CHAPTER 7 - UNEXPECTED

196 12 0
                                    

Tumunog ang cellphone. Inilabas kung saan palaging nakatago sa parte ng katawan. Makikita sa munting screen ang oras at lugar. Ibig sabihin, meeting.

Naalala ang kwento ng kapatid at sa mission nito. Nalaman lang kahapon ang resulta. Natuloy ang plano ni Acelus, naakit niya ng ilang segundo ang biktima pero mali ang lead na ibinigay ng isa pang spy ng grupo, si Gerari.

Useless. Siguradong badtrip ang kapatid.

Ngayon, si Denise ang gumalaw, mas complete at accurate ang info. At sa akin ang set up.

Pagkatapos maligo ay nagsuot ng puting blouse at jeans, flat sandals at itinali paitaas ang pinatuyong buhok. Nilagyan ng butterfly pin bilang disenyo.

Pumunta ng campus, pumasok sa klase at tahimik nakikinig sa instructor. Bumawi sa hindi pagpasok ng ilang araw, kaya puro review ang inatupag at paggawa ng make-up requirements para sa maintenance ng grades.

Bago lumatag ang dilim ay ginawang tapusin ang lahat para bukas walang ibang pagkaabalahan. Naglalakad pabalik ng sasakyan nang biglang sumabay sa paglalakad si Zandro.

"Hatid na kita." Hindi maalis ang titig, kagaya ng gawain nito pero ngayon ay parang may pinagdadaanan.

"No need."

"I insist." Sumabay nga sa lakad. "Kumusta ka na? Nagkasakit ka raw? Di ko alam kung saan kita bibisitahin. Rinig ko may apartment ka raw dito sa malapit. Kung hindi ka pa pumasok ngayon week balak ko ng pumunta sa inyo," seryoso ang tinig.

"Lagnat laki lang." Kibit balikat sa paliwanag.

"Uso talaga ngayon ang lagnat."

Walang kasunod sa usapan dahil walang salita para dito.

Ito ang bumasag sa katahimikan sa ilang saglit. "Hindi ka pumunta sa game," may lungkot na ang boses.

"May unexpected assignment akong ginawa," balewalang sagot.

"Sayang, may surprise sana ako sa 'yo." May lungkot pa rin.

Hindi naramdaman magbigay dito ng paumanhin dahil hindi naman nangako pupunta.

Bago makarating sa sasakyan.

"Gusto mo ba malaman ang suprise ko sana sa 'yo?"

Hindi pinagkaabalahang magbigay ng sagot.

"Or hindi ka interesado?"

Tumigil sa paglalakad dahil sa narinig.

"Trina, mahal kita."

Napatingin ako sa dito.

"Gusto kong makita mong seryoso ang mga ginagawa ko. Please let me court you, open your heart to me. I know you will not regret this," nagmamakaawa ang boses.

Hinawakan pa ang kamay ko, kaya napatigil sa balak sanang pagtalikod ng walang salita dahil sa walang kwentang narinig at para pumunta sa sariling sasakyan. Nagkaharap kaming dalawa.

"Please let me, Trina. Hindi ko na alam ang gagawin kung tatanggihan mo ako!"

Exaggerated.

Pakiusap na may tonong hindi dapat i-reject?

"Don't say no."

That word.

Mabilis ang pangyayari pero mas mabilis ang reflex. Sa lapit ng distansya ay natural ang depensa. Itinaas ang kamay sa anyong naglalagay ng bulaklak sa likod ng tenga. Ang biglang pagyakap sana ni Zandro ay hindi natuloy dahil tumapat ang sariling siko sa dibdib nito. Napaatras ito habang hinahaplos ang nasaktang parte. Ang tapat ng puso mismo.

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon