CHAPTER XXVII

65 0 0
                                    

"Babe? Wake up" may marahan na yumuyogyog sakin. Pero ang pinagtataka ko ay paano to nakapasok dito sa condo 


"Morniiiing!" Tinagkluban ko pa yung mukha ko ng kumot dahil gulo gulo pa ang aking buhok.


Tinawanan pa ako nito bago tanggalin yung kumot na pinangtakip ko sa mukha ko saka ako hinalik halikan sa mukha


"Babe gising naaaa DJ wants to meet his future mommy oh" sabi pa niya na agad na nakapagpabangon sakin.


Tinawanan niya lang ulit ako dahil sa naging reaction ko


"Now na ba?" Tanong ko pa bago bumaba ng kama at dumeritssa cr para maghugas ng mukha at magbrush na rin "wait laaaaang wala pa akong gift for him pero" sabi ko dahil worried ako kung paano kung ayaw niya naman ako.


"Sira, he wants to meet you hindi gift from you " sabi pa niya habang naglalakad kami papuntang kusina.


Inumpisahan ko na ring magluto ng pancake for our breakfast


"Birthday na ni DJ bukas, one year na siya samin, isang taon na niya pinapasaya ang pamilya namin,isang taon na rin niyang nilalabanan yung sakit niya" sabi pa niya habang nakaupo siya sa island table.


"Mahal na mahal niyo siya no?" Sabi ko at naramdaman ko naman na yumakap siya sakin at pinatong ang baba niya sa balikat ko. Kaya naramdaman ko naman na tumango siya


"Are you sure na okay lang sayo? We can just support him financially at kila mommy na lang siya" aynako naman tong Jasper na to.


Kinuha ko na yung huling pancake na niluluto ko at nilagay na sa plate saka ako humarap sa kaniya


"Oo namaaaan basta ikaw muna bahala sa kaniya till end of my contract ha?" Sabi ko at umupo na siya sa sa harap ng table


Kumuha rin ako ng milk dahil wala akong coffee dito sa condo dahil nga bawal na sakin mag kape


"Sorry wala akong kape dito" sabi ko pagkalapag ng gatas sa table.


"I know"sabi niya naman. Di ko na talaga alam kung ano pa yung mga alam niyang nangyari sakin habang magkahiwalay kami


"Sympre stalker kita" malokong sagot ko at tinawanan niya lang ako


Nag-ayos na rin ako after naming kumain.



Andito na kami sa sasakyan niya papunta sa bahay nila, di na rin pala siya sa bahay nila nakatiran may sariling bahay na siya pero medyo malapit lang din sa family house nilla.


Bigla namang may tumawag sa kaniya at sinagot niya lang yung video call na hindi tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko


"Kamusta na tong torpe kong kaibigan?" Bungad ni Enzo kay Jasper dahil si Jasper lang yung nakiikita sa camera "balita ko umuwi daw yung mahal mo? Tangina di ka pa kasi nagpakita nung pumunta ka sa Australia di sana may jowa ka na ngayon" sabi pa niya pero tumawa lang si Jasper at hindi nagsasalita.

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now