FTLY4

196 28 2
                                    

Coleen's Pov


Nakaupo lang ako sa may sahig ng aming tahanan at napapangiti nalang ako habang inaalala yung nangyari kanina. Hinatid ko na muna si rans doon sa may labasan buti nalang at hindi kami nakita ng mga humahabol sa akin kanina.


Argh! Putcha naman kasing loan shark na yun hindi naman ako ang may utang sa kanila pero bakit ako yung pinupuntirya nila , naiintindihan ko na yung tatay ko ang may malaking pagkakautang sa kanila noon.

Pero ilang taon na akong humiwalay sa kanya dahil napaka lasinggero niya at basagulero pero bakit ako ang sinisingil ng mga yun? Napatingin nalang ako sa may salamin at pinagmasdan ang sarili ko na parang tangang nakangiti , nakauwi na kaya yung lalaking yun?


He's quite cute ah lalo na pag nabibigla siya or kung ano man , kagaya nong nilapit ko bigla yung mukha ko sa kanya.

Flashback

Inilapit ko ang mga mukha ko sa kanya at bigla naman siyang namula doon, napangiti nalang ako ng bigla siyang pumikit. Ano ba akala niya na hahalikan ko siya? You're cute but you're not my type bebe boy.


Pinisil ko nalang yung pisnge niya at biglang tumawa dahil inirapan niya ako , don't expect to much kasi alam kong crush mo ko pero di naman kita hahalikan ng basta basta no baka isipin mo may gusto din ako sayo eh.

"Argh! Akala ko pa naman ano, nakakainis ka!" Naiinis na sabi niya napatingin naman ako sa may bulsahan niya at may nakalabas na pera doon.

"Bakit nga pala gusto mo akong makita Mr. Rans? Tsaka mukha ka namang mahirap bakit puno ang bulsahan mo ng pera?" Magnanakaw ba siya? Or sindikato? Scammer? Ano ba talagang klaseng lalaki tong kaharap ko?

"Kasi gusto kong makita ka! Ayun lang wala ng ibang rason pa , tsaka itong pera na nasa bulsa ko napulot ko lang kaya hinanap kita agad may atraso pa ako sayo kahapon diba? Ito na sayo nalang lahat ng iyan" sabi niya sa akin sabay kuha ng pera sa bulsa niya , hmp ang swerte niya naman kung ganon na napulot niya yang ganyang kalaking pera pero imposibleng may mapulot siyang pera na ganyan kadami sa daan or kung saan man lang. Kaya nakakapagtaka lang ng labis.

"Sigurado ka bang napulot mo yan? Hindi ka ba magnanakaw or member ng akyat bahay gang?" Nanlaki naman ang mata niya at sinamaan ako ng tingin dahil sa aking sinabi. Abay naninigurado lang ako.

"Ako member ng gang? Or magnanakaw? Sa mukha kong to? Really coleen? Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" Inis na sabi niya , oh kumalma ka lang nagtatanong lang eh masyado ka namang defensive.

"Wala naninigurado lang ako tsaka hindi naman ganun ang tingin ko sayo wag kang mag alala nag tatanong lang naman ako at nasa sayo kung sasagutin mo ang tanong ko" mahinahong sabi ko sa kanya , napabuntong hininga nalang siya dahil doon. Inabot niya na sa akin yung pera pero tinignan ko lang iyun di ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi.


Masamang tao din naman ako pero hindi ko alam baka kasi mas malala pa tong trabaho ng kaharap ko ngayon.
D

i naman sa pagiging judgemental ah pero iba ang naiisip ko sa lalaking ito medyo pamilyar din ang mukha niya pero di ko alam kung saan ko siya nakita.


"Ano tititigan mo nalang ba yan? Kung ayaw mong kunin ibibigay ko nalang sa mga taong makikita ko mamaya" pananakot pa niya agad ko na iyung kinuha at inilagay sa may bag ko , malaking tulong na din ito para mabayaran yung mga pinagkakautangan ko at mabilhan ng gamot yung lola kong may sakit.

