Archieve: June 8, 2004"OH ano na naman ang problema ni Alex?" Tanong ni Mia.
"Oo nga, bakit po ganun yung inasal niya?" tanong din ni Andrea.
"Itutuloy ko na."Archieve: June 9, 2004
"ANO ba yan? Nakakainis talaga itong si Alex kahit kailan. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga yung mga drama niyang iyon eh. Last week lang ang sweet sweet niya kay Sam tapos ngayon inaaway niya at pinabibitiw. Ang laki ng problema niya ha. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya." Wika ni Andrea.
"Alam mo feeling ko napakalaki talaga ng dahilan nitong si Alex kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon. I know kahit papaano eh nahihirapan din siya sa mga nangyayari. Siguro unti-unti na niyang minamahal si Sam at tinuturing na best friend ang kaso hindi niya alam kung saan tutungo yung friendship nila dahil hindi naman nga talaga sila magkakakilala. Saka tama rin naman siya eh. Paano nga naman kung pinasasakay lang siya nitong si Sam." Wika naman ni Mia.
"What? Si Sam pa ang pagdududahan mo eh kita mo naman na super sweet nga siya at ang dami na niyang nasacrifice ng dahil lang kay Alex. Saka hindi mo ba nafeel yung sakit na nararamdaman niya nung nag-uusap sila ni Alex? Halos magmakaawa na siya kay Alex na huwag putulin yung friendship nila. Saka ano man yung reason niya eh hindi pa rin sapat para saktan niya ng ganun si Sam. Saka sana ipinaliwanag niya ng maayos. Sabihin niya kung ano ba yung totoo niyang nararamdaman." Wika pa rin ni Andrea.
"Intindihin na lang muna natin siya. At tignan kung ano pa ang mga mangyayari.
Archieve: June 10, 2004
"LOLO wala naman pong nabago eh. Malamig pa rin naman po itong si Alex kay Sam eh."
"Oo nga po. Ako po yung nahihirapan para sa kanila. Si Sam po masyado siyang nahihirapan sa mga pinakikita niya. Pero alam ko rin po nahihirapan si Alex ayaw lang niyang ipakita at ipahalata. Pilit niyang tinatago ang lahat ng kanyang nararamdaman." Wika pa ni Mia.
"Part lahat yan ng mga pagsubok."
"HELLO My Angel!!! Musta na po? miss you na po? last piso ko na po ito kaya itetext ko na po sau. Ur the best friend that I found kaya if I had only one friend left I want it to be you. Ur my only BEST FRIEND till the end." Text ni Sam kay Alex.
"Hi senxa n po kung d me matxt. Ala p rin kc me lud. So kmusta na? I ws thnking bout u d other nyt. Ala lng. Hehehe. O cge. Nytnyt." Reply naman sa kanya ni Alex.
"Yes! Nagreply siya." Napapakiting wika nito at natulog na.
"IYAN nagtxt na ulit sa kanya si Alex. Ibig po bang sabihin nun eh okey na po ulet sila?" Tanong ni Andrea.
"Balik na po ba sa normal yung friendship nila?" Si Mia. naman.
"Eh di tignan natin."
"HELLO pwede po kay Alex?" tinawagan ni Sam si Alex.
"Oh bakit napatawag ka?" tanong nito.
"Tagal na po nating hindi nagkakausap eh."
"Magkausap lang tayo kanina ah."
"Usap ba yun?" tanong nito at dinaan na lang sa tawa.
"Alam mo nag-aaksaya ka lang ng pera."
"Okey lang yun. Inaantok ka pa ba?" tanong nito dahil walang kabuhay buhay itong kausap.
"Kagigising ko nga lang eh."
"Ganun? Eh bakit parang wala kang kagana-ganang kausap?"
"Kasi sinasave ko yung energy ko para mamaya. Kasi tatawag si Jenny." Kwento na nito at naputol na sila.

BINABASA MO ANG
Soulmate
RomanceThis is a story of two young girls in the past that died at the same time after their promised to be there for each other forever. And a story when Samantha and Alexandra meet!