CHAPTER 8
NAPAKUNOT ang nuo ni Lander pumasok siya sa kaniyang opisina at nakitang nasa harap ng laptop niya si Vienna at abala sa kung ano ang ginagawa nito. He had issues when it comes to other people using his laptop.
Baka maulit na naman ang nangyari noon ... pero si Vienna naman gumagamit niyon at hindi ibang tao.
Speaking of which...
Mataman niyang tinitigan ang dalaga na abala sa harap ng laptop niya. Curious siya sa kung anong ginagawa ng dalaga sa harap ng laptop niya.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. Mabilis na isinara ni Vienna ang laptop kasabay ng pag-angat nito ng tingin sa kaniya.
"Hey." Nginitian siya nito. "Tapos na ang board meeting mo?"
"Yeah," sagot niya habang nakakunot parin ang nuo niya. "Why are using my laptop? Did Stephanie give you the password?"
Wait, Stephanie was with me the whole time.
Mas lalong kumunot ang nuo niya habang iniisip kung paano nito nabuksan ang laptop niya na hindi mabubuksan kung hindi alam ang password niya.
"Sino si Stephanie?" Tanong nito at tumayo mula sa pagkaka-upo sa swivel chair niya at tumingin sa glass wall ng LaCars building kung saan kitang-kita ang nangyayari sa labas ng gusali.
"My secretary," aniya at naglakad palapit dito. "Sa kanya mo ba nalaman?"
"Anong naman ang big deal kung kanino ko nalaman? Wala naman akong ginawang masama sa laptop mo. Na bored kasi ako habang naghihintay na matapos ang board meeting mo, so pinakialaman ko ang laptop mo."
Napabuntong-hinga siya. "I have issues regarding other people using my laptop. Minsan na kasing nanakawan ako ng file at hindi ko nalaman. I trusted my secretary with my laptop and she freaking stole some of the company's confidential files."
Tumango-tango ito at humarap sa kanya. "At wala kang tiwala sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa laptop mo. Hindi ko pinakialam ang files mo. Aanhin ko naman ang mga 'yon? Trust me when I say that I didn't do anything with your freaking files."
"The last time I trusted you, I ended up like a trash in the gutter."
Nagbaba ito ng tingin at may malungkot na kislap ang mga mata. "Hindi mo na ba ako pagkakatiwalaan ulit?"
"That's the thing about trust." Inangat niya ang mukha nito at hinaplos ang pisngi ng dalaga. "Madaling makuha pero napakadali ring mawasak. At kapag wasak na, napakahirap nang ibalik pa."
Tinitigan siya ni Vienna sa mga mata. "Kahit mahirapan ako, gusto ko paring makuha ulit ang tiwala mo."
Mapait siyang napangiti. "Vienna, Hindi na ako ang Lander na nakilala mo eight years ago. Nagbago na ako. Hindi na ako madadala sa pangako mo na hindi mo ako iiwan. Hindi na ako maniniwala sa kahit na anong sabihin mo. Hindi na ako aasa sa matatamis na salita na lumalabas diyan sa bibig mo. I've changed and there are lots of things that you don't know about me—"
"I don't care." Tumingkayad ito ng tayo saka ginawaran siya ng halik sa mga labi. "Just give me a chance, Lander. Kung ayaw mo akong bigyan ng isa pang pagkakataon, hindi pa rin ako titigil. Kukulitin kita hanggang sa magsawa ka na sa pagmumukha ko."
Mahina itong natawa. "Hindi kita bibigyan ng isa pang pagkakataon dahil mas gusto kong makita at maranasan kung paano mo ako kukulitin." Nginisihan niya ito. "Tingnan natin kung kaya mo akong papaniwalain ulit sa mga kasinungalingan mo."
Tumalim ang mga mata nito. "Hinahamon mo ba ako?"
Tumango siya. "Oo, hinahamon kita."
Vienna smirked at him. "Challenge accepted."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 4: Lander Storm
General FictionLander Storm hated the color red. Pinapaalala kasi ng kulay na iyon ang pagkawala ng mga magulang niya. He saw his love one's blood scattered on the pavement and he couldn't erase it from his memories. And then he met the beautiful lady in red dres...