Ang mga libreng oras, mas inatupag ang kuryente sa Isla Sapira para masunod ang planong matapos iyon bago ang bagong taon. Mahigit isang buwan na lang ang natitira.
Kagaya ng oras na ito, walang instructor ang pumasok. Bago umalis ng campus ay naghanap muna ng pwede ipasok sa sikmura.
May tumili hindi kalayuan kung saan ako nakatayo. Lumingon kung ano iyon, grupo ng mga babae nagkukumpulan sa mahabang bench at sa sariling interpretasyon ay mga nakakairita sa paningin at halatang mga kulang sa pansin. Ang tambayan ng education students.
Nakahabol sila ng tingin sa lalaking dumadaan sa harapan nila.
Si Ezekiel Matthew, sa hapit nitong jeans na bumabakat ang mahahabang biyas. Bumagay kahit luma lalo ang suot na puting rubbershoes. Ang buhok na kahit kamay ang isuklay, umaayon sa perpektong hugis ng mukha, mula sa noo, papuntang pisngi, at hanggang sa ibaba ng mga labi na parang masarap pasadahan ng sariling palad para maramdaman.
Tsk. My observation. Kaya siguro ganyan ang overreaction ng mga babae sa tabi tabi at mukhang mga papansin pero hindi pinapansin dahil pader ang mga ito sa paningin ng lalaki.
At isa na ako doon.
Inalis ang tingin at pansin sa kanila, para hindi umasa na mapansin din ako ng lalaki. Inilipat sa pagpili ng makakain dito sa pahabang foodcourt. Bumili ng kakaiba at hindi pa natikman. Sabi ng nagbebenta ay filipino siopao ang tawag sa malaking bilog na tinapay.
"Ito po ang bayad niya."
Parang tumalon ang puso sa boses na nasa tabi lamang. Mula sa siopao ay lumipat ang tingin sa nagsalita, isang metro ang lapit at kaming dalawa lang ang nakatayo sa harap ng tindera.
Tsk. Breathtaking.
Bago pa magsalita ang sariling bibig, natanggap na ng tindera ang bayad.
Lumapit pa at tumabi. "Huwag ka mag-alala, hindi 'yan ibabawas sa utang ko sa iyo."
Hard to breathe. Dahil sa pagdidikit muli ng kanang braso sa kaliwa nito, na parang normal ng nangyayari. Ang init at kinis ay ramdam ng sariling balat.
Ginawang normal ang lahat sa kabila ng kakaibang napansin. Ngumiti sa narinig. "Sure. Salamat." Tinikman ang tinapay at tinanggap iyon ng panlasa, kaya, "pwede mo ba ako ilibre ng dalawa pa?"
Naglabas ng wallet, akala ay maglalabas ng pera pero ipinakita ang laman niyon.
Walang laman.
"Iyan na muna ang kaya kong bilhin para sa iyo. Magtatrabaho ako mamaya para magkapera." Itinago ang wallet.
Kayang bilhin para sa akin? May kasunod pa?
Pero ang mas importante ngayon ay ito. Inilapit ko sa kanya ang tinapay dahil may nakonsensya. "Ito, ikaw ang kumain."
"Sa 'yo na 'yan." Hindi tinanggap, walang paalam tumalikod at umalis.
Namalayan parang bumagal ang tibok ng puso sa nangyari sa papalayo nitong paglalakad.
Nang mawala sa paningin si Ezekiel ay may pumalit naman, ang grupo ng royalty club. Magkakasama naglalakad sa gitna ng daan. Naghintay muna makadaan ang mga ito bago umalis sa kinatatayuan.
Mga snob.
Lalo si Zandro, ni hindi tumingin at sadyang nasa malayo ang tanaw. Pati ang Ms. University, diretso ang mukha at medyo nakatingala na parang naglalakad sa ibabaw ng entablado.
Mga bitter.
Naalala ang nangyari pa lamang, may naramdamang init sa loob. Tsk. Very simple.
Umalis sa campus at mas piniling kumain sa labas habang ang siopao ay hindi nagagalaw. Hindi mapakali at hindi maintindihan kung bakit. Dahil ayaw intindihin ng isip. Hanggang sumapit ang gabi ay nakaligtaan ng pumunta ng isla. Nag-isip, at ginawa ang nasa isip para matapos na ang hindi mapakaling sarili.
BINABASA MO ANG
BOOK 1 - EYES OF UNKNOWN
Romance"Hindi ako nagkamali, parehas ka rin ng iba at walang hiya magtapat. Nakaka-turn off ka." - Ezekiel Matthew Before the end of high school, Trina Syn Villan met her half-sister, an uncommon in her sight. As she followed her, she found out the reason...