CHAPTER 17
PINAKALMA ni Vienna ang sarili habang kumakain. Kailangan relax siya habang nag-uusap sila ni Lander. Ayaw niyang mahalata nito na kinakabahan siya kaya naman huminga siya ng malalim at maingat na pinakawalan 'yon.
"Anong pag-uusapan na'tin?" Kalmado ang boses na tanong niya.
Lumunok muna si Lander bago nagsalita. "Gusto kong malaman kung bakit mo ako iniwan noon? Siguro naman puwede kong malaman 'yon pagkatapos ng nasaksihan ko."
Palihim siyang huminga ng malalim bago sumagot. "Nuong unang gabing may nangyari sa'tin, may misyon ako no'n na tinanggigan ko. Ang partner ko ang sumalo sakin. Tapos nalaman kong may namatay na civilian kasi kulang sa manpower ang nag-rescue sa kanila. Mag-isa lang sa kasi ang partner ko ng mga oras na yon kasi ayaw niyang sabihin sa boss naming na tumanggi ako kasi may date ako. Nang malaman kong namatay siya, my conscienece ate me up but still, I chose to stay with you and be with you. Pagkatapos dumating ang second monthsary na'tin, may misyon ulit, tinanggihan ko tulad ng nauna. My partner got me covered again. Sabi niya ayaw niyang masira ang monthsary natin at kaya naman daw niya 'yon. She even said it was just a piece of cake. Madaling araw no'n ng monthsary natin, nandito ako noon sa bahay mo, kasama ka, ng tumawag ang boss ko at binalita sakin napatay ang partner ko." May nakawalang luha sa mga mata niya
Mapait siyang ngumiti. "My partner died for that mission and it was on me. At ang tanging magagawa ko lang ay tapusin ang misyong sinimulan niya. I left because I wanted to redeem my conscience. Hindi ko naisalba ang mga taong iyon, ang kaibigan ko, kaya naman bilang kapalit, gusto kong pagbayaran ang buhay na nasira ko ng dahil sa pagiging makasarili ko. Dahil sa pagiging selfish ko, dahil sa kagustuhan kong makasama ka ng matagal, may namatay at hanggang ngayon, mabigat pa rin sa kalooban ko ang pagkawala niya. So, when my boss told me to come back to finish the mission that my partner lost her life for, I left you." Uminom siya ng tubig para pakalmahin ang sarili. "Iyan ang rason kung bakit ako umalis. Alam kong makasarili ang rason ko, pero sa panahong iyon, kinain ng guilt ang buong pagkatao ko."
Tumingin siya kay Lander na tumigil na sa pagkain at nakatitig sa pinggan nito.
"Magsalita ka naman," aniya ng hindi umimik ang binata.
Parang slow motion nag-angat ng tingin sa kanya si Lander. Puno ng samu't-saring emosyon ang asul nitong mga mata.
"Naiintindihan ko ang rason ng pag-alis mo, pero hindi mo ba inisip ang mararamdaman ko kapag umalis ka? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Bakit mo ako iniwan na wala man lang paliwanag?"
"Ano naman ang sasabihin ko sa'yo? Aalis ako dahil nagi-guilty ako dahil may mga namatay ng dahil sa'kin? Nakakalimutan mo na ba na hindi ako puwedeng magsalita tungkol sa ahensiya na pinagtatrabahuan ko?"
"Bakit ba kasi pumasok ka pa sa ahensiya na 'yon?"
Nainis siya sa tinuran nito. "For your information, bago pa kita makilala, kasapi na ako sa ahensiya na 'yon. Bago pa kita makilala, pumapatay na ako ng mga halang ang bituka at walang kaluluwa. Ginagawa namin ang lahat para mawala ang mga ganoong klaseng tao na walang gustong gawin kundi ang saktan ang mga inosenteng mamamayan. Ako, tinataya ko ang buhay ko para maisalba ko ang sa'yo. Pero kahit mapanganib ang trabaho ko, wala akong pinagsisisihan sa ginawa kong pagsali."
Nagpakawala ng buntong-hininga si Lander. "Wala akong sinasabing negatibo tungkol sa ahensiya na pinagta-trabahoan mo." Tumingin ito sa mga mata niya. "Pero masakit dahil iniwan mo ako dahil do'n. Ni paliwanag wala."
Lumamlam ang mga mata niya. "I'm sorry, Lander. Hindi ko inisip ang mararamdaman mo," madamdaming sabi niya. "Alam kong masasaktan ka pero hindi ko inisip iyon at sinunod ko ang gusto ng isip ko at kinalaban ang gusto ng puso ko. My heart wanted me stay, but I couldn't let my heart win ... so I chose what my mind was telling me to do, then. And that was to left, and do my job."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 4: Lander Storm
Fiction généraleLander Storm hated the color red. Pinapaalala kasi ng kulay na iyon ang pagkawala ng mga magulang niya. He saw his love one's blood scattered on the pavement and he couldn't erase it from his memories. And then he met the beautiful lady in red dres...