CHAPTER 12

1.6M 33.8K 8.4K
                                    

CHAPTER 12

TITIG na titig si Lander kay Vienna na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at naisipan niyang dito matulog sa bahay nito. Gumagawa lang siya ng dahilan para makasama ang dalaga. Pagkatapos kasi niyang marinig ang boses ni Hellion sa kabilang linya kanina, gusto niyang bakuran ang dalaga.

He wanted to possessively wrapped his arms around her sexy waist and pull her closer so no man would ever have the privilege of getting close to her.

Bumangon siya sa kama at hinanap ang purse ni Vienna. Nakita niya iyon na nakapatong sa vanity mirror. Kinuha niya ang cellphone sa purse nito saka binuksan iyon. Protektado iyon ng password.

Mataman niyang tinitigan si Vienna habang iniisip kong ano ang password ng cellphone nito. Hindi iyon yong apat na password na nakasanayan niya sa kaniyang cellphone. Iyon yong klase ng password na talagang pinag-isipan.

Ibinalik niya ang tingin sa screen ng cellphone nito. Ang pangalan nito ang inilagay niya sa password pero incorrect password ang naging sagot no'n sa kaniya.

He groaned and type Vienna's surname. Tulad ng sagot kanina, incorrect password na naman. Kapaguwan ay pumili siya ng mga ramdom na bagay na ma-i-ko-connect niya kay Vienna pero wala pa rin at kailangan niyang maghintay ng sampong minuto para masubukan muli na buksan ang cellphone nito.

Habang naghihintay ng paglipas ng sampung minuto, nahiga siya tabi ni Vienna at tinitigan ang dalaga. Isang ngiti ang kumawala sa labi niya ng maalala ang sinabi nito na siya lang ang mahal nito at wala nang iba. Gustong-gusto niya itong paniwalaan pero hindi niya magawa. At kailangan din muna niyang alamin ang rason ng pag-alis nito para sa peace of mind niya.

Nagpasalamat siya na lumipas na ang sampung minuto kaya sinubukan na naman niyang buksan ang cellphone nito. Nakaka-tatlong subok na siya ng tumagilid ng higa si Vienna, paharap sa kanya at bahagyang ngumiti na parang nananaginip.

"Lander," bulong nito sa pangalan niya.

Napabuntong-hinga siya at parang wala sa sariling pinindot niya ang mga letrang L-A-N-D-E-R pagkatapos ay pinindot niya ang okay button.

Nabitawan niya ang cellphone at tumama iyon sa ilong niya ng biglang bumukas ang cell phone nito.

"Holy hell," he murmured under his breath and stared at Vienna. "Your password is my name?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman.

Ganoon ba siya ka-importante sa dalaga para ang pangalan niya ang gamitin nitong password? Parang may humaplos sa puso niya sa nalaman.

Binuksan niya ang GPS nito, pati na rin ang GPS ng cell phone niya. And then he registered her number on his GPS tracking app and connected his number on her GPS.

'Would you like to allow this number to access your GPS?'

Lander quickly pressed the 'allow' button that pops up on Vienna's phone. Sa ganoong paraan, malalaman niya kung saan ito nagpupupunta kapag nawawala ito bigla. Hindi na niya hahayaang iwan na naman siya nito sa ikalawang pagkakataon. Not again, my sweet. Never again.

Alam niyang kalabisan na ang pag-connect niya sa GPS nito sa GPS tracking app niya pero wala na siyang pakialam doon. Ang gusto lang niya ay malaman kung saan ito pumupunta kapag nawawala ito.

At dahil nabuksan na niya ang cellphone ng dalaga, binuksan niya ang gallery nito. Wala namang kakaiba sa mga larawan na laman ng photos folder ni Vienna hanggang sa may mahagip ang mata niya na pamilyar na larawan.

Of course it was fucking familiar! Siya mismo ang nag-encode ng file ni Lamar Exxon. Kinunan nito ng larawan ang listahan ng order na sasakyan ni Mr. Exxon. From the list to cars prices and its technical specification.

POSSESSIVE 4: Lander StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon