CHAPTER 1 - PENETRATING

405 17 1
                                    

Sa harap ng isang full size mirror ay nakatitig sa mga nakikita, mismo direkta sa sariling mga mata. Sabi ng lahat, mayroon daw akong pares ng mga mata na nagpapakita ng kahulugan sa kahit anong bagay.

Sa madaling salita ay expressive eyes.

Nawala sa saglit na daloy ng pag-iisip dahil sa mahinang mga katok mula sa pinto at ang kasunod ay, "Miss Trina, pinapatawag po kayo ng inyong papa at mama sa study room," sabi ng kasambahay ng bahagyang binuksan ang pintuan.

"Sure, I will come, in a few minutes," sabi ko pagkaharap ng may ngiti sa mga labi.

Binalik sa akin ang ngiti at sinarado ang pinto. Ginawang pumunta sa kwartong puno ng mga damit para magpalit ng kasuotan. Pagbukas ng pintuan ay ipinakita niyon ang loob at pumili agad ng simpleng sleeveless dress hanggang tuhod ang haba saka binagayan ng flat sandals.

Biglang naisip kung bakit ipinatawag. Marahil sa sinabi kanina, may ipakilala raw sila sa aming magkakapatid na isang mahalagang tao at kailangan naroon kami at magtipon.

Nang matapos magbihis, lumabas sa sariling silid at ginawang pumunta muna sa kitchen sa unang palapag ng mansion. Habang pababa ng hagdan nang makasalubong si Trod, ang kuya ko. Hindi man lang nagbigay ng tingin at lumagpas lamang. Sanay na ang sarili sa ganyan. Just one word to describe him, a snob. Siguro pupunta na iyon kanila papa.

Pagpasok sa kitchen, agad kinuha sa loob ng freezer ang favorite ice pop, pinili ang kulay dilaw. Patingin tingin ang ilang kasambahay na gumagawa sa loob ng kusina. Binigyan ko sila ng masayang ngiti.

Bumalik ako sa itaas papuntang study room, kasalungat sa hallway ng mga silid mayroon sa ikalawang palapag. Unfortunately, pagliko papalapit sa pakay na pinto ng makasabay si Traisie sa paglalakad, ang bunsong kapatid. She's looking at me with disgust. Baka dahil sa ice pop na nakasubo sa bibig ko. I know she's a brattinela. Another 's' to describe her; sumpongera.

Unang pumasok si Traisie ng hindi kumatok. Sumunod ako sa kanya. Sa pagpasok sa loob, nakitang naroon si Papa nakatayo sa harap ng glass wall. Nakahawi ang kurtina kaya kitang kita ang malamlam na kulay ng nag-aagaw dilim at liwanag ng papalubog ng araw. Si Mama ay tahimik nakaupo sa harap mismo ng malaking mesang napapatungan ng ilang libro. Sa harapan ng lamesa ay nalipat ang paningin ko.

Nakaupo ang isang babaeng may mahabang buhok, kulay itim pero kulot ng konti. Maganda, medyo morena at kapansin pansin makinis ang kutis. Siguro magkaedad lamang kami. Tumingin sa amin ang babae, una kay Traisie, saglit lamang. Sunod ay nalipat sa akin ang paningin ng mga mata niya.

It is blank and cold.

"Why father?" Ang mataray na boses ni Traisie.

Naputol ang titigan namin ng babae at tumingin ako kay papa nang lumingon sa amin.

"Nandito na pala kayo, I thought we will wait here 'till morning," sabi ni papa sa aming tatlong magkakapatid. Halata sa itsura ang pagod at kakaibang tindig kaya naintindihan kung bakit ganyan ang mga salita.

Walang katugon mula sa mga kapatid kaya hindi rin ako nagbigay ng salita.

Tumingin si papa kay mama, sunod sa bisitang babae at sa aming tatlo at sinabing, "I want to... I... I want to introduce to you... ang bago niyong kapatid, si Acelus."

Muntik ng mahulog ang ice pop mula sa bibig, buti naagapan ng isang kamay.

"BAGO! WHAT?!" Sigaw ng sumpongera. "What the heck are you talking about father?!" Habang magkasalubong ang dalawang kilay.

Sabi ko na nga ba ito ang unang magre-react.

"Maputi ako at maitim siya. Anong connect?!"

Shucks!

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon