CHAPTER X

54 3 0
                                    

Third year na tayo next sem.



After more than one year sa talking stage ay Magtotwo months na kaming di nag-uusap ni Gelo


Ewan ko naging cold na lang basta yung usapan namin tapos di na rin kami nakakapag kita masyado dahil sa acads. Hanggang sa di na kami nag-usap at di na updated sa mga buhay ng isa't-isa.


Tanginaaaa nagreact nga lang siya sa last kong chat sakaniya.


Kaya nahiya na rin ako magchat ulit. Sheeeet bat parang wala lang kaming pinagsamahan?


Lately kasi may inistory siyang girl sa ig. Nakikita ko rin sa mga tweets niya na Nursing student si ate girl.


So basically hindi ako yun


Nagkakasalubong kami ni Gelo sa school minsan pero yumuyuko na lang ako after makipagpalitan ng ngiti, like medj masakit  ghosting 2.0 ganon amp. ito yung season 2 nung kay Alfred.


Umiyak lang ako ng konti kasi di ko alam kung paano na naman ako magmomove on.


After kasi na hindi ako piliin ni Alfred dati it takes 2 years bago ulit ako napunta sa talking stage which is si Gelo.


Lakas maka season 2 right? HAHAHAA


Ayaw kong after 2 years ulit bago ako makamove on, like gusto kong makalimot as soon as possible. Ayaw kong magaya yung karanasan ko kay alfred like umaasa pa rin ako at some point na pipiliin niya ako, na babalikan niya ako kahit alam ko namang wala na talaga. 


ayaw kong maging ganon ulit yung way ng pagmomove on ko ngayon kay Gelo.


Pero realtalk gusto ko sana ng closure kahit na di naging kami. On the other hand, having no closure is the closure.


Bababa na ako tomorrow dahil di ako magshoshort term. Basically, bakasyon lang ng 2months HAHAHAHA


Sinulit ko na gumala ngayon dahil mamimiss ko to HAHAHA


Mag-isa lang akong gumala dahil may exam pa si ate Kaye tas yung mga friends ko naman ay umuwi na kahapon pagkatapos na pagkatapos ng exam.


Pumunta lang akong pink sister at kumain na rin ako sa grumpy joe.


Nagsm na rin ako after at naglakad lakad muna habang inaantay si ate kaye dahil gusto niya ring lumabas after exam niya.


Sabay rin kaming uuwi bukas ni ate pero babalik din siya after 1 week dahil required sa kanila magshort term. Baka ihatid ko rin siya kapag sinipag ako.


_______________

Nasa bus na kami ngayon pababa nagphone lang ako at nagpapaantok.

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now