FTLY7

158 29 0
                                    

Coleen's Pov

Ilang araw nang wala siyang paramdam ah , nakakamiss din pala yung mukha ng ransoy na yun hays.

Nagi guilty tuloy ako sana pala sinagot ko nalang yung tawag niya nakaraan , nakailang missed calls pa naman siya sa akin.

Napatayo nalang ako at pumunta na ng kusina upang magluto ng makakain , nagsaing na muna ako at tsaka tinignan ko yung cabinet kung may tira pa bang pwedeng lutuin.
A

nd sadly wala na pala kaming grocery dito at wala na rin akong natitirang pera , hay nako ang hirap talaga maging mahirap.


Pumunta na muna ako kay lola saglit sa kwarto niya upang magpaalam na aalis na muna ako para mangutang ng pwede naming maulam. Tumango nalang siya at kahit hirap na siyang magsalita ay sinabihan niya parin ako na mag ingat ako sa pag alis ko.


Naluluha akong lumabas ng bahay namin at nagulat naman ako nang makita si gabbi ngayon na may kasama pang mukhang mayamang lalaki at nakatingin nga sila sa akin nang diretso na aking ikinapagtaka.

"Coleen? Hinahanap ka nito ni kuya , mag ooffer daw siya ng trabaho sa atin." Diretsahang wika naman nitong ni gabbi , kinabahan naman ako ng kaunti dahil baka isa to sa tinatakbuhan kong loan shark.

"Hi are you Coleen Trinidad?" Tanong nitong malaking lalaki na kaharap ko ngayon. Nakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ko nalang iyun ipinakita pa sa kanya. Maraming mga usapin ang nagrarambulan sa aking isipan ngayon at kung paano ko nga ba tatakasan ang lalaking ito kung sakaling isa siya sa mga naghahabol sa akin.

"Bakit? Anong kailangan niyo sa akin? Kung ano man yang trabaho na iyan na inaalok mo ay nais kong tanggihan." Nakataas kilay kong tanong sa kanya , pati si gabbi ay nakatingin na din dito sa lalaki na para bang nagtataka na din.

"Coleen? Mukhang bigatin yang offer niya , sigurado ka bang tatanggihan mo ah?" Bulong naman sa akin ni Gabbi ngunit papanindigan ko ang desisyon ko. Gayung hindi ko naman alam kung marangal na trabaho ang inaalok niya.

"Kung ayun ang nais mo ay wala akong magagawa ngunit ninanais kayong makausap ng boss ko sa loob ng sasakyan , kaibigan ka ni Youngmaster France Miguel diba?" Nanlaki naman ang mata ko , Youngmaster france miguel? Sino yun? Ay fudge parang ayun ang totoong pangalan ni rans. Anong meron bakit nais akong makausap ng taong nasa sasakyan na tinatawag niyang boss? May nangyari ba kay Rans habang nasa trabaho siya?

"Oo bakit anong meron? Sindikato ba yung lalaking yun? Kung oo hindi niya ako kasamang gumawa ng kung ano ah" sabay taas ko ng mga kamay ko , sinasabi ko na nga ba may iba don sa lalakinh yun eh kung sindikato sya sana naman hindi ako madamay.

"Hindi po ganun! Nais po kayong makausap ng daddy niya ngayon , kaya tara na po. Wala po kaming gagawing masama kung ganun man ang iniisip niyo" magalang na sabi niya at itinuro ang daan patungong kotse ng boss niya na daddy daw ni Rans.

Abay sasakyan to ng pang mayaman ah so ibig sabihin niyan mayaman si Rans? Fudge sabi ko na nga ba eh pero bakit? Bakit siya nagsuot ng parang pampulubing suot kung mayaman naman pala siya? Anong trip niya?

FATED TO LOVE YOU Where stories live. Discover now