Nakaupo ang lalaki malapit sa unahan, sa bandang kaliwa. Ginawa rin nitong salubungin ang tingin ko sa kanya. Nang magsalubong sa loob ng isang segundo ay ako ang unang umiwas ng paningin dito.
"If may relationship kayo, you can set aside the feelings first and it can help you to be more focused on the conference."
Naghintay sila ng sagot. Kinalma ang dati ng kalmadong isip at puso. Sinabi ang nais, sa walang kwentang komento ng katabi para sa sariling kapakanan. "Ezekiel and I, wala kaming relasyon." Tumingin ako muli sa lalaki at nasa akin pa rin ang titig nito nang walang ibig sabihin at hindi nagbibigay ng kahit ano.
"Whew!"
Ipinagpatuloy ko, "Gossip lang ang lahat. Wala kaming gusto sa isa't isa. Kung nakikita kami ng iba na nag-uusap, kasi parehas kami sa engineering at natural minsan magpalitan ng salita," sa balewalang sabi at muling inilayo ang titig, inilipat kung saan.
"Wow."
"Oh, ganoon naman pala. Everything is settled. Anything you will add, Luisa?"
"Nothing, madam. Rest assured para mas maging focus ang lahat."
"Then, we will go to the next agenda."
Sunod ay napag-usapan ang magiging paghahanda ng grupo sa mga kakaharapin. Sa iba't ibang aspeto, ano ang gagawin ng mga katulad namin para mapansin ang pangalan ng school sa kabila ng ibang malalaking eskwelahang kasama? Naalala ang narinig noon, "Expected nila sa atin ay mag-come up ng something para mangyari iyon... at meron silang hidden card kung magagawa natin ang expectations nila."
Ito na yata ang tinutukoy. Tsk, bakit interesado ako sa ganyang usapan?
Nagbigay ng maraming suhestiyon. Matatalino ang mga nandito at masasabing kwalipikado ang mga nabanggit.
"What do you think, Miss Villan? Those strategies we've spoken about?"
Magbibigay ba ako ng salita o hahayaan sila? Tsk.
Ibinahagi ang nasa isip para makatulong man lamang. "I think, nasa isip din 'yan ng ibang schools. Matatapatan nila ang mga ganyan dahil matatalino rin sila. Kung special attention ang gusto mangyari ng school na ito, ang pinaka peculiar sa lahat ang gagamitin na paraan at wala dyan sa nabanggit."
Katahimikan ang sunod, siguro hindi tanggap ang sinabi ko. Naintindihan iyon dahil nag-effort ba naman ang iba pag-isipan ang mga unang suhestiyon.
Ang katabi sa kanan ang bumasag sa saglit na katahimikan. "So, ano ang naisip mong peculiar, special attention na pwede natin gawin?"
Tsk. Hindi strategist ang klase ng isip. "Wala tayong gagawin."
Napatitig ang lahat at naghihintay ng kasunod pang salita.
"Wala tayong gagawin?" Parang ngayon lang narinig ng katabi at napangiti ng walang kabuluhan. "Kailangan may gawin tayo tapos wala tayong gagawin?"
"Iyon ang naisip ko, pwede naman isawalang bahala ang sinabi ko. Sarili ko lang naman ideya iyon." Tsk. May sasabihin pa sana para sa grand finale pero iritable na yata ang katabi.
"Everyone will come out having a hidden cards. Kung wala tayong gagawin eh kulelat tayo sa tabi. Ano pang purpose kung bakit tayo nandoon?"
May point. Disidido yata. Baka dahil sa sinabi rin nito kay Ezekiel. I am willing to help para mangyari iyon, we can work out peculiar strategies and methods. If you stand out, walang reason hindi mo makuha ang deserving platform.
Para yata sa lalaki ang paraan nito ngayon.
"It's just Miss Villan's thinking. We have different thoughts on this matter. If we just come up unitedly over one thing, I'm sure it will work out," sabi ng instructor.
BINABASA MO ANG
BOOK 1 - EYES OF UNKNOWN
Romance"Hindi ako nagkamali, parehas ka rin ng iba at walang hiya magtapat. Nakaka-turn off ka." - Ezekiel Matthew Before the end of high school, Trina Syn Villan met her half-sister, an uncommon in her sight. As she followed her, she found out the reason...