CHAPTER 24 - I'M TAKEN

42 3 0
                                    

Pinigilan ang ngiti nang maalala ang nagdaang gabi. Tumitig sa salamin at ipinakita ang babaeng walang emosyon ang mga mata. Hindi mabasa ng sino man kung ano ang nasa likod ng mga iyon. Kasabay ng tinititigan ay ang napapansin kanina pa.

Sa loob ng hotel room na ito kasama ng pito pang babae, kapansin-pansin ang wala sa sariling si Luisa. Sa madaling salita, kanina pa nagkakamali sa kilos at parang may iniiwasan, ako. Gustong maawa dito, naging matapang kagabi sa nakita. Siguro ganyan ang resulta ng matinding disappointment.

Ginawang ayusin ang sarili pagkatapos maligo. Hinayaan ang alon-alon na buhok at malayang nakalugay. Nilagyan ng maliit na ipit sa itaas para pigilan pumunta sa mukha ang ilang makulit na hibla. Binagayan ng simpleng casual pastel dress na bahagyang lumagpas sa tuhod ang haba at mahaba ang manggas. Naging napakalinis tingnan at maaliwalas.

"Para kang enchantress, Trina," sabi ng art student.

Nasa tabi ko ito sa harap ng salamin. Kanina pa nakabihis at nakamasid sa bawat kilos ko.

"Gusto mo ba ayusin ko ang buhok mo?" Dahil maganda ang mood ngayon at dahil simpleng ponytail ang tali nito.

Waring natuwa sa offer at mabilis umupo sa harapan. "Hindi ka lang matalino, maganda at mayaman, mabait pa."

"Shut up," sabi ko.

Humalakhak ng tawa.

Dahil maganda ang mood ay hindi nagbigay ng strike sa taong ito pagkatapos maging mabait. Nang maging handa ang lahat ay sumabay sa iba pumunta sa conference hall. Ang breakfast kanina ay pinadala sa silid kaya diretso ngayon sa nakatalagang mga gawain ayon sa schedule. Pagkaupo sa upuan ay may lumapit na kalalakihan ng ibang school, humihingi ng phone number. Kinuha ko ang papel ng nagbigay at nagsulat, ibinalik pagkatapos. Mga nagsialisan nang mabasa ang sinulat ko sa papel.

"Namimigay ka na ng contact details ngayon?" Tanong ng katabi sa kaliwa. "Joke. Ano ang sinulat mo at mukhang mga frustrated?" Sobrang interesado.

"I'm taken," balewalang sabi habang nagmamasid sa ibang tao.

Tumawa muna. "Magandang style 'yan para makaiwas."

Kasunod ay ang pagdating ni Ezekiel, naramdaman umupo sa katabing upuan. Ang puso ay naalala ang lahat at halos mawala ang hinahon ng isip. Ipinagpatuloy ang pagmamasid sa ibang tao para maalis ang pakiramdam dahil walang saysay bigyan ng atensyon kung tapos na ang kabanata kagabi. Balik sa dati ang ngayon.

Ang hindi nuisance sa buhay ng lalaki.

Nayanig ang binubuong konsentrasyon dahil sa bulong mula sa hindi inaasahan.

"Mula kahapon, maraming langgam ang nakatingin sa iyo at gusto lumapit. Gagawa ng paraan ang iba para makuha ang nais nila. Ano ang gagawin mo?"

Maraming langgam? Tsk.

Lumingon ako sa kanya, nakahanda na ang sasabihin ng isip sa kabila ng hindi inaasahan pero napaawang lamang ang mga labi nang mas hindi inaasahan ang kasunod. Iyon ay ang paghawak ng kaliwang kamay niya sa kanang kamay ko, napuno ng kakaibang init nang mahigpit iyon sinakop.

"Ezekiel," wala sa sariling tinawag ko siya sa pangalan.

"One second, Trina," may pagmamakaawa sa tono pero ang anyo ng mukha ay parang nagpipigil.

Hindi nagawang magbilang ng isip pero ang isang segundo ay parang mahaba. Marahan nitong binitawan ang kamay na hawak. Mas pinagtuunan ang pagbabasa ng booklet, na parang walang nangyari. Mabilis ang naging tibok ng puso sa nakalipas na ilang segundo. Sa kabila ng lahat ay walang nakapansin, patuloy ang ingay ng ibang tao.

Pinakalma ang loob. Ilang sandali pa ay nagsimula at nagkaroon ng team building. Hindi katulad kahapon, ang aming leader ay natural ang kilos at may confidence. Pinangunahan nito ang grupo. Kahit hindi nananalo sa bawat games ay relax pa rin ang kaanyuan. Habang ang assistant ay sumusunod sa agos ng pangyayari.

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon