CHAPTER 15

1.5M 32.9K 5.6K
                                    

CHAPTER 15

NAPAIGTAD si Vienna ng makarinig ng tikhim mula sa likuran niya habang nakaupo siya sa recliner na nakaharap sa swimming pool. Kakauwi lang niya galing China at napagod siya kaya naman kailangan niyang magpahinga dahil nasisiguro niyang mapapasabak siya sa labanan nitong mga darating na araw.

"You owe me an explanation," anang boses sa likuran niya.

Sumikdo ang puso niya ng marinig ang pamilyar na baritonong boses ni Lander.

Kaagad niyang pinakalma ang puso saka umalis siya sa recliner at humarap sa binata. "Umalis ka na, Lander." Hanggat hindi nawawala si Exxon, nasa panganib ang binata lalo na kapag nakita silang magkasamang dalawa. "Baka mapahamak ka—"

"Bullshit." His eyes looked sunken. Mukha rin itong kulang sa tulog.

Hindi niya pinahalatang nag-aalala siya para rito. Ang gusto niyang gawin sa mga sandaling iyon ay yakapin ito at magpaliwanag pero hindi niya iyon pwedeng gawin. Mas mapahamak pa lalo ang binata ng dahil sa kanya.

"Umalis ka, please," aniya.

Umiling si Lander. "No. You owe me an explanation—"

"I don't owe you anything." Matigas ang boses niyang sabi pero parang ang puso niya ay kinakatay lalo na ng mawala ang emosyon sa mukha ng binata. Pero kailangan niya itong ipagtabuyan para hindi ito mapahamak. "Umalis ka na, Lander, wala kang mapapala sakin."

Nilampasan niya ang binata at nang nasa may pinto na siya na kumukonekta sa swimming pool, nagsalita si Lander na nagpatigil sa pagtibok ng puso niya.

"Akala ko ba mahal mo ako," ani Lander. "Ano 'to ngayon? Naglalaro ka lang ba? Pinaglalaruan mo na naman ba ako? Tulad noon, iiwan sa ere ng ganoon nalang?"

Napaawang ang labi niya habang pinipigilan ang mga matang gustong umiyak. "Umalis ka na Lander." I have to keep him safe by pushing him away. "Please, iwan mo na ako. Huwag ka nang babalik dito sa bahay." Nahulog ang isang butil ng luha sa mga mata niya. "Please lang." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Ayaw na kitang makita pa."

Mabilis siyang pumasok sa kabahayan. Nang maisara niya ang pinto, doon niya hinayaan ang mga luha na mamalisbis sa pisngi niya.

Sinapo niya ang bibig na palakas na ng palakas ang hikbing lumalabas doon at hinayaan na umiyak ang nadudurog at nasasaktan niyang puso.

Mahal na mahal niya si Lander at ang pinakamahirap niyang ginawa sa tanang buhay niya ay ang itulak ito palayo. God knew how much she wanted to keep Lander. To love him. But he would be in danger if she let her heart cloud her better judgement.

No! She had to keep Lander safe. At kung ang kapalit no'n ay ang pagkadurog ng puso niya, kakayanin niya para sa lalaking minamahal.

Napaigtad siya ng parang may sumuntok sa pinto na pinasukan niya. "Damn it, Vienna! Talk to me! Hindi ako aalis hanggat hindi mo ako kinakausap! Hanggat hindi ka nagpapaliwanag sakin!"

Pinakalma niya ang sarili saka sumigaw pabalik sa binata. "Umalis ka na." Pinipigilan niyang mangatal ang boses niya. "Please, Lander, just leave me alone. Please."

"No, Vienna— "

"Leave me the fuck alone!" Sigaw niya saka patakbong tinungo ang kuwarto niya at doon niya hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak.

"VIENNA, may problema tayo," ani Hellion na nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng mini-speaker na nasa tainga niya. "Kanina ko pa sinusundan ang kotse ni Lander Storm sa pamamagitan ng satellite at nakita kong may sumusunod sa kaniyang isang kotse at dalawang motorsiklo."

POSSESSIVE 4: Lander StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon