FTLY18

136 25 1
                                    

Coleen's Pov

Nakalaya na kami sa kulungan ni gabbi at laking gulat ko dahil inurong na daw ni Mr. Rifol yung kaso laban sa amin. Umuwi na muna kami sa bahay upang icheck ang kalagayan ni lola pati din yung pamilya ni gabbi.

"Grabe yung ipinayat mo apo. O siya kumain ka ng madami ah at bawiin mo yung lakas mo habang narito ka sa bahay." niyakap ko na kaagad si lola at doon na nagsimulang tumulo muli ang aking mga luha.

Labis akong nalulungkot at natutuwa din gayung magkasama na kami ulit.

"Tahan na apo alam ko naman na hindi niyo ginusto yung nangyaring iyun , sa tingin ko ang pinaka the best na magagawa niyo nalang sa ngayon ay hingin ang kapatawaran ni Rans at nung daddy niya nang sa ganun ay mahibsan kahit papaano yung sakit na nadarama nila , hindi biro mawalang ng minamahal sa buhay" mas tumindi yung pag iyak ko dahil sa sinabi ni lola , ewan ko kung ano ang pwede kong gawin.

Nahihiya akong humarap kay rans ngayon dahil nasasaktan din ako na makita siyang nasasaktan dahil sa akin.

Kung maibabalik ko lang ang panahon na yun edi sana hindi nalang kami sumama ni gabbi doon , edi sana natuloy ang transaksyon nila at baka sakaling buhay pa ang mommy ni rans ngayon.

Madaming what if's ang pumapasok sa isipan ko at labis kong pinagsisisihan yun maging si gabbi.

"Tahan na apo? Ang mabuti pa at kumain kana muna sa ngayon ,  hindi naman pwede na magpabaya ka sa sarili mo. Kaya kain ka ng marami." aniya ni lola napakalas nalang ako sa pagkakayakap sa kanya at dahan dahang kinuha ko yung kutsara at nagsimula nang kumain ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na ako sa may kusina namin upang maghugas ng pinagkainan.

Napangiti nalang ako habang tumutulo ang luha ko nang maalala yung moments namin ni Rans habang naghuhugas ako ng pinggan sa bahay nila.

Flashback

"Baby naman bakit kasi ikaw pa naghugas dyan , sinabi na ngang sila manang na ang bahala dyan eh" pagmamaktol ni rans sa may gilid ko , wala lang sinisipag lang ako na maghugas ng plato ngayon.

"Namimiss ko na kasing maghugas ng plato Rans kaya okay na sa akin na ako ang maghugas ng pinagkainan natin ngayon at tsaka wala naman akong gagawin eh" sanay na kasi ako na ako ang naghuhugas ng plato lalo na sa dati kong pinagtatrabahuhan.

Isa iyong restaurant at ako lang ang nag iisang tagahugas ng sandamakmak na mga plato at pati mga kaldero doon.

Kaya tama ang sinasabi nila na kapag boss mo ay isang tsino ay tiyak na kaunti lang ang staff at hindi ganun kalakihan ang sweldo. Babad na babad kapa sa trabaho.

"Meron kaya tayong gagawin ngayon? Nakakalimutan na ata kung anong oras na?" Tilay nagmamaktol na batang saad niya sa akin. Napakunot naman ang noohan ko gayung hindi ko na naman siya maintindihan. Hindi nalang kasi direktahin sa akin ang nais niyang mangyari.

"Ano na naman yun? Sus kalokohan mo talaga hindi na natatapos." Rebat ko nalang sa kanya saka nagpatuloy nalang sa paghuhugas.

FATED TO LOVE YOU Where stories live. Discover now