CHAPTER XIV

60 2 0
                                    

Iniiwasan ko lang si Jasper ng konti dahil ayaw kong malink sa kaniya since may jowa na nga ang mokong.


Mas maganda ata na yung sinabi na lang ni lolo dati yung gawin ko na wag muna mag boyfriend hangga't di pa tapos mag-aral.


Buti na lang at tapos na ang midterm exam at finals na, konti na lang ay di ko ko na siya kaklase. ang bilis lang  ng first sem


Birthday ko na rin sa December 1 sheeeem bente na akooo.


After this sem ay tatlong sem na lang din before grumaduate.


Palabas na kami ng room at nag-aaya yung mga friends ko na inom daw tonight sa drop out.


"Oy sumama ka naman Cali, di ka pa namin nasasama sa inuman ih, kahit sumama ka lang" sabi naman ni John


Alam kasi nilang di ako umiinom, una at huling inom ko ay nung sa resort with junior high friends ko


"Kaya nga Cali sama ka na kahit wag ka na uminom sunday naman bukas eh" segunda pa ni Jannah


"Ano bang iinumin?"tanong ko na ikinagulat naman nila


"Wow iinom ka? Umiinom ka na?"


"Natry lang once sa baba" sagot ko at napapayag naman nila ako "Sino ba palang kasama?" 


Kontii lang ang iinumin ko dahil uuwi rin ako sa dorm before 10


Wala rin kasi si ate Kaye dahil may duty. Intern na siya at graduate na siya next sem HAHAHAHA


"Sila Enzo at Clein baka sasama sila" sagot naman ni Jannah. Ay oks lang pala para may kasama akong uuwi mamaya


Umuwi muna ako saglit para iwan sa dorm yung mga gamit ko at nagpahinga pa ako mga 7 na ako lalabas para konti lang mainom ko dahil di pa naman ganon kataas tolerance ko sa alak

MINEROS

San kayo banda?Papunta na me Hehehez

Drop out lang bilisan mo


Pagdating ko sa drop out ay may nakita lang akong fortuner sa labas ang astig dahil nakaset up pa to.


Pagpasok ko ay iginala ko ang aking mata para mahanap yung mga friends ko


Nakita ko naman sila pero bat ang dami nila sa table? mga patatas nag-aya pa ata sila ng iba, nagdadalawang isip na tuloy akong uminom


Mga kaklase lang pala namin sa econ yung mga kasama nila pero bat ang dami nila? Nasa kalahati ang pumunta, akala ko ba si Clein at Enzo lang ang sasama? mga GG sila


Pagkarating ko  sa table ay umupo ako agad sa tabi ni Jannah dahil nahihiya ako at pinagtitinginan nila ako.

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now