"MIA! Hindi mo ba talaga ako titigilan? Sinabi ko na sayong ayaw na kitang makita eh kulit mo talaga." inis na wika nito at pilit na tinatakbuhan ang kanyang kaibigan."Andrea naman sorry na. Para niloloko ka lang naman eh." Malambing na tugon naman nito."Hoy! Dali na bati na tayo." Kalabit pa nito sa kaibigan na tinalikuran lang siya. "Aalis ka na nga eh ayaw mo pa akong kausapin."
"A-yo-ko! Ayoko! Mabagal na wika nito at hindi hinaharap ang kaibigan.
"Ano ka ba? Para niloloko lang eh. Pwede ko ba namang hindi ihatid ang matalik kong kaibigan." Paglalambing pa nito at inakap ang kaibigang nakatalikod.
"Naku Mia huwag mo na akong bolahin dahil galit pa rin ako sayo." Tugon nito na hindi gumagalaw s pagkakaakap ng kaibigan.
"Maaari ba akong makiupo dito mga ining?" Mahinang tanong ng isang matandang lumapit sa kanila at nakatayo sa harap ng bakanteng upuan.
"Sige po Lolo maupo po kayo dito." Magalang na wika ni Mia at mabilis na inalalayan ang matanda na maupo sa bakanteng upuan.
"Matalik ba kayong magkaibigan?" tanong ng matanda.
"Opo!" mabilis na wika ni
"Hindi po!" Halos kasabay si Andrea sa pagsagot.
"Ano ba talaga?" tanong ng matanda.
"Ah basta ako hindi ko siya matalik na kaibigan." Mataray na wika ni Andrea.
"Naku Lolo huwag po ninyong pansinin yan tinotopak lang po yang best friend ko." Napapangiting wika nito
"Anong tinotopak? Hoy wala po akong topak ano? Baka ikaw." Pagtataas pa ng kilay nito.
"Alam ninyo nakakatuwa kayong dalawa at sa tingin ko eh kayong dalawa ang nakatadhana " Paglalahad pa ng matanda.
"Nagpapatawa naman po kayo eh. Ang alam ko po eh sa mga magboyfriend and girlfriend lang po ang tadhana." Napapaisip na mungkahi nito.
"Ano ka ba naman Andrea, malay mo meron ding magbestfriend na mag-soulmate." Inosenteng lahad naman ni Mia.
"Ayon sa paniniwala ko, walang pinipili ang tadhana kahit ano o sino ka pa."
"Paano naman po ninyong nasabi iyon Lolo?" Interesadong tanong ni Mia.
"Makinig kayong mabuti sa akin at may ikwekwento ako sa inyong dalawa."
"Isa akong security guard noon sa isang hospital, 18 years old pa lang ako noon kaya medyo malapit ako sa mga batang payente doon. At may isang bata doon na talagang kaibigan na yung turing ko at may isa ring bata na madalas akong takasan." Panimula ng matanda.
"SIGE na anak lumabas ka na diyan ." Sigaw ng isang ginang sa kanyang anak na nagtatago sa ilalim ng kanyang kama. "Saan ka pupunta?"Mabilis na tanong pa nito ng biglang tumakbo ng mabilis ang batang ito palabas ng kwartong iyon at tinungo ang likod ng chapel.
"BATA bakit ka umiiyak?" Tanong ng isang gusgusing bata na lumapit sa batang mag-isang nakaupo sa harap ng chapel.
"Ano bang pakiaalam mo." Mataray na sagot nito.
"Ang taray mo naman, para tinatanong ka lang eh." Wika nito. "Patay." Mahinang bulong nito ng makita ang guard na papalapit at mabilis na nagtago sa isang malaking bato sa likod ng chapel na iyon.
"Sally may nakita ka bang isang bata na napadaan dito?" tanong ng lumapit na guard."
"Bata?" Tanong nito at napatingin sa pinagtataguan ng batang iyon. "Ah opo!" wika nito at muling tumingin sa bata saka ngumiti.
BINABASA MO ANG
Soulmate
RomanceThis is a story of two young girls in the past that died at the same time after their promised to be there for each other forever. And a story when Samantha and Alexandra meet!