"SINONG hinihintay mo?" biglang message ni Alex ng makita niyang status ni Sam ay "waiting"."Ikaw po." Mabilis na sagot nito.
"Talaga?"
"Oo naman po." Sagot nito.
"Bakit naman?"
"Wala lang po. Muzta na po?" tanong pa nito.
"FINE! THANK YOU VERY MUCH!!!" message nito.
"Ano pong ginagawa mo? Busy ka po?" magkasunod na tanong nito dahil hindi ito sumagot agad.
"BYE!!!" pagkatapos ng mahabang paghihintay nito ay iyon lang ang sinagot sa kanya ni Alex.
Hindi na niya ito pinansin dahil inisip niya eh baka inaantok na ito o may ginagawa.
"Sino naman kaya ito?" sa isip-isip nito ng biglang sumulpot ang sn na fantasia_trias at inaadd siya sa friendlist niya. "Hi! Sino ka po?" tanong nito sa may-ari ng sn na iyon.
"Sinong hinihintay mo? Tanong agad nito.
"Ah! friend ko po. Kilala po ba kita?"
"Hindi!!! Sinong friend?."
"Basta friend ko po. Saan mo po nakita ang ID ko?"
"Sa chatroom yata."
"Ah ok! Ano pong asl mo?"
"20 f..." sagot nito.
"Taga saan ka po?"
"Sige aalis na ko..."
"Teka lang po wala ka pa pong sinasagot sa mga tanong ko." Message nito at kung anu-ano pa.
"Watch your spelling... mali..." message nito.
"Ay sorry po..."
"Sige na aalis na ako."
"Teka lang hindi mo pa ako sinasagot."
"Magbabay ka na aalis na nga ako."
"Pero.."
"Sige na bye na." paalam nito at naglog-out na.
"Sino kaya yun?" sa isip-isip nito at pinalipas na niya ang kanyang maghapon."
"LOLO sino naman po kaya iyon?" tanong ni Andrea.
"Hindi po kaya iyon si Alex? Nagpalit lang po ng ID dahil gusto niyang malaman kung sino nga talaga yung hinihintay ni Sam. Saka parang nakakapanibago yung usap nila eh." Wika naman ni Mia.
"Oo nga po Lolo. Biruin ninyo tinanong siya ni Sam kung kumusta na eh ang sagot FINE! Caps lock pa po at sinamahan pa po ng thank you very much." Tapos bigla na lang pong nagpaalam." Wika muli ni Andrea.
"Siguro po nagseselos na siya kay Cara at kaya siya nagpalit ng ID eh para nga mabisto niya si Sam na hindi siya ang hinihintay nito kundi si Cara nga. Tapos pareho pa si Alex at si fanatasia_trias ng unang tanong."
Paniniwala nito na si Alex din si fantasia_trias."Alam ninyo hindi natin masasagot ang mga tanong na iyan dahil tanging si Alex o si fantasia_trias lang ang makakasagot kung sino nga ba iyon. At kung nagseselos nga ba si Alex eh siya lang din ang nakakaalam nun."
"Ah basta I know nagseselos na si Alex kay Cara." Paniniwala ni Mia.
"Nagkasundo tayo diyan best friend." Nakangiting wika nito.
"So ngayon magbest friend na kayo?" Nangiting wika ng matanda. "Kanina lang eh halos pagtulukan mo na itong kaibigan mo." Dugsong pa nito.
"Wala lang po, kasi mukhang gusto na ni Mia si Sam eh. Baka po maagawan pa ako ng Best Friend. Super sweet pa man din po si Sam." Napapangiting wika nito.

BINABASA MO ANG
Soulmate
RomanceThis is a story of two young girls in the past that died at the same time after their promised to be there for each other forever. And a story when Samantha and Alexandra meet!