7 years later
Rans Pov
"Boss France? Wala po kayong schedule ng meeting as of now hanggang next week po yun. Baka gusto mong maglibang libang muna tayo ngayong araw?" Bungad na sabi sa akin ng secretary ko nang makapasok siya ng office ko. Natawa naman ako dahil hindi talaga ako sanay na tawagin ng ganun lalo na kapag kaibigan ko yung kausap ko.
"Grabe hanggang ngayon talaga abelaine hindi pa din ako sanay na tinatawag mo akong Boss. Nako sinabi ko naman sayo na okay lang sa akin na tawagin mo akong Rans lang" sabi ko kay abelaine napakamot nalang siya sa kanyang ulo at napapangiti din habang patungo siya sa may upuan.
"Hay nako sinabi mo pa. Kahit ako din naninibago pero wala akong magagawa dahil bilang secretary mo kailangan kitang tawagin na ganun at tsaka mabuti nga yun baka kasi masanay ako kapag nasa labas tayo na tinatawag kitang rans lang" sabagay ang epic din naman kasi nung nangyari dati , may meeting kami tapos tinawag niya akong ransoy sa harap ng mga board officials hahaha.
"Nasaan ba ngayon si sheki? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita ah? Buhay pa ba yung babaeng yun." Tanong ko sa kanya hindi ko na nakikita yung babaeng yun mahigit isang linggo na din ata , saan na naman kaya nagsisipunta yun at hindi niya man lang magawang magpokus sa trabaho niya dito sa kumpanya ko.
"Luh hindi mo pa ba alam? Na umuwi na yun ng pilipinas nung isang araw. Sabagay sa sobrang babad mo ba naman sa trabaho himala na lang kung malaman mo pa yun" ay ang pangit naman ka bonding nun ni bonitah hindi man lang nagpapasabi na babalik na siya ng manila , siguro namiss niya na rin yung asawa niya doon.
"Grabe naman yun hindi man lang nagsabi sa akin parang hindi pinsan ah. Siya nga pala tara mag lunch na muna tayo sa labas" aya ko kay abelaine tila bay nagtaka naman siya nung tumayo ako ang weird ni abby ngayon ah.
"Buti naman rans at naisipan mong lumabas ng office mo. Hay nako akala ko magpapadeliver ka na naman ulit ng pagkain dito sa office eh" wala na kasi akong time pa para lumabas dahil sa sobrang dami kong papeles na inaasikaso.
"Tara na bilisan mo na at baka magbago pa isip ko at dito nalang tayo maglunch sa loob ng office ko" pagbabanta ko sa kanya mabilis pa naman akong mainip this past few days basta madami na ding nagbago sa akin.
Nakarating na kami ng restaurant ngayon at nagbigay na ng menu card yung waiter dito , tumingin lang ako saglit and then nag order na ako.
"Vegetable salad and Iced tea that's my order , ikaw abby? Anong gusto mo? Ikaw na bahala sa gusto mo" Halos hindi naman makapaniwala si abby sa inorder ko ,well hindi naman kasi ako masyadong gutom dahil kumain na din ako kanina sa office at tsaka may limit na talaga yung kain ko ngayon hindi na gaya nung dati.
Nagwo work out na din kasi ako at ang pinaka pinag popokusan ko ang pagpapalaki ng muscles at i maintain yung abs ko.
"Steak , Buffalo wings , Cake and a bottle pf wine please" masayang wika niya sa waiter , wala talagang pinagbago yung appetite niya. Ang lakas pa din niyang kumain pero nakakapagtaka lang ganuong ang sexy niya pa din.
"Okay please wait 10 minutes ma'am /sir. That's our maximum waiting time." wika nung waiter at tsaka umalis na kaagad tinignan naman ako ni abby nang diretso na aking ikinapagtaka.
YOU ARE READING
FATED TO LOVE YOU
RomanceRans was a billionaire's son. A man who wants to be free meet Coleen , a kind , loving and a pretty woman. Despite being poor , she likes helping others and do illegal things to earn for a living. A string of love let them meet and was fated to love...