CHAPTER 19 - LET ME STAY

175 10 2
                                    

Ang mga dahon sa puno at halaman ay bahagyang gumagalaw, mula sa pagdaan ng hihip ng hangin. Sumasabay ang huni ng ibon na nagbibigay katiwasayan sa katahimikan ng paligid.

Ang lugar na ito ay hindi ginalaw ng eskwelahan. Marahil ay mapanatili ang pagkakaroon dito sa kabila ng puro sementado ang buong nasasakupan. Ang pagkakaiba sa mga napapansin sa munting kapaligiran ay ang isang taong nakasuot ng kulay puting pantaas at pantalaong namumuti dahil sa matinding kupas. Nakatayo at nakatago ang mga kamay sa bulsa, halos hindi gumagalaw sa kinatatayuan at halatang malalim ang iniisip.

Sa ilang minutong pagmamasid mula sa likod nito ay ginawang ihakbang ang mga paa papalapit kung saan nakatayo. Walang ingay ang bawat hakbang. Sa konting natitira ay humugot ng malalim na paghinga para maging handa kung sakaling makalimutan hanapin ng baga ang hangin.

Isang metro mula sa lalaki ay tumabi sa pagkakatayo, ipinaramdam ang presensya at naging dahilan iyon para maputol ang malalim nitong iniisip at lumingon.

Nagtama ang aming paningin, ang sa lalaki ay hindi nagbigay ng ano man na emosyon pero unti-unti ay ipinakita ang nais nang maunawaan ang tinititigan.

Malayang pinagsawa ang sariling pagtitig sa mukha ng kaharap, ang mga mata nitong matiim kung tumingin, sa ilong papunta sa mga labing minsan lamang makitang ngumiti pero mapupula sa kabila ng kayumangging kulay ng balat. Mahahalata pa rin ang ilang galos at paggaling ng pasa pero hindi naging kabawasan sa anyo.

Ito ang sariling kagustuhan at tunay na ninanais, mas napatunayan dahil sa pagkakalayo. Mula nang bitawan ng kamay ang pinanghahawakan. Ngayon, kusa muling hahawakan ang ninanais.

Marahang humakbang ng isa papalapit, sa pagkakaugnay ng mga titig ay itinaas ang sariling kamay patungo sa pisngi ng lalaki, pero bago idampi iyon nang pinigilan ng kamay nito, ang mainit nitong palad nang hawakan ang pulsuhan.

"Wala kang isang salita... babae."

Ilang araw na rin.

Mula ng gabing iyon.

Ang marinig ang tono ng boses nito.

Ang sinabi ko mismo sa kanya.

If the answer is no, aalis ako sa school ito at hindi na magpapakita sa iyo or let's forget everything about this.

Walang isang salita. I have.

Pero ang direksyon ng puso ay iba ang sinasabi. Ang repleksyon ng puso ay nakikita iyon sa kaharap. Hindi pipigilan ang ipinapakitang direksyon ng puso.

Sa mabilis na galaw, humakbang pa ng isa paharap sa malaking katawan at ikinapit ang isang kamay na hindi nito hawak, patungo sa batok. Nang mahawakan iyon ay ipinayuko ang ulo nito at sinalubong iyon.

Ng sariling mga labi, sa labi nitong mapupula.

Ipinikit ang mga mata nang madama ang malalambot na iyon, idiniin ayon sa alam gawin. Mapusok sinubukan ng walang alinlangan. Sumabay ang lakas ng kabog ng puso. Hindi malaman kung sa sarili iyon galing, waring napagbigyan ang gusto at mas lalo pa naghahangad.

Dumaan ang kakaibang kilabot sa loob ng katawan nang maramdaman ang katugon ng mga labi nito sa akin. Kaya hindi sinasadyang napatigil. Ang mga labi ng kaharap ay bahagyang nakaawang. Nang malipat ang tingin sa mga mata nito ay hindi makapaniwala ang titig.

Sinamantala ko ang posisyon at sinabi ang dapat sabihin kasama ng halik na nangyari. Sa mahinang boses habang sa pagkakalapit ng mga katawan, "Ezekiel Matthew... I'm claiming you mine."

Ang mga mata nito ay nagkaroon ng muwang sa diretsong titig.

"You can claim me yours."

Walang salita galing dito.

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon