Rans Pov
Nasa bahay na ako ngayon at mas lalong dumami yung mga bodyguards namin kumpara noon , mas lalo ding naging strikto si daddy sa akin.
Hindi na talaga ako nakakalabas ng bahay ever since nung nangyari yun , nalulungkot naman ako dahil ilang araw na ding nakakulong sila coleen at gabbi.
May part sa akin na baka nga itinadhana talaga kaming pagtagpuin at hindi lang yun coincidence , argh bahala na sa tingin ko hindi naman nila deserve na makulong.
Tumayo na ako at magtutungo ako ngayon sa office ni dad na nasa baba lang naman ng bahay namin upang kausapin siya ngayon about sa kaso nila coleen.
Kumatok na ako ng tatlong beses at nagsalita naman si daddy ng come in kaya mabilis ko nang binuksan yung pintuan.
"Oh anak? May kailangan ka ba? Kamusta ang kalagayan mo?" Medyo matamlay na tugon ni daddy , medyo maga pa nga ang mata niya at nagkalat na din yung alak sa may lamesa niya.
"Dad? Nais ko sana pag usapan yung tungkol sa kaso nila coleen at gabbi? Pwede po bang iatras niyo nalang yung kaso kahit sa kanilang dalawa lang ni gabb?" Nag iba naman yung awra ni daddy dahil kalmado siya kanina pero ngayon bakas na sa kanyang mukha ang galit na kanyang nararamdaman.
"France? Naririnig mo ba yung sarili mo? Sangkot din silang dalawa sa pagdukot sa mommy mo at dahil din sa kanila ay namatay ang mommy mo. Kaya napakalabo ng nais mong mangyari ngayon." Diretsahang sabi niya pa sa akin at tinitignan ako nang diretso , hindi naman ako nakakalimot doon pero tapos na ako sa blaming point ko.
"Dad kahit ako galit at nasasaktan din sa nangyari ngunit alam kong mabuti naman ang intensyon nila nung sinubukan nilang iligtas si mommy. Dad please kung masamang tao man sila bakit pa nila sinecure na magiging ligtas ako? Kung pwede naman nila akong ibigay doon sa kaibigan nila upang kumita sila ng malaki?" Emotional na saad ko , nagagalit din ako sa kanila pero hindi ko maiwasang hindi alalahanin yung mga panahon na nandyan sila para sa akin.
Yung mga panahong kailangan ko sila ay nandyan sila lagi , ilang beses na din akong muntik ng mapahamak ngunit nailigtas nila akong dalawa.
For sure kung nabubuhay ngayon si mom at successful na naitakas siya noon baka labis ang pasasalamat niya kila gabbi at coleen.
"That's because guilty sila! Kaya ka nila niligtas. Binibilog lang nila yung utak mo rans, sa tingin mo bakit hindi sinabi agad ni gabbi or hindi man lang siya sumuko upang magtestimony at ituro yung mga kasama niya dati? Kasi alam mo kung bakit? Takot siyang makulong! Takot siya na pagbayaran yung mga nagawa nila!" Galit na galit na saad ni dad pagkatapos nun ay nilagok niya na yung alak na nasa baso niya at biglang itinapon yung baso na yun sa may pader.
"Dad kahit papaano naman naging malapit na sila sa akin---" naluluhang ani ko , mas nangingibabaw sa akin yung mga mabuting nagawa nila sa akin.
Of course hindi mawawala sa akin na masaktan ng labis ngunit wala na din akong magagawa kung patuloy ko silang sisisihin sa nangyari.
"Naging malapit ba talaga France? O naaawa ka lang dahil nakulong din si coleen? Sa mommy mo dapat ikaw concern France! Hindi sa kanilang dalawa! Dahil sa kanila namatay ang mommy mo , ayan ang itatak mo sa kukute mo!" pumatak na ng sunod sunod ang mga luha ko dahil sa sinabi ni daddy naiintindihan ko kung saan nanggagaling yung sakit at galit na nadarama niya ngayon.
YOU ARE READING
FATED TO LOVE YOU
RomanceRans was a billionaire's son. A man who wants to be free meet Coleen , a kind , loving and a pretty woman. Despite being poor , she likes helping others and do illegal things to earn for a living. A string of love let them meet and was fated to love...