Rans Pov
Tawang tawa pa rin ako na makitang mainis si coleen , kinuha ko na yung spare key kay manang dahil papasukin ko na siya sa kwarto niya , kanina pa kasi siya hindi nalabas eh.
Nagpakuha na rin ako ng pagkain kay manang esther dahil hindi pwedeng magutom ang baby ko. Pagbukas ko ng pintuan ay laking gulat ko nang makitang nagbibihis ng damit si coleen.
Bali wala siyang takip pa ngayon sa katawan niya , bigla naman siyang napasigaw tapos tumalikod na ako at isinara yung pintuan.
"Langya naman rans! Napakamanyak mong lalaki ka! Bakit ba bigla bigla kang pumapasok sa hindi mo naman kwarto?" Inis na sabi niya sa akin , napapapikit nalang ako sa sobrang hiya ko ngayon the heck bakit mismong ganun pa ang naabutan ko.
Pero infairness napakakinis ng balat niya at fudge ano bang kamanyakan yang naiisip mo rans?.
"Hindi ka kasi lumalabas magmula kanina pa kaya naisipan kong dalawin ka sa kwarto mo. Galit ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya halata naman na umiiwas siya at iniirapan niya ng patago kanina si abby eh.
"At bakit naman ako magagalit aber? Sige nga bigyan mo nga ako ng rason para magalit ako sayo?" Medyo natawang saad niya napalunok nalang ako ng laway sa naging reaksyon niya.
"Ah yung kanina sa amin ni abelaine" confident kong saad sa kanya na dahilan upang mapaawang ang bibig niya saka napatawa nang mahina.
"Anong meron sa inyo? Ah okay kayo na? So anong pakialam ko ngayon?" Saad niya ayan nagmamaldita na naman siya sa harap ko ngayon ayaw nalang aminin na nagseselos siya eh.
"Nagseselos ka no? Parang galit ka sa tono ng pananalita mo magmula pa nung kanina eh" confident na sabi kong muli , tinaasan niya nalang ako ng kilay at napangiti ng pilit , oh see selos yarn?
"Ako magseselos? Ano ba kita? At sa anong aspeto naman ang pagseselosan ko dun?" Sabay turo niya pa sa sarili niya , ano mo ako? Magiging future asawa mo lang naman.
"Jowa ayiiiee!" Pagoapacute kong sabi ko sa kanya and then inilapit ko yung mukha ko sa kanya.
"Jowain mo mukha mo! Umalis kana nga dito at matutulog na ako ngayon. Nakakaistorbo ka sa pagpapahinga ko. Tapos na ang working hours kaya tsupe!" inilayo niya naman yung mukha ko kaya napasimangot ako bigla , grabe ako lang ba kinikilig sa sarili kong ginagawa sa kanya? Ang manhid mo baby ah.
"Luh hindi ka pa nga kumakain ng hapunan. Antayin mo , padating na si manang esther nagpaluto na ako ng pwede mong ulamin ngayon" mabilis na sabi ko ang payat payat na nga niya tapos ang hilig hilig pang hindi kumain sa tamang oras.
"Hindi na okay lang busog naman ako. Sa dami ba naman ng kinain kanina." sabi niya sabay umupo sa may kama niya , naka pajama na din naman siya ngayon pero mas bet ko yung nakita ko kanina , luh manyak lang ang tunugan rans?
"Busog sa sama ng loob ba coleen? Aminin mo na kasing nagseselos ka sa amin kanina ni abelaine. Libre lang naman magselos." pangangantyaw ko sa kanya hindi talaga siya aamin eh kaya aasarin ko nalang hanggang sa masabi niya yung term na nagseselos siya sa amin.
"Eh ano naman kung sabihin kong naiinis ako or nagseselos sa harutan niyong dalawa nung babaeng yun? As if naman may karapatan akong magalit at singhalan ka" iritableng sabi niya bigla naman akong natawa , yiiee selos ka pala baby eh bakit kasi nagpapakipot ka pa gusto mo din naman pala ako eh.
"Oh see ayaw mo pa kasi akong sagutin eh edi sana pag mamay ari mo na ako ngayon at hindi kana nagkakaganyan" sabi ko pa sa kanya and then naupo na rin sa may kama niya at hinawakan ang mga kamay niyang napakalambot.
