FTLY20 END

276 33 10
                                    

Coleen's Pov

"Ms. Coleen? May naghahanap po sa inyo sa labas ngayon kaibigan niyo daw po siya sabi niya?" sabi ng tauhan ko , agad na akong lumabas ng office ko upang tignan kung sino ang naghahanap sa akin.

And I was shock when I saw sheki na nakaupo lang at mukhang hinihintay ako , anong ginagawa niya dito sa shop ko?

Magpapasukat ba siya ng wedding dress? Yeah I owned a wedding dress shop at wedding planner din ako tapos sa gabi ay nasa Krispy kreme ako at tumutulong din sa mga tauhan ko dun ,  well multitasking ako eh.

Kahit na ako yung boss ay hindi ko hinahayaang matambakan sila ng customer kaya pag may maitutulong ako tumutulong na talaga ako.

Sanay naman na ako sa trabahong ganun kung kaya'y para makatulong din ako sa sariling business ko ay nagiging staff na din ako paminsan minsan.

"Hello sheki?" Tilay nagdadalawang isip na tawag ko sa kanya , napalingon naman siya saka tinignan ako nang may ngiti sa kanyang labi.

"Gandang walang katulad coleen ah! Kamusta kana? Sobrang successful mo na din ngayon ah. Wala ba akong libreng wedding gowns dyan?" Pangko kompliment niya pa sa akin , masaya nga ako at naging ka close ko siya at naging okay na kami.

Dati kasi galit na galit pa talaga siya sa amin ni gabbi pero ayun dumating nalang yung time na nagkakausap kami at naging magkaibigan na talaga.

"Mabuti naman sheki. Kelan muna ulit ang kasal mo? Loko ka ilang kasal ba ang gusto mong mangyari ah." sabi ko pa sa kanya ako kasi ang gumawa ng wedding plan niya at tsaka nag ayos nung venue at lahat lahat.

"Sa ika 50th anniversary ko pwede pa yun. Siya nga pala pumunta ako dito para sabihin na magpapasukat si Marselino ngayon ng tuxedo at itong shop mo kasi ang ni recommend ko sa kanya" napa woah reaksyon naman ako, grabe buti naman at naisipan na nilang ikasal na dalawa sa tinagal tagal na din nilang magjowa.

"Omg? Ikakasal na sila ni abby? Grabe! nakakatuwa lang na malaman na sa wakas ay napagplanuhan na nilang ikasal." Kahit alam ko naman ay tinanong ko pa din wala lang trip ko eh.

"Hindi actually si Rans at si Abby ang ikakasal coleen. Huwag kang maingay na sinabi ko sayo ah." nanlaki naman ang mata ko paanong si Rans at si Abby? Eh itong si Marselino naman ang jowa ni Abby?

"Huh paanong nangyari yun?" Gulat pa din na tanong ko sa kanya. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa sinabi niya , grabeng twist naman nun kung ganun.

"Charot lang naman , hmp you sounds like parang ayaw mo silang dalawa na magkatuluyan ah? Tsk ayoko nalang talaga magtalk now" pangangantyaw niya pa sa akin napairap naman ako dahil sa kalokohan niya. Actually miss ko na talaga si Rans eh this whole 7 years na hindi ko siya nakikita ay nakakalungkot isipin.

"Nakakabigla ka naman kasi sheki. Siya nga pala kamusta siya? Hindi bat nagkakasama kayo sa Canada nitong mga nakaraang araw?" Curious kong tanong sa kanya lagi ko naman siyang kinakamusta through kay sheki. Kahit papaano gusto ko pading malaman if okay yung kalagayan niya.

"Ayun babad sa trabaho. Ang laki na nga ng pinayat nun eh pero ang kinaibahan ngayon ay mas pulido ang mga muscles niya. Panay office , bahay at gym lang ang ganap nun sa buhay." Mahabang pagkukuwento pa ni sheki , gusto ko na siyang makita kung pwede lang na lumipad ako papuntang canada ay gagawin ko talaga para masilayan lang siya.

FATED TO LOVE YOU Where stories live. Discover now