FTLY13

135 26 0
                                    

Rans Pov

Nagdidiscuss na yung teacher namin ngayon at ako naman ay nakatingin lang sa katabi ko which is si coleen , ewan ko lang sa mata ko dahil siya lang gustong makita.

Kinurot niya naman ako bigla sa may tagiliran ko ng patago at kahit gusto ko nang sumigaw ay hindi ko magawa dahil baka mapagalitan pa ako ng teacher namin.

"Mag focus ka doon sa itinuturo ni ma'am sa whiteboard hindi yung sa akin ka nakatingin dyan. Para kang ewan france" singhal niya sa akin ngunit nakatingin pa din siya sa may harapan napaka sipag naman nitong mag aral.

"Ang ganda mo kasi eh nakakaadik ka tignan coleen , turuan mo nalang ako ng diniscuss ni ma'am mamaya sa bahay" nakangiting sabi ko sa kanya napatingin naman siya sa akin at inirapan ako. Grabe bakit pa cute ka ng pa cute sa paningin ko coleen?

"Makinig ka nalang kaya kesa titigan mo ako dyan dahil wala kang makakalap na kaalaman sa mukha ko. Tigil tigilan mo ang kaharutan mo gayung maraking nakakakita sayo ngayon" meron akong makakalap na impormasyon at yun ay kung gaano ka kaganda parang ang perfect ng mukha niya.

"Atleast masaya naman ang puso ko na sa tuwing pinagmamasdan kita. May masama ba dun?" korni ko na sa parteng roon ah.  Minsan nakakahiya din pala ang pagiging cheesy.

"Korni mo , bahala ka nga diyan iniistress mo ako eh. Dalawa na tayong hindi nakakapagpokus sa klase" sabi pa niya napatingin naman ako sa paligid at lahat sila ay nakatuon lang sa may harapan kaya inilapit ko yung upuan ko kay coleen upang mabulungan ko siya.

"Cute mo baby! Akin ka nalang please. Please naman uwu" pabulong na sabi ko sa kanya medyo nakiliti naman siya dahil ipinasok ko pa yung buhok niya sa may tenga niya.

Kinurot naman niya ako at medyo napadaing ako ng unti dahil sa sobrnag sakit ng pagkurot niya sa akin.

"Wag ka maingay diyan baka may makarinig sayo na iba. Bwisit ka talaga kahit kailan." abay sino ba ang hindi gagawa ng sounds kung ikaw ba naman kurutin sa may tagiliran?

"Mapanakit ka talaga coleen kaya mahal na mahal kita eh ayiiiee pa kiss nga" paglalambing ko pa sa kanya , ang harot ko na ata masyado ngayon pero wala akong paki sa ibang naririto. Ang mahalaga nasosolo ko si coleen ngayon.

"Ano ba kita?" Pagtataray niya at nakataas na ang dalawang kilay niya habang nakatitig sa akin.

"Asawa mo" mabilis kong rebat sa kanya.

"Kapal mo kulang ka lang sa kain ng pang umagahan. Kaya ikain mo nalang yan mamaya kapag nagbreak na" hindi kasi ako kumain ng umagahan kanina kasi nga nalate ako ng gising nasobrahan ata ako sa kilig kagabi kaya napuyat ako.

"I love you!"  Bulong kong muli sa kanya , wala ang cute niya kasi kapag naiinis.

"Psshhh wag ka magulo" sabi niya sa akin nang kilitiin ko siya , ayaw mo sagutin yung sinabi ko ah.

"Mag I love you ka muna at hindi na kita guguluhin hanggang matapos ang klase" sabi ko sa kanya , mag a ilove you na yan for sure haha ayaw niyang kinukulit ko siya eh.

FATED TO LOVE YOU Where stories live. Discover now