Naghanda para sa araw na ito. Kahapon ay ipinahayag ang nais, ngayon ay gagawin ang mga sinabi.
Gamit ang pamamaraan ay inilagay sa memorya ang mga bagay na makakatulong para sa pansariling deklarasyon, like a selfish person. Tsk. Pinili ang ganito, ang alisin ang mga kandadong nakakabit sa sariling pinto at buksan para sa taong pinili, kay Ezekiel Mathew. Samantalang malalaki ang rehas at matitibay ang mga kandadong nakakabit sa pinto nito. Tsk.
Mula sa pag-aayos ng sarili ay ginawang pumunta ng mas maaga kaysa sa takdang oras ng klase. Diretso kung saan posibleng makikita ang hinahanap. Ang bawat oras ng taong iyon ay naka-rehistro sa isipan. Maliban kung pinili hindi pumasok o masama ang panahon. Regular ang araw na ito at dalawang linggo pa bago ang break.
Tahimik naglakad sa loob ng silid-aklatan, konti pa lamang ang mga tao at mahina ang maririnig na mga usapan. Ang ganitong oras ay pipiliin ng taong iyon para makapag-aral ng walang istorbo.
Tama nga ang nasa isip.
Tumigil at sumandal ng ilang sandali sa tabi ng divider. Habang itinuon ang buong pansin sa taong nakaupo sa harapan ng mahabang lamesa. Sa nakatagilid nitong mukha ay mapapansin ang seryosong pag-aaral sa hawak nitong blueprint at ipinaparating sa mga istorbo na huwag magtangka lumapit.
Pinagmasdan ng ilang sandali pa bago ginawang lumapit ng walang ingay sa bawat hakbang. Kahit ang upuan sa likod mismo nito ay hindi madidinig ang paggalaw. Dito mismo pinili, ilang sentimetro ang layo ng likod mula sa likod nito.
Piniling buksan ang dalang aklat at itinuon ang isip para sa pag-aaral. Hinayaan ang sarili manatili sa pagbabasa sa pagdaan ng mga minuto. Kasabay ng mga naiintindihan ay nararamdaman ang kilos sa likod kahit hindi nakikita. Naririnig ang bawat paghinga at karamihan ay malalim.
Dahil ba sa sinabi ko sa kanya kahapon?
Pagkatapos dumaan ang ideya ay ibinalik ang atensyon sa binabasa. Tumigil lamang nang mawala ang ingay sa likod. Bahagyang lumingon, lumukso ang nasa loob ng dibdib nang makasalubong ang matiim na titig ni Ezekiel.
Unreadable, iyon ang ipinaparating ng aura nito. Ang titig ay hindi mawari ang ibig sabihin.
Mabilis naputol ang lahat nang tumayo ito at nagligpit ng mga gamit. Kinuha ang bag at tumalikod ng walang kahit isang salita.
Tsk. Not even a word.
Balewalang tumayo at dinala ang mga dalang gamit saka sumunod sa umalis. Mula sa malayo ay matatanaw ang paglalakad nito. Natutukoy kung saan patutungo dahil sa espayo ng bawat gusali at iilan ang mga tao sa paligid. Hindi nagtagal ay may napansin, nakagat ang sariling ibabang labi nang maintindihan ang direksyon ng patutunguhan, iyon ay walang direksyon. Kung saan saan pumupunta at lumiliko.
Magulo ang isip?
Tumigil ang sariling hakbang nang may lumapit sa lalaki, o sa tamang salita ay hinarangan ito sa daan ng isang babae. Napangisi nang may dumaang kakaibang pakiramdam sa dibdib. May naintindihan sa sitwasyon dahil sa kilos at anyo ng babaeng humarang. Umakto ang katawan, walang ingay at pansin na lumapit sa dalawa kagaya ng kanina sa library. Ang lugar na ito ay departamento para sa gawaing opisina at karamihan dito ay babae. Piniling sumandal sa tabi ng malaking poste ng gusali ng hindi nakikita sa paningin ng pakikinggan. Konting hakbang ang layo.
"...Tungkol pala sa conference natin. Mayroon ka bang idea paano maging mas recognizable at eye catching ang group natin? Gusto ng presidente makuha natin ang mga mata ng lahat lalo ang grand committee."
Conference?
"Oh I mean, nakita ko sa list ang name mo. Ikaw ang magiging representative sa course mo at hindi ka pa ba informed ng adviser mo?"
BINABASA MO ANG
BOOK 1 - EYES OF UNKNOWN
Romance"Hindi ako nagkamali, parehas ka rin ng iba at walang hiya magtapat. Nakaka-turn off ka." - Ezekiel Matthew Before the end of high school, Trina Syn Villan met her half-sister, an uncommon in her sight. As she followed her, she found out the reason...