lang usap usap lang kami, sarap niyang kausap talaga nakakakilig at nakakainlove. kung hindi lang sana ako bawal baka sinagot ko na itong si Nikko pero alam niyo hindi niya ako pine pressure siya pa nga nagsabi sa akin na okay lang talaga sa kanya at ayaw niyang sumuway ako sa parents ko. ilang beses na rin niya akong sinabihan na kung pwede ba siyang dumalaw para makilala niya parents ko, friendly meeting lang kung baga pero ako ang tumanggi takot talaga ako eh.
Ito na ang araw upang aalis na kami papuntang HK... wala rin ako masyadong tulog dahil magkausap kami hanggang umaga at hanggang sa paggising ko hindi pa rin pala binababa ang tawag. OHHEEEEMGEEE! baka humilik ako! kakahiya naman! hahaha! ayong na nag-uusap pa rin kami hanggang sa sinabi niyang "SWEETY PAKABAIT KA DOON HA? AYAW KONG MAY GALOS KA PAG-UWI MO DITO SA PINAS. TAGAL NG 5 DAYS HA PERO TITIISIN KO. DITO LANG PALA AKO SA BAHAY PARA HINDI KA MAG-AALALA SA AKIN PERO KAPAG MAY LAKAD NAMAN AKO I'MESSAGE LANG KITA SA FACEBOOK MO.. DON'T WORRY ABOUT ME ANG ISIPIN MO ANG PAMILYA MO DAHIL MINSAN LANG ANG MGA TIME NA GANYAN NA KASAMA MO ANG PAMILYA MO UPANG MAGKAROON NG BONDING TIME.. ILOVEYOU SWEETY, MY PRINCESS, MY FOREVER. PADALHAN MO AKO NG PICTURE MO HA? HAHA! WAG NA MAG WORRY IF ANO ITSURA DAHIL ALAM MO *YOU'RE BEAUTIFUL JUST THE WAY YOU ARE* (kinanta niya yan) ILOVEYOU ULIT MY PRINCESS. I'LL WAIT FOR YOU. MWAAAAAH!" Waaaaah! tunaw na tunaw na ako dito si sweety talaga napaka sweet at iyon binaba na namin ang tawag upang makaligo na ako.
Dito na kami sa airport hindi rin ako makapag text masyado kasi andito Family ko ayaw nila na palagi akong nagtetext at nagiging curious din sila kapag may katext ako buti naman at hindi na nagtext si Nikko pero hmmm! ana kaya nangyari doon bakit d lang nagparamdam tapos ng tawag baka nakatulog siguro dahil puyat parin yon kung makatawag kasi WAGAS! hahaha!
okaaaay tinawag na ang flight namin andito na ako sa eroplano sinabihan na rin na i switch off na ang mga digital devices so meaning kasama phone ko.. I o'off ko na sana ng biglang may 1 NEW TEXT MESSAGE
Sweety: ILOVEYOU AND IMISSYOU! <3
haaaay! sorry hindi ako nakatext kanina nag-iisip kasi ako kung ana dapat kong i text pero wala na ehh nasabi ko na lahat parepareho lang naman ang gusto kong sabihin pero may dalawang salita lang talaga ang gusto kong ulit ulitin at yun ang nakalagay sa itaas. take care sweety sana nabasa mo to bago ka umalis. iloveyou and imissyou, aking ka lang! :* :* :*
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Nikko pinatawa mo ako ng d oras ahh. <3 _____ <3 feeling ko para na akong kamatis sa pula.
andito na kami sa HK... masaya naging bakasyon namin at hindi rin naman nawala ang communication namin ni Nikko palagi siyang OL at ako naman kapag vacant time ay nag OL din ako palagi kaming nag chachat at alam niyo ba ginawa niyang diary ang chat box ko.. biruin niyo tinupad niya talaga ang sinabi niyang i'uupdate niya ako sa lahat ng bagay na mangyayari sa kanya. swerte ko talaga kay Nikko! hindi siya tulad sa ibang lalaki.
YESSS! last day na namin ito dito lang ako sa room dahil napagod ako sila naman andoon sa labas namamasyal sinusulit ang oras. natulog lang ako dahil pagod na pagod talaga ako masakit ang paa ko sa kakalakad. zzzZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZ!!!!!
-FAST FORWARD-
okaaaay andito na kami sa Pinas. haaaay salamat! makakapagtext na ako kay Nikko at walang tulugang tawag na naman. :))