EPILOGUE

2.6M 48K 11.1K
                                    

EPILOGUE

NAKANGITI si Vienna habang pinapalibot ang tingin sa V Couture Boutique. Halos kalahati ng damit na naka-display ay gawa niya. And kalahati naman ay binili niya sa mga kilalang designer sa New York at Paris.

Paunti-unti, nakikilala na ang V Couture, ang kompaniyang inumpisahan niya noon pagkatapos niyang maka-graduate sa Fashion Designing. Pero dahil nag-focus siya sa pagiging Agent niya, naging hobby nalang niya iyon. Pero ngayon hindi na siya Agent at isa na siyang simple housewife, nagkaroon siya ng maraming oras para gawin ang gusto niyang gawin.

Ang palagi niyang costumer ay mga sikat na celebrity at models. Her business was doing good ... more than good, actually. Nakatulong din sa kanya ang pagiging konektado niya kay Lander Storm, ang isa sa mga sought after bachelor noon na ngayon ay asawa na niya.

Ni sa panaginip, hindi niya akalain na makakapagpatayo siya ng sariling couture. Wala naman kasi ito sa isip niya noon. Pero nang sa wakas ay pakawalan siya ng ahensiya na pinagta-trabahuan niya, wala siyang magawa sa buhay. Doon niya naisip na ipagpatuloy ang pagiging Fashion Designer niya.

Ginamit niya ang pera na binayad sa kaniya ng agency sa bawat tagumpay na misyon na nagawa niya para mas palaguin ang V Couture.

Lumapit siya kay Monique, ang pinagkakatiwalaan niyang cashier. "Kumusta ang sales natin sa buwang 'to?"

Malapat itong ngumiti. "Super doing well, Miss Vienna. Ang laki ng sales natin ngayon lalo na sa mga gowns na gawa niyo. Halos lahat po ng celebrity na dumalo sa Star Circle Ball ay sa atin kumuha."

Masayang pinalakpak niya ang kamay. "That's great. Sana magtuloy-tuloy 'to."

"It will, Miss Vienna," nakangiting wika ni Monique.

Sasagot sana siya nang tumunog ang bell ng pintuan. Ibig sabihin, may costumer sila. Pero nang tumingin siya sa pinto, sinalubong ang tingin niya ng kulay asul na mga mata ni Levin.

"Baby." She opened her arms for a hug. "Come here."

Levin smiled. "Mommy!" Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "I miss you, mommy," paglalambing nito.

Hinigpitan niya ang yakap sa limang taong gulang niyang anak. "I miss you, too, baby. How's your camping trip?"

Nag-camping ang mga ito kasama si Train at ang anak nitong si Trek. They were camping for the weekend. Mag-isa lang siya sa bahay nila kaya naman miss na miss na niya ang ito at syempre ang asawa niya.

Levin grinned. "It was so fun, mom! Super fun! Waaaahh!" Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya at umikot-umikot.

Natatawang pinigilan niya ito. "Baby, stop twirling. Baka mahilo ka," saway niya sa anak. "Anyway, where's your daddy?"

As if on cue, bumukas ang pinto ng boutique at pumasok doon ang asawa niya na nakangiti ng malapad.

"Hello, Vien." Hinalikan siya nito sa mga labi ng makalapit sa kanya. "How's your weekend?"

Sumimangot siya. "Boring. Wala kayo, e."

Nakangiting mahigpit siyang niyakap ng asawa. "Our weekend was fantastic, unlike yours," tudyo nito at pinanggigilan ang tungki ng ilong niya. "Pero na-miss ka namin ni Levin. But it was fun."

"Daddy!" Levin gleefully shouted. "Buhatin mo ako."

Umuklo naman si Lander at binuhat ang anak nila. Nang magpantay na ang mukha nila ni Levine, hinalikan siya sa pisngi ng kaniyang anak.

"I love you, mommy, and i miss you. Next time, sama ka na sa amin, please?" He gave her a puppy dog face.

Hinalikan niya ang tungki ng ilong nito. "I will, baby. Pero bonding time mo 'yan with daddy diba? Hindi pwedeng sumama si mommy kasi alone time niyo yan ni daddy."

POSSESSIVE 4: Lander StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon