FTLY5

178 27 6
                                    

Rans Pov

Hinihila naman ako ni coleen at wala akong kaide ideya kung saan niya ako dadalhin ngayon , mukhang store na mga cheap ganun. Pumili na siya ng damit at isinukat iyon sa akin , napailing iling naman siya tapos kumuha muli ng bagong damit na dahilan upang mapakunot ang noohan ko kasi nga hindi ko maintindihan ang pinanggaga gawa niya sa akin.


"Anong ginagawa natin dito? At bakit pinipilian mo ako ng damit? Bibilhan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya , napatingin naman ako sa paligid halos alikabok yung mga nakikita ko sa ibang mga damit dito. Allergic pa naman ako sa alikabok.

"Ay fudge! Di ko pa pala nasabi sayo! Need kita bilhan ng mamahaling damit para naman magmukhang anak mayaman ka! Gusto ko kasi na ikaw yung magpanggap na jowa ko , nagmayabang kasi ako na may mayaman akong jowa kaya ayun naghahanap yung kaibigan ko ng pruweba. Okay lang naman kung ayaw mo hahanap nalang ako ng iba" nabigla naman ako sa sinabi niya , ako magpapanggap na maging jowa niya? Kahit nga asawahin niya pa ako ay okay lang sa akin.

"Ay ganun ba? Okay lang sa akin gusto mo totohanin pa natin eh mas bet ko yun kesa magpanggap lang---" napatigil naman ako sa pagsasalita nang bigla niya akong hampasin sa may braso ko , napahawak nalang ako doon dahil sa lakas ng pagkakahampas niya sa akin.

"Aray naman! Mapanakit ka talaga! Buti nalang crush kita kasi kung hindi baka ano" daing ko sa kanya , nakapamewang na nakatingin lang siya nang diretso sa akin ngayon. Mukhang naaasar siya sa mga sinasabi ko ngunit nakakatuwa lang kasi ang cute niyang tignan.

"Ano? Ano gagawin mo aber? Baliin ko buto mo eh ang ingay mo na ngayon , nahawa kana sa akin ah" maangas na sabi niya natawa naman ako ng mahina dahil doon , hindi siya mukhang gangster tignan sa lagay na yun kundi parang bata na nangongotong sa kapwa bata.

"Wala wala , mamahalin na ba tong store nato? Yung pinakamahal lang naman na damit dito ay 600 pesos. Cheap siya para sa akin." pag iiba ko ng usapan sabay tingin sa paligid , di naman umaabot sa libo yung mga damit dito.

Kung ikukumpara siguro sa mga damit na binibili ko baka nga barya nalang tong 600 sa mga binibili kong tig 15-50k na mga damit.

"Uy mahal na yan kumpara sa mga ukay ukay no , tig bibente nga lang yung mga damit doon , dali na madami namang nababagay sayo dito eh!" singhal niya pa sa akin , abay aminado ako na yung mga suot ko ngayon ay parang anak ng pulubi pero hindi naman ata kapani paniwala kung pagpapanggapin niya akong mayaman which is mayaman naman talaga ako ,  pero kung ito yung susuotin ko baka hindi maniwala yung kaibigan na sinasabi niya.

"Sabihin mo nalang yung gusto mong ipagawa sa akin ako na bahala sa mga gagamitin ko , tara kain nalang tayo sa mall libre ko!" Sabi ko sa kanya sabay hawak sa mga kamay niya at hinila ko na siya palabas kahit hindi ko pa naririnig yung tugon niya.

"Sigurado ka bang libre mo? Baka naman nagmamayabang ka lang dyan tapos ako yung pagbabayarin mo ah!" sabi niya pa sa akin, kinapa kapa ko na muna yung wallet ko upang makasigurado na may pera ako.

"Oo I'm sure wag kang mag alala tara na at baka magbago pa yung isip ko , sige ka magugutom ka" pagbabanta ko pa sa kanya , tumango nalang siya at masaya ako dahil hindi niya tinanggal yung pagkakahawak ko sa mga kamay niya.

FATED TO LOVE YOU Where stories live. Discover now