End of the Flashback

"Himala coleen nakapagbayad kana din sa wakas ng utang mo! Ang tagal tagal ko nang hinintay ang oras na ito buti naman nagkaroon ka na ng raket" sabi ng isa sa pinagkakautangan ko, nag paalam na ako at pumunta na ng pharmacy upang bumili ng gamot ni lola.

Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko naman yung kababata kong si Gabbi na isang kahig isang tuka din na katulad ko.

"Oh mukhang bigatin ka ngayon coleen ah anong meron? May nagbigay ba sayo ng raket? Bakit di mo man lang ako sinama!" Singhal niya sa akin , kumuha naman ako ng limang libo sa aking bulsa at ibinigay iyun sa kanya.

Malaki din ang naitulong niya sa akin noong kailangan ko ng malalapitan at mauutangan.

"Nako! Bigatin ka dyan , nagkajowa na kasi ako ng mayaman kaya ganito medyo umaasenso na kahit papaano" pagsisinungaling ko sa kanya wala na din akong maisip pa na dahilan na ikakasatisfied niya.

Palatanong pa naman tong si gabbi at yun ang pinakaayaw ko sa kanya kasi yung mga tinatago ko ay nalalaman niya dahil sa walang sawang tanong niya sa akin.

"Sus coleen! Wala ngang nagkakagusto sayo tapos magkakajowa ka pa! Matulog ka nalang ulit para maituloy mo yang imahinasyon mo!" Rebat niya sa akin aba aba pag ako nagkaroon ng jowa talaga who you ka sakin gabbi!

"Totoo naman sinasabi ko eh bahala ka kung ayaw mong maniwala anyways mauna na ako baka inaantay na ako ni lola sa bahay!" Kunwaring naiinis na sabi ko sa kanya hindi naman kasi pwedeng sabihin ko na rumaket ako ngayon dahil baka isumbong niya ako kay lola.

Di na kasi ako nag gaganun matagal na akong huminto bilang dealer ng drugs dahil may isang time na muntikan na ako mahuli ng mga pulis buti nalang at nakatakas ako at hindi nahuli.

Simula nun tumigil na ako at nagtry na humanap ng maayos na trabaho ngunit ang mga qualified lang daw na tinatanggap sa ngayon ay yung nakapag aral ng kolehiyo or kahit highschool graduate lang.

Eh hindi nga ako nakatapos ng elementary eh dahil sa hirap ng buhay at imbes na igastos ko pa sa school ay pinanggagastos ko nalang yung pera para sa pambili ng bigas namin.

"Sige coleen thank you ulit dito ah! Kung totoo man yang sinasabi mo pwes ipakilala mo siya sa akin bukas na bukas! Bye mag ingat ka pauwi sainyo!" Sigaw niya sa akin medyo kinabahan naman ako dahil doon , shit wala akong maipapakita sa kanya.

Argh ayan kalokohan mo kasi coleen eh! Ikaw pa tuloy mapapasabak sa paghahanap ng pwedeng magpanggap na jowa mo.

Hays bahala na mamaya nalang ako hahanap ng pwedeng magpanggap para bukas yung mukhang kapani paniwala sana na mayaman.

Nakarating na ako ng bahay at agad ko nang pinuntahan si lola , tinulungan ko na siyang makaupo upang makakain na at makainom na ng gamot niya.

Ilang taon na siyang ganito na buong araw ay laging nasa higaan niya , paralisado na kasi ang katawan niya at hindi niya na masyadong maigalaw.

Kaya nagdodoble kayod talaga ako sa paghahanap ng trabaho upang ipang kain namin as well as ipambili ng gamot niya.

Mahirap maghanap ng pera sa ngayon pero kung kinakailangan kong gumawa muli ng illegal ay gagawin ko upang kumita lang ulit.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

FATED TO LOVE YOU Where stories live. Discover now