CHAPTER 1
MARIING ipinikit ni Lander ang mga mata at tumingin sa ICU kung saan naroon ang kakambal niyang si Lance, comatose. Nagka-hemorrhage ito. Nagpapasalamat siya sa panginoon na nadala nila ito kaagad sa hospital. Habang karga-karga niya ang kapatid, tumutulo ang dugo nito sa sahig na dinadaanan niya. Ayaw na ayaw niya sa dugo kaya nga ayaw niya sa kulay na pula. Pinapaala kasi ng kulay na 'yon sa kanya ang mga madidilim na pangyayari sa buhay niya.
Hanggang ngayon, naaalala pa rin niya ang nagkalat na dugo ng magulang niya sa kalsada. Naaksidente ang kotseng sinasakyan ng mga ito at dead on arrival na nang makarating sa hospital. Ang kakambal niyang si Lance ang nagmamaneho ng sinasakyang kotse ng mga ito. Ito lang ang natira sa kanya at ang kapatid niyang babae na hindi kasama ng mga ito. Inuna pa kasi niya ang pakikipagkarera kesa ipagmaneho ang mga magulang niya.
Ang katanungang palaging umuukilkil sa isip niya, mamamatay kaya sa car crash ang mga magulang niya kung siya ang nagmaneho? Ang kalagayan ngayon ng kakambal niya, magiging ganoon din kaya ang kalagayan kung siya ang nasa kotse at hindi ito?
Napatingin ulit siya sa sa ICU kung saan nakahiga ang kapatid niyang walang malay. God, please, save my twin.
Marami ang nagkalat na dugo na damit niya. He was in a bad state, mentally and emotionally. But Eizel, Lance girlfriend was in much worse state than him. Walang tigil ito sa pag iyak habang hawak ang kamay ng kakambal niya. Pagkatapos ng car accident na dahilan ng pagkawala ng mga magulang niya, heto na naman, ang kakambal naman niya.
Can this get any worse?
Tumayo siya at nilapitan ang kasintahan ng kakambal niya na kahit papaano ay naging malapit na sa kanya.
"Okay ka lang, Zel?"
Humihikbing tumango ito. "Sinusubukan kong maging okay, Lander. Sinusubukan kong maging matatag. Pero ang sakit-sakit e. Hindi pwedeng mawala ang lalaking mahal ko."
Huminga siya ng malalim at umupo sa tabi nito. "Minsan sa buhay ko, sinabi ko rin ang mga salitang lumabas sa bibig mo." Mapait siyang tumawa. "Pero alam mo 'yong pinagkaiba natin?"
"Ano?"
"Ikaw, nariyan pa ang kakambal ko, mabubuhay siya at makakasama mo. Ako? Iniwan niya ako ng walang paalam at hinding-hindi na siya babalik pa." Ginulo niya ang buhok nito. "Sige, uwi muna ako at maliligo pagkatapos ay may aasikasuhin lang ako. Babalik din ako kaagad para dalhan ka ng pagkain."
Tango lang ang tinugon sa kanya ni Eizel habang hawak pa rin ang kamay ni Lance.
Umalis si Lander na mabigat ang pakiramdam. Ayaw niyang iwanan ang kakambal niya pero may mga kailangan siyang asikasuhin. Darating ngayon ang import cars niya galing Europe. Hands-on siya kapag import cars and pinag-uusapan. Kasama naman ni Lance ang kasintahan nito kaya magiging maayos lang ito.
Nang makalabas siya sa sasakyan, kaagad siyang sumakay sa Audi niya at pinaharurot iyon patungo sa tinuturing niyang palasyo kung saan siya ang hari. Sa LaCars Building.
I-PI-NARK ni Lander ang kotse sa pribadong parking lot niya sa LaCars saka lumabas. Lahat ng nakakakita sa kanya na empleyado ay napapasinghap at halos lumuwa ang mga mata. Salamat sa nagkalat na dugo sa suot niyang damit, mukhang magiging headline of the day siya ngayon.
Nang makarating sa opisina niya, ini-locked niya ang pinto at isa-isang hinubad ang damit at nagtuloy-tuloy sa banyo na nasa loob ng private room niya. Katulad ng bahay niya, mayroon siyang pribadong silid sa opisina niya kung saan may banyo, closet, mini-bar at king size sa kama. As much as possible, ayaw niyang manatili sa bahay niya.
Being home alone sucked big time. Ayaw na ayaw niyang nag-iisa siya sa bahay na 'yon, naalala lang kasi niya ang mga panahong may kasama pa siya roon... ng kasama pa niya si— Don't go there! 'Yon ang parte ng buhay niya na pinagsisisihan niya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 4: Lander Storm
General FictionLander Storm hated the color red. Pinapaalala kasi ng kulay na iyon ang pagkawala ng mga magulang niya. He saw his love one's blood scattered on the pavement and he couldn't erase it from his memories. And then he met the beautiful lady in red dres...