"PSST!!! Anong feeling?" biglang sulpot ng window ni Alex ng mag-online si Sam at ang status niya ay "Shit!!! I hate this feeling!!!"
"Ei online ka pala." Reply nito sa message ni Alex.
"Ano pong ayaw mo? May problema ka po ba?" Tanong nito.
"Ah wala to... wag mong pansinin."
"Anong wala? Pwede ba yun?"
"Wala talaga."
"Dali na sabihin mo na, malay mo matulungan kita." Pangungulit nito.
"Kasi nakita ko si Crisselda kanina." Panimula nito.
"Talaga? Oh anong nagyari?" Pang-uusisa nito.
"Wala naman, hindi naman kasi niya ako nakita eh. Pero ng makita ko siya eh bumalik yung moments dun sa kwento." Malungkot na kwento nito.
"Alam mo kalimutan mo na yun saka nakaraan na lang sila." Wika nito.
"Pero..." wika nito na hindi matuloy ang sasabihin.
"Ano?"
"Wala. Gumagawa kasi ako ng letter at hindi ko pa pala talaga kayang harapin yung nakaraan at nasasaktan pa rin ako everytime na maaalala ko sila." Paliwanag nito.
"Alam mo huwag mong masyadong problemahin yung mga kaibigan mong iyon dahil hindi naman ikaw yung nawalan eh dahil sila yung totoong nawalan ng hayaan ka nilang mawala sa kanila." Wika ni Alex.
"Ewan ko nga ba..." Wika nito at bawat salitang lumalabas sa kanya tungkol sa kanyang mga kaibigan at nakaraan ay may katumbas na sakit at kirot sa kanyang puso dahil nga hindi pa niya tanggap ang sakit ng nakaraan kaya patuloy pa rin itong kumikirot at sumasakit.
"BAKIT nga ba kasi kailangan pa ni Sam na ikulong ang kanyang sarili sa kanyang nakaraan gayung siya lang naman yung nahihirapan. Bakit hindi na lang niya harapin ang kasalukuyan at ienjoy ang kung anumang meron siya ngayon dahil masaya naman ang buhay at napakaraming pwedeng mangyari sa kanya kung susubukan niyang makihalubilo sa mga nakapaligid sa kanya. At isa pa kaibigan na rin naman yung turing sa kanya ni Alex ha." Wika ni Andrea.
"Alam mo hindi mo rin naman masisi si Sam kung ganun yung kanyang nararamdaman dahil masyado niya sigurong minahal ang kanyang mga kaibigan. Lalo na si Diane. Alam mo naman na si Diane yung Best friend niya at una niyang pinahalagahan at minahal bilang isang matalik na kaibigan."
"Ah basta masyadong OA si Sam sa kanyang mga pinakikita kay Alex at masyado siyang madrama. Pwede naman niyang kalimutan na lang yung nakaraan ah." Mataray na wika nito.
"Alam mo hindi kasalanan ni Sam kung ganun siya katindi magmahal." Depensa naman ni Mia kay Sam.
"Alam ninyo mga Ineng hindi ninyo kailangang magtalo dahil pareho naman kayong nasa katwiran eh pero sila iyon at walang ibang pwedeng makapagbago sa kanila kundi ang mga sarili nila." Pahayag naman ng matanda.
"EI SAM sige na matulog ka na kasi lilipat na kami ng room eh." Paalam ni Alex dito.
"Oh sige salamat po ulet ha." Paalam nito.
"Byebye! Ingat! Mmmmmmmuah!!!"
"Yngatz din po."
"Shit! Hindi ko pa talaga kayang ikwento si Diane, masyado pa rin akong nasasaktan sa tuwing maaalala ko ang nakaraan." Sa isip-isip ni Sam at habang sinusulat niya iyon kay Alex ay hindi niya namamalayan na pumapatak na ang kanyang mga luha dahil nararamdaman pa rin niya ang sakit ng nakaraan na iyon. Pero naramdaman niyang lumuwag ang kanyang kalooban ng matapos niya ang sulat na iyon.
After that night ay medyo okey na siya at hindi sila nakakapag-usap ni Alex dahil masyado siyang nagpakabusy sa paggawa ng kanyang site at madalas ding wala yung ate niya at siya lang ang nagbabantay sa mga pamangkin niya kaya minsan hindi na niya nagagawang makapag-online sa gabi dahil nga antok na siya.
BINABASA MO ANG
Soulmate
RomanceThis is a story of two young girls in the past that died at the same time after their promised to be there for each other forever. And a story when Samantha and Alexandra meet!
