Pinaandar muli ang sasakyan. Walang imikan ang kasunod. Sumunod lamang ako sa kanya nang pinili nitong pumunta sa mall at naglakad lakad.
Maraming tao sa buong gusali, maingay ang naririnig at ang karamihan ay namimili para sa pasko. Habang si Ezekiel ay nagmamasid sa bawat estante ng kung ano anong gamit. Nang nasa loob na ng bookstore ay hindi nakatiis at kinausap ko siya.
"Bakit hindi mo ako kinakausap?" Malinaw at halata kasi ang pananahimik.
Mula sa engineering books na hawak ay hindi man lamang nagbigay ng pansin sa narinig, kagaya ng tangkain magkaroon ng simpleng conversations kanina.
"Ezekiel," tawag ko kahit nasa tabi ako. Kumapit ang kamay sa laylayan ng tshirt nito. "Boyfriend ko."
"Gusto ko muna mapag-isa, hintayin mo na lang ako sa labas."
Nasaktan sa narinig. Ang tono nito ay katulad kapag may istorbo sa paligid, ang kagaya kong istorbo. Sinunod ko agad para hindi makita ang naging anyo ng sariling mukha baka hindi maitago ang nararamdaman. Tumalikod ng wala ng salita.
Pumili ng lugar sa malayo at tumayo sa tabi ng hagdan habang nakamasid sa mga tao mula sa ikalawang palapag. Naisip ay gusto sana sumbatan ang lalaki sa sinabi nitong hindi na ito lalayo sa akin pero heto ngayon, parang pinagtabuyan papalayo. Tsk.
Hindi nagtagal sa pagkakatayo nang maramdaman may dumikit sa tabi. Hindi man lumingon ay alam ng isip dahil sa amoy.
"Merry Christmas."
Mula sa harapan ay ipinakita ang maliit na kwadradong regalo.
Lumingon sa lalaki, bumalik ang affection sa mga mata nito.
"Tsk," isinatinig ko ang inis.
Hinawakan ako sa kanang kamay at hinila paalis sa pwestong ito. Napasunod ako sa kanya.
"Kailangan ba ipagtabuyan muna ako para makapag-ready ka ng regalo?" Iritado kong tanong.
"Hindi. Ako ang unang nagtampo sa iyo kaya sana mas naintindihan mo," balik na sagot.
Nagtatampo pala. Dahil sa huling pag-uusap? "Sorry, Ezekiel," agad kong sabi.
Tumigil at sumabay sa mabagal na lakad. "Childish," sambit nito.
"Merry Christmas," ang balik ko naman. "Ano ang dahilan ng pagtatampo mo?"
Sa tahimik nitong titig ay, "Interesado ka pa rin ba sa akin, ngayon nakita mo na kung anong klase ng buhay ang mayroon ako?"
Mahalaga pala dito ang sagot sana kanina. Tsk. "Hindi nagbago ang pagtingin ko sa iyo." Ito ang totoo.
Pumunta ang isang braso nito sa likod at bewang ko, mas lalong napadikit sa katawan ng lalaki, sa mabagal na lakad sa kabila ng agos ng maraming nilalang sa magkabilang panig.
"Bakit?" Tanong ko dahil malalim ang paghugot ng paghinga nito.
Dumiin ang palad at brasong nakadikit. "Gusto kita halikan."
Saglit dumikit ang mga labi nito sa gilid ng noo ko.
"Matakaw," sambit ko sa kabila ng parehas na kagustuhan. "Refrain yourself, Ezekiel."
"Iwasan mo ang mga langgam kapag wala ako sa tabi mo," anas nito sa tenga ko.
"Matagal ko ng gawain, except sa isang langgam. Mahigpit ang kapit ngayon."
"Ayaw mo ba?" Iritable ng konti.
Napangiti sa pagiging possessive nito. "Gusto kita," ang tanging sagot.
Ngumiti na may kayabangan ang anyo. Tsk.
Saka bumitaw ako sa mahigpit niyang kapit. "Hintayin mo ako dito, may regalo rin ako para sa iyo."
BINABASA MO ANG
BOOK 1 - EYES OF UNKNOWN
Romance"Hindi ako nagkamali, parehas ka rin ng iba at walang hiya magtapat. Nakaka-turn off ka." - Ezekiel Matthew Before the end of high school, Trina Syn Villan met her half-sister, an uncommon in her sight. As she followed her, she found out the reason...