CHAPTER 25 - THIS MOMENT

20 1 0
                                    

Lunch break ang sumunod. Umiwas sa maraming nagtatangka lumapit kaya mas pinili kumuha ng sweets para sa natutuyong utak at hindi pumila kagaya ng iba. Habang nasa harapan ng dessert table ay may brasong dumikit sa sariling braso. Ang hindi inaasahan dahil akala ay iwas na muli sa akin.

"Ezekiel," bulong ko at ipinarating ang pagnanais kong makipag-usap sa kanya.

"Walang ka bang gana kumain?" Bulong din nito. Mas binibigyan nito ng pansin kumuha ng matatamis.

"Wala," sabi ko.

"Parehas tayo." Iwas ang tingin pero, "hintayin kita sa labas," at humakbang paalis.

Hindi nagawang humabol ng tanaw dahil sa kakaibang kabog ng puso. Hindi malaman kung bakit kahit sa simpleng ganitong sitwasyon.

Pinalipas ang ilang segundo bago pumunta sa entrance door ng function hall. Naabutan nakasandal ito sa pader at sumalubong ng titig. Ginawang humakbang ng marahan papalapit sa lalaki habang binabasa ang hiwatig ng tingin. Nang tumapat ako sa kanya ay tumayo ng tuwid mula sa pagkakasandal nang hindi hinihiwalay ang koneksyon sa bawat isa, sa mahabang sandali. Ang maganda nitong mukha ay maraming gusto iparating. Gusto ng hangarin na sana hindi matapos ang ganito.

"May gusto akong sabihin," sa pagbasag nito sa katahimikan sa mahinang boses. Lumingon sa paligid at sa mga taong dumadaan. "Hindi dito."

Sumunod ako sa sinabi at sa paglakad ng mabagal sa malawak na pasilyo habang naghahanap ng pribadong lugar. Sumabay sa paglalakad at hinayaan kung saan patungo. Ito ang ikalawang pagkakataon sabay naglakad ng ganito. Ang una ay kagabi nang ihatid niya ako sa nakalaang silid.

Lihim napapangiti sa ganitong karanasan.

"Hi."

Marahil nasa ibang panig ang isip at paningin, dahil ngayon lang napansin ang pagsulpot sa harapan ng isang Acelus Kyung, ang kapatid. Mismo sa tapat ni Ezekiel.

Bahagyang nagulat pa nang maramdaman ang kanang kamay ni Ezekiel, sinakop ang kaliwang kamay ko sa tabi niya. Naisip agad na, ganito ang defense ng lalaki kapag may babaeng humarang sa daan at nais makipag-usap.

Sumilay naman ang ngiti mula sa kapatid, lumabas ang mga biloy. "I'm Acelus, kapatid ako ni Trina."

Kung sa paningin ng iba ay mapagkakamalan sinungaling ang kaharap dahil malayo ang anyo nito kumpara sa akin. Isang nerd looking at medyo morena.

Napansin natigilan si Ezekiel. Ang kapatid mismo ang sumalo sa napansin.

"Kapatid sa labas, I mean." Bahagyang tumawa pa. "I'm from school A." Habang inayos ang malaking salamin sa mga mata. "Isa akong future architect." Naglabas ng calling card at ibinigay kay Ezekiel. "Contact me kapag professional ka na."

Napataas ang sariling kilay sa narinig.

Tinanggap naman iyon ng katabi nang walang salita, marahil ay hindi inaasahan ang ganito.

"Amazing," bulong ko lamang. Pinigilan mapangisi kahit may pumasok sa isipan.

Sa akin naman humarap.

"By the way kapatid, umalis na sila. May ibang trip na naman na pagkakaabalahan. After this lunch pupunta ako sa Isla Sapira. Kailangan ko i-check lahat ang final details para ready na. By the coming month, itutuloy ang opening ng resort kung walang error sa paningin ko. Tapos na rin naman ang training at orientation sa workers. Ibigay mo na rin ang report mo kay Froiland kung wala ka ng changes na gagawin," diretso nagsalita na parang normal ang usapan na ito.

Tsk.

"Sige, ate," sa normal ko rin na tono.

Ngisi ang balik. "Anyway, sa bahay ka ba mag-spend ng holidays?"

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon