CHAPTER 2

1.6M 36.6K 4.7K
                                    

CHAPTER 2

NGINITIAN ni Vienna ang step-brother niyang si Cali ng makita itong nasa labas ng private plane nito at mukhang hinihintay siya. Buti nalang talaga sinundo siya nito rito sa Japan. Ayaw niyang ma-hassle pauwi sa Pilipinas.

"Hey, dear brother," bati niya rito saka niyakap ito.

Tinugon naman ni Cali ang yakap niya saka tinapik ang likod niya. "Kumusta?"

Nakangiting tumango siya. "Okay naman."

Hinawakan siya sa siko ni Cali at iginiya papasok sa private plane nito.

"Dalawang buwan ka lang sa Pinas?" Tanong ni Cali ng makapasok sila sa loob ng eroplano.

Tumango siya. "May kailangan lang akong tapusin na fashion collection tapos babalik kaagad ako sa London."

"Fashion collection?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi ako naniniwala. Kilala kita Vienna. Alam kung narito ka sa Pilipinas dahil may mahalaga kang rason. Now, tell me what it is."

Humugot siya ng malalim na hininga saka tumingin sa mga mata ni Cali. "I want Lander back."

Malakas na natawa si Cali sa sinabi niya. "Nagbibiro ka?"

Umiling siya. "I'm serious."

Tumigil ito sa pagtawa. "Oh, akala ko nagbibiro ka lang." Napailing-iling ito. "Bakit mo kasi siya iniwan ng hindi nagpapaalam? You could have at least said good bye to him. Alam mo ba kung anong nangyari sa kaniya ng umalis ka? Naging bitter na siya. Hindi na siya ang Lander na naging kaibigan ko sa Stanford na masayahin at walang problema sa mundo. Dahil sayo, minsan nalang makakitaan ng emosyon ang mukha niya."

Kinain ng konsensiya ang puso niya. "Alam kong nasaktan ko siya kaya nga heto ako ngayon at babawi."

"Bakit ngayon? Bakit hindi noon na umaasa pa siya na babalik ka?"

Tumingin siya sa labas ng bintana ng eroplano. "Kasi naduwag akong bumalik noon. Alam kong galit siya sa'kin. At saka, nangako ako sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na may masirang buhay ng dahil sa'kin at sa kapabayaan ko."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Cali. "Sana nga matanggap ka pa ni Lander uli."

Vienna sighed. "I hope so, too, brother. I hope, so, too."

Paagkalipas ng ilang oras, mahigpit na napahawak si Vienna sa arm chair ng kinauupuan ng maramdamang pababa na ang eroplano. Nang tuluyan na itong makalapag, huminga siya ng malalim at sabay silang lumabas ng eroplano ng kanyang kapatid.

Habang naglalakad sila ni Cali patungo sa exit ng airport, kinuha nito ang cellphone sa bulsa saka may tinawagan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig na sinambit ni Cali ang pangalan ni Lander.

"Hey, Storm," ani Cali sa kausap sa telepono. "Sino ang kukuha ng pinadala mong spare parts?"

Lumapit siya sa kapatid at idinikit ang tainga sa cell phone nito para marinig ang boses ng mahal niya.

Tinulak siya palayo ni Cal. "Shhh!" Pinandilatan siya nito bago nagsalita ulit. "Oh? Okay. I'll wait then."

Tinapos nito ang tawag at ibinalik ang cellphone sa bulsa. Pagkatapos ay kumuha ito ng pera sa wallet at iniabot sa kanya.

"Here. Go and buy yourself coffee," ani Cali sa kanya.

Sinimangutan niya ang kapatid. "Gusto mo lang akong paalisin, e. Sinuhulan mo pa ako." Inungusan niya ito. "Hindi porke't paborito ko ang Starbucks coffee ay susuhulan mo ako."

POSSESSIVE 4: Lander StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon