CHAPTER 14
NANG makalabas sa banyo, nagsuot siya ng pulang lingerie at naglakad patungo sa bintana na nakaharap sa silid ni Lander. Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niya si Lander na naka-upo sa study table at nakaharap sa laptop nito.
Wala itong suot na pang-itaas. Shit! Bakit ba nakapaglalaway ang kakisigan ng binata?
Kinuha niya ang roba at isinuot iyon pagkatapos ay tumalon mula sa bintana ng kuwarto niya sa second floor. Eksperto at balanseng lumapag ang paa niya sa semento sa ibaba. Napangiti siya. Sanay siyang tumatalon sa mga matatas na gusali kapag nasa misyon siya kaya naman hindi siya nahirapan na tumalon.
Tumingala si Vienna sa maliit na balkonahe sa kuwarto ni Lander. Huminga siya ng malalim at nag-umpisang inakyat iyon.
Nang makahawak ang kamay niya sa railing ng balkonahe, nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Vienna pulled herself up and she expertly landed on the terrace floor.
"Whew." Habol niya ang hininga. "Kailangan ko nang mag rock climbing," aabi niya sa sarili bago kumatok sa nakasarang sliding window.
Mabilis na napalingon si Lander ng kumatok siya sa pinto. Nginitian niya ito ng magtama ang mga mata nila.
Gumuhit ang gulat sa mukha nito ng makita siya. "Saan ka dumaan?" Nagtatakang tanong nito ng buksan nito ang salamin na sliding window.
Nginitian niya ang binata. "Inakyat ko ang terrace mo. Gusto kitang makasama, e." Ipinalibot niya ang dalawang braso sa leeg ni Lander. "Hmmm..." She pressed her lips on him. "Please? Papasukin mo naman ako."
Hinila siya papasok ni Lander at niyakap siya ng mahigpit. Napangiti siya ng sakupin nito ang mga labi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at nginitian ang binata. "Anong ginagawa mo at mukhang abala ka?"
"Searching for new cars to sell," sagot nito at sinakop na naman ng halik ang mga labi niya.
Siya ang pumutol sa halik na pinagsasaluhan. "Ano ba ang importanteng ginagawa mo? Bakit ayaw mo akong makasama ngayong gabi?" May pagtatampo sa boses niya. "Mas importante pa ba yun kesa sa'kin?"
"E, ako, importante ba ako sayo?"
"Syempre, importante ka—"
"Kung ganoon, bakit ka nagsinungaling sakin?" Sabi nito na ikinaputla ng mukha niya at kinabahan siya.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
Napailing-iling si Lander at mapait na ngumiti. "Huwag ka nang magmaang-maangan, please? Alam kong nasa Exxon Garage ka kanina." Umatras ito at umupo sa gilid ng kama. "Bakit ka ba nagsisinungaling sakin, Vienna? Wala ba akong karapatan na malaman ang katotohanan? Bakit kailangan mong magsiningaling sakin? Bakit? I'm opening myself to you again, Vienna, pero ikaw naman itong isinasara ang sarili sa akin? Kaya nagdududa ako kung mahal mo nga ba talaga ako o baka naman pinaglalaruan mo lang ako."
Habang nagsasalita si Lander, sobrang kaba ang nararamdaman niya. "P-Paano mo nalaman n-na naroon ako?"
"I have my ways," sagot nito at hinuli ang mailap niyang mga mata. "Bakit ka nagsinungaling sakin? Am I not worthy of the truth?"
Huminga siya ng malalim. "Sorry." Humakbang siya palayo rito. "Hindi ko puwedeng sabihin sayo ang katotohanan."
Pinigilan siya ni Lander sa kamay at nakatiim-bagang na tumingin sa kanya. "Bakit? Akala ko mahal mo ako."
"Mahal kita," aniya. "Mahal na mahal kita, Lander. Sobra." Lumapit siya ulit dito at hinalikan sa mga labi ang binata. "Mahal na mahal kita—"
"Pero hindi ganoon kamahal para sabihin mo sa akin ang totoo."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 4: Lander Storm
General FictionLander Storm hated the color red. Pinapaalala kasi ng kulay na iyon ang pagkawala ng mga magulang niya. He saw his love one's blood scattered on the pavement and he couldn't erase it from his memories. And then he met the beautiful lady in red dres...