"Nanligaw ka ba? Oh diba hindi? Natameme ka ngayon." pinanlakihan niya naman ako ng mata , sabi ko nga hindi ako nanligaw para sagutin mo ako pero kailangan pa ba yun? Sa korea nga pag hinalikan mo yung isang tao dun dapat kayo na agad nun kasi maaari kang makasuhan if hindi mo papanagutan yung hinalikan mo.
"Need pa ba yun? Mahal kita mahal mo din ako edi mutual na edi dapat tayo na agad kapag ganun. Bakit pa natin pahihirapan ang sarili natin kung ayun din naman ang kahahantungan." pangangatwiran ko sa kanya eh wala naman akong kaalam alam sa panliligaw na yan , ako lang naman ang nililigawan sa buong buhay ko.
"Ay ano ka sinuswerte? At sinong nagsabing mahal kita ah? Mukhang masyado ka na atang mahangin ah?" Aba in denial ang baby ko na yan? Pinisil ko na nga ang pisnge niya and then kinagat niya naman yung kamay ko pagkatapos kung gawin yun.
"Ikaw? Sus kakasabi mo lang ngayon , mukhang nakakalimot kana agad " sabi ko sa kanya ,for sure magtatanong to ulit kasi ang slow niya talagang kausap.
"Tinatanong lang kita kung kanino mo nalaman na mahal kita. Nagdidesisyon kana agad na para bang siguradong sigurado kana." pag uulit niya sa tanong niya sa akin eh ako naman na pilosopo ay inulit muli yunh sagot ko sa kanya.
"Sayo nga sa bibig mo mismo" tama naman kasi na sa kanya dahil siya naman yung nagsalita , sana gets niya na.
"Sumasakit yung ulo ko sa kalokohan mo rans labas kana nga ng room ko dahil may atraso ka pang manyak ka labas chuu!" Pagpapaalis niya sa akin tumayo na siya at tinulak tulak na ako palabas ng kwarto niya, asar talo ka talaga coleen kahit kailan.
"Wala bang goodbye kiss dyan? Sige na naman oh. Pa isa naman oh" nagpout pa ako pero yung mapait niyang kamay ang nalasahab ko dahil inilagay niya nga iyun sa may nguso ko.
"Kiss galing sa talampakan ko gusto mo? Labas na wala akong balak makipag anuhan sayo dahil hindi ako natutuwa" mataray na saad niya lagi talaga siyang may mood swing buti nalang at patay na patay ako sayo , ewan ah ginayuma mo ata ako coleen.
"I Love you! Goodnight sana mapanaginipan mo ako coleen my baby!" Nakangiting saad ko bago lumabas ng room niya bigla naman siyang nagsalitang muli.
"Loko baka bangungutin ako niyan! Geh goodnight na maaga pa ang klase bukas kaya wag ka nang magpuyat" ani niya pa sa akin napapangiti nalang ako pabalik ng room ko , ibang iba talaga ang tama ko kay coleen.
"Ibang ngiti na yan anak ah! Mukhang inlove na inlove ka talaga kay coleen ah" nagulat naman ako ng makita ko si daddy , mabilis akong pumunta sa kinaroroonan niya and then niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you dad! Dahil pinag stay mo sila dito at binigyan ng trabaho sobrang saya ko ngayon daddy!" Masayang sabi ko sa aknya bago kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya , nginitian niya nalang ako ng pilit may problema ba siya?
"Masaya akong makita kang masaya anak. O siya matulog kana ah dahil maaga pa ang pasok niyo bukas." sabi ni daddy at niyakap ko nalanh siya bago pumasok sa room ko.
Ibinagsak ko na ang sarili ko sa may kama at nakangiting ipinikit ang mga mata ko argh sobrang saya ko ngayong araw at sana kinabukasan or sa susunod na araw ganito din ang mangyari.
Wag naman sanang mapalitan ng kalungkutan tong saya na nararamdaman ko ngayon.
Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕
YOU ARE READING
FATED TO LOVE YOU
RomanceRans was a billionaire's son. A man who wants to be free meet Coleen , a kind , loving and a pretty woman. Despite being poor , she likes helping others and do illegal things to earn for a living. A string of love let them meet and was fated to love...