Coleen's Pov
Ano kayang problema ni gabbi this past few days? Napapansin ko kasi na parang wala siya sa mood lagi at tila bay dumidistansya siya kay rans? Ang weird ah pero hindi rin siya makatingin nang diretso kay rans.
Pansin ko na parang may takot siyang nararamdaman na ewan pero isasantabi ko nalang muna ito. Natitiyak ko naman na magsasabi din naman siya sa akin pag handa na siyang magkwento ng totoong nararamdaman niya.
Kasalukuyang nasa kwarto lang ako at nag aayos ng gamit ko for school. Yays laking pasasalamat ko sa daddy ni Rans dahil makakapag aral na kaming muli ni gabbi.
Ilang taon ko din inasam na dumating yung araw na to na makapag aral muli ako. Sobrang swerte ko din sa part na nakilala ko si rans dahil siya din ang dahilan kung bakit namin natatamasa to ngayon.
Yung magandang buhay ganun , makakain sa tatlong beses o mahigit pa sa isang araw tapos unti unti pang naigagalaw ni lola yung katawan niya at sobrang saya ko dahil sa progressed ng kalusugan niya.
Sana nga magtuloy tuloy na talaga at dumating na yung araw na makatayo na siya at makalakad muli tapos igagala ko siya sa mga paborito niyang place dati.
Nagulat naman ako nang biglaang may tumakip sa mga mata ko , hmp for sure si rans na naman to.
"Rans alam kong ikaw yan kaya tanggalin mo na yang kamay mo at tsaka may naaamoy ako na ewan----" di na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong ipaharap sa kanya at sobrang lapit ng mga mukha namin ngayon.
Fudge yung pintig ng puso ko bumibilis na naman , tanga coleen! sino ba namang hindi eh nagulat ka sa ginawa ng lalaking ito. Kahit kailan hindi ko talaga kayang basahin ang nilalaman ng utak nito.
"Tadaa!! Flowers for you baby!" Sabay abot niya sa akin ng magandang bulaklak , inamoy ko na kaagad yun dahil kahit malayo pa lang ay naaamoy kong mabango na talaga siya.
"Baby ka dyan! Sipain kita makita mo! Anyways anong meron bakit may pa flowers ka?" Sabay irap ko sa kanya napabusangot naman siya pero agad din nawala yun nang pisilin ko yung pisnge niya.
"Wala lang nadaanan lang namin kanina yung flower shop ni dad kaya naisipan kong bilhan ka din. Siya nga pala sana sa sunod makasama kana din sa pagdalaw namin sa puntod ni mommy" for sure maganda din yung mommy niya sayang lang at hindi ko man lang siya nakita o nakasama man lang.
"Oo naman btw naayos mo na ba yung gamit mo sa school bukas?" Tanong ko sa kanya , umiling iling naman siya at ang cute niyang tignan ngayon.
"Actually hindi pa eh ni hindi ko pa nga nabubuksan at natatanggalan ng mga tag yung mga pinamili natin nakaraan" ani niya sabay hawak sa may pisnge ko at hinawi hawi yung bangs ko na nakaharang sa mga mata ko , ang sweet huh pero label reveal muna hahah
"Tara na sa kwarto mo at tulungan na kitang ayusin at ilagay yun sa may bag mo para hindi kana mahirapan pa bukas" sabay hawak ko sa may kamay niya at akmang hihilahin ko na siya nang bigla itong nagmatigas at tinignan ko siya nang masama dahil roon. Ano na naman kaya balak ng mokong na to.
"Argh di na , Ako na bahala dun coleen! Dito nalang tayo sa kwarto mo , cuddle tayo baby?" Nag wink pa talaga siya sa akin , argh wag kang hihimlay coleen , wag na wag okay?
YOU ARE READING
FATED TO LOVE YOU
RomanceRans was a billionaire's son. A man who wants to be free meet Coleen , a kind , loving and a pretty woman. Despite being poor , she likes helping others and do illegal things to earn for a living. A string of love let them meet and was fated to love...