CHAPTER 11
HINDI na nagtaka si Vienna nang maabutan niya si Lander sa labas ng bahay ni Cali na pansamantalang siya ang umuukopa. Nakahilig ang binata sa pinto ng bahay at walang emosyon ang mukha habang matiim na nakatingin sa kanya habang naglalakad siya palapit dito.
Pinagalitan niya si Hellion ng sagutin nito ang tawag ni Lander kanina. Nainis daw kasi ito dahil ang ingay ng cellphone niya at may ginagawa ito. Bakit naman kasi iniwan niya ang cellphone sa computer room ng binata? Oh yeah, kasi tinanggal niya 'yong bandage sa likod niya. Medyo masakit pa naman pero medyo hindi na halata ang mga pasa.
Ipinilig niya ang ulo. Sa halip na sisihin si Hellion, dapat siyang mag-isip ng isang paliwanag kay Lander.
"Hey," bati niya rito ng makalapit siya sa binata na walang emosyon ang mukha.
"Saan ka nagpunta?" Tanong nito na matalim ang matang nakatingin sa kaniya. "Anong ginawa niyo ni Hellion? Pinaglalaruan mo ba ako, Vienna? Iyon ba ang ginagawa mo sakin ngayon?"
Huminga siya ng malalim saka maingat iyong pinakawalan. Kailangan niyang maging maingat sa pagpapaliwanag kay Lander. She wanted to be honest with him, but he had her rules and protocols. Hindi puwedeng malaman nito kung sino ba talaga sila ni Hellion at kung ano ba talaga ang ginagawa nila.
Para siyang naiipit sa batong nag-uumpukan. Hindi niya alam kung paano siya maninimbang.
Si Lander ba na mahal niya at siyang dahilan ng pag-uwi niya o ang trabaho niyang marami ang mapapahamak kung hindi niya ititikom ang bibig?
"Lander," panimula niya. "Wala kaming ginagawang masama ni Hellion. May pinag-usapan lang kami tungkol sa trabaho. Kung ayaw mong maniwala sakin, ipapakilala kita sa kanya." Hinaplos niya ang pisngi nito.
Tinabig nito ang kamay niya na humahaplos sa pisngi nito. "Ayoko siyang makilala."
"Hindi ako nagsisinungaling sa'yo. Please, maniwala ka naman sa'kin," pagmamaka-awa niya.
Napatiim-bagang ito. Finally! May emosyon na sa mukha nito. "Nakapag-isip na ako ng isa pang paraan para makuha mo ulit ang tiwala ko."
Kinabahan siya. "Ano?"
"Layuan mo si Hellion," ani Lander. "Ayokong nagkikita kayong dalawa—"
"No. I can't," aniya.
Natigilan ito saka iritadong napatitig sa kaniya. "Bakit ayaw mo? Kasi gusto mo siya? Kasi mas mahal mo siya kesa sa akin o dahil kaya niyang ibigay ang pagmamahal na hindi ko ibinibigay sayo?" Napakadilim ng mukha nito. Halata ang tinitimping galit.
"Hindi niya ako mahal at mas lalong hindi ko siya mahal!" Sigaw niya na puno ng inis ang boses. "Lander naman, e. Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo na ikaw lang ang lalaking mahal ko? Ilang ulit ba para maniwala ka?"
"Mahal mo nga ba talaga ako?" Puno ng pagdududa ang kislap ng mga mata nito.
Mapakla siyang tumawa. "Manhid ka pala e. Sa tingin mo hahayaan kitang angkinin ako ng ilang beses kung hindi kita mahal? Hindi ako patakbuhing babae, Lander." Please, listen to me. Ito lang ang dahilan na kaya kong ibigay. "Wala akong nararamdaman ni katiting na pagmamahal kay Hellion dahil ikaw ang mahal ko. Wala nang iba."
Umiling-iling ito. "Wala akong pakialam kong may nararadaman ka man o wala, stay away from him. Kapag hindi ka lumayo sa kanya, ako ang lalayo sayo. Mamili ka."
Umawang ang mga labi niya. "Lander, naririnig mo ba ang sarili mo? You're being irrational—"
"I am irrational when it comes to you!" Frustration coated Lander's voice. "Palagi kang nagkakampo sa isip ko kaya hindi nakapagtataka na hindi ako nakakapag-isip ng tama kapag ikaw ang pinag-uusapan. Alam mo kung bakit?" Sinapo nito ang mukha niya. "Kasi nababaliw ako kapag may lalaking malapit sayo. When I heard that man's voice earlier, I want to murder him. Ganyan ako ka irrational kapag ikaw ang pinag-uusapan."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 4: Lander Storm
Ficción GeneralLander Storm hated the color red. Pinapaalala kasi ng kulay na iyon ang pagkawala ng mga magulang niya. He saw his love one's blood scattered on the pavement and he couldn't erase it from his memories. And then he met the beautiful lady in red dres...