Kinuha ang nakatagong phone at tinawagan ang salarin.
"Kumusta ang interesting situation ko para sa 'yo, kapatid?" Salubong ni Acelus.
"Sabi ko na nga ba. Tsk. Not interesting, it's embarassing." Ang definisyon ng naramdaman kanina.
"Hahaha! I miss you. Hindi ka man lang nagpaparamdam sa akin kaya nauna na 'ko," mas lalong pinaganda ang magandang boses.
"I miss you too. I'm busy sa puro school works at maraming mga matang nakatingin dito kaya kailangan husayan--"
"Wow, nice! Very normal, Trina."
"Of course. Ikaw, how's life?"
"Same as ever. Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit ganoon ang ginawa ko kanina?"
Tungkol sa pink love letter? "Nevermind at hindi ako interesado--"
"I know, pero hindi naman masama lagyan ng ibang kulay ang ginuguhit mong buhay. Ni isang boyfriend hindi mo pa naranasan. It's fun to add something spice sa niluluto mong ulam. Kumbaga try mo rin tumikim ng pagkain sa turo turo."
Kasabay ng sinasabi ng kapatid, mula sa kinauupuan sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa nakasaradong bintana, nalipat ang paningin sa lalaking kinukuha ang bisekleta sa tabi ng sasakyan. Hindi nito alam nandito ako sa loob dahil heavy tinted ang salamin kaya malayang napagmamasdan ito.
Pumasok sa isip ang letter at ang sinasabi pa ng kapatid.
"I found him looking at you from far away. Naawa ako sa katulad niya, ang kaya lang gawin tumingin sa iyo sa malayo. Ikaw naman kasi hindi mo man lang bigyan ng chance. Kakatok pa lang dinadagdagan mo na ang kandado ng pinto."
Kinakalikot nito ang kadena, luma at kinakalawang. Inaalis ang kandadong nakakabit at kadenang nakaikot sa bakal.
"What do you say?"
Ngayon ay may bagong napapansin, ang suot nitong jeans at tshirt ay kumukupas. Hindi noon masyadong mapapansin dahil sa pagdadala at bumagay sa itsura.
"Hindi naman sa itinutulak ko siya sa 'yo. He is just an example of human being around you na interesting bigyan ng pansin at hindi gawing pader at dinadaan lang."
Or baka ako ang pader sa paligid niya? "Ngayon ko lang nalaman Acelus, magaling ka pala magbigay ng additives sa linya mo. Tsk, convincing queen," sabi ko. At ang lalaki ay...
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Natigilan dahil tumingin ito dito sa sasakyan kung saan ako nakaupo sa paraang nakikita ang loob.
Tumawa si Acelus mula sa kabilang linya. "Anyway, baka magkita tayo soon at ikwento ko na lang ang iba sa 'yo that time. Sige kapatid, keep safe." Naputol ang linya.
Ilang sandali lamang iyon. Umalis ang paningin nito sa sasakyan, nagpedal sa bisekleta at umalis. Napahugot ng malalim na paghinga.
Hard to breathe again.
Maybe, hindi soundproof itong kotse. Tsk.
At umalis din sa lugar na iyon.
Kinabukasan sa palaging routine, pumasok muli sa mga klase at ginawa ang usual. Kagaya ng pinapakitang kabaitan sa mga taong lumalapit at...
May dumaan sa harapan. Naamoy ang panlalaking amoy nito, walang perfume o kung anong pabango. Mula sa nangyari kahapon at sa sinabi ng kapatid, humakbang ang paa at sumunod sa nilalakaran.
If curiosity truly kills the cat.
Mula sa departamento hanggang makarating sa library ay nakasunod ng hindi kalayuan. Mula sa paningin, napansin ang mga babae sa paligid ang pagbibigay dito ng tingin. Ang iba ay hindi hinihiwalayan ng mga mata at todong nakasunod kahit humaba ang leeg. May nagsisitawanan at mayroon gustong lumapit at tawagin ito pero hindi natutuloy at umaatras. Sa reaksyon ng iba, nagkaroon ng pagkakataon hindi mapansin ang pagdaan ko.
BINABASA MO ANG
BOOK 1 - EYES OF UNKNOWN
Romance"Hindi ako nagkamali, parehas ka rin ng iba at walang hiya magtapat. Nakaka-turn off ka." - Ezekiel Matthew Before the end of high school, Trina Syn Villan met her half-sister, an uncommon in her sight. As she followed her, she found out the reason...