FTLY9

185 28 1
                                    

Rans Pov

Kasalukuyang nasa kotse ako kasama si daddy , hindi naman kasama ngayon si coleen at gabbi sa amin kaya buong byahe akong nakabusangot. I miss her na agad kahit ilang oras ko palang siya hindi nakikita , ano na kayang ginagawa ng babaeng yun ngayon? Wala naman sigurong ipinagawa sa kanya sa bahay ano?


"Anak? May gusto ka bang kainin? Dadaan sana ako ngayon sa drive thru para bumili ng makakain mo kung nagugutom kana. Isa pa mukhang nababagot kana dyan." tanong ni daddy sa akin saka tumingin sa may side mirror niya upang tignan ako , umiling iling naman ako.

"Busog ako dad , wag mo po akong alalahanin.  By the way saan po ba tayo pupunta ngayon? Gusto ko na pong umuwi sa Bahay dad at nang makapagpahinga na din." malungkot na tugon ko sa kanya , na bobored na ako dito sa kotse at gusto ko nang mahiga sa kama ko ng katabi si Coleen.

"Di ba nasabi mo sa akin nakaraan na gusto mong magkaroon ng normal na buhay? Yung nakakalabas ka ng maayos na walang kasamang bodyguards?" Napatingin naman ako sa kanya , anong ibig mong sabihin dad? Is this pwede na akong gumala ng mag isa? Ay mali nang kaming dalawa lang ni coleen?

"Yes dad" mabilis kong sabi sa kanya napangiti naman siya dahil doon, ano kayang binabalak ni dad?

"Hmp pupunta tayo ngayon sa ADMU dahil I already decided na eenrolled ka doon pero syempre makakasama mo doon sila Coleen At Gabbi.  As usual babantayan ka parin ng mga bodyguards pero sa labas na ng University" bahagyang lumapit naman ako kay dad at binigyan siya ng yakap.

"Talaga ba dad? Omg I love you na talaga daddy! The best dad in the world ka talaga" masayang sabi ko sa kanya  , for sure matutuwa sila coleen at gabbi pag nalaman nilang makakapag aral na sila sa wakas.

Fudge sobra na akong excited na ibalita iyun sa kanila , napatingin naman ako kay dad nang bigla itong magsalita.

"Parang nakaraan lang inaaway mo pa ako anak ah ang bilis naman ata magbago ng ihip ng hangin. At sobrang saya din ng awra mo nitong mga nakaraang araw" mahabang sabi niya napatawa naman ako nang mahina dahil mukhang pinapa konsensya niya ako sa ginawa ko nakaraan.

"Sorry na dad ikaw kasi eh sinigawan mo ako. Hindi mo naman ginagawa yun sa akin ever since. Alam ko namang usapang lalaki to lalaki ang naging ganap nakaraan ngunit nakakapanibago pa din." mabilis na sabi ko bahagyang napangiti nalang si dad at nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.

As usual dalawang sasakyan na puro bodyguards ang kasama namin ngayon yung Isang sasakyan nasa harapan at yung isa ay nasa likuran namin.

______

Gabb's Pov

Naglibot libot lang ako ngayon dito sa mansion nila rans at kinakabisado ko yung mga room dito at kung ano ano pa nang sa ganun ay hindi na ako maligaw pa.

Nagtaka naman ako kung bakit puro lang pictures nila rans at nung daddy niya yung nakapaskil sa mga dingding dito. What about his mommy? Hmp mukhang hindi ko pa nga siya nakikita dito simula kahapon , nasa abroad ba siya or kung saang lupalop?

FATED TO LOVE YOU Where stories live. Discover now