"GRABE tagal na naming hindi nakakapag-usap." Sa isip-isip nito habang naglalakad papunta sa kanilang tindahan. "Ano bayan??? Bakit iyan ang tugtog?" wika nito sa mga pamangkin niya ng madatnan niyang ang tugtog ay Remember me this way. "Ei may sasabihin ako sa inyo." Wika ni Sam sa mga pamangkin niya ng makauwi na siya sa kanilang bahay.
"Ano naman po iyon?" tanong ng isa.
"Alam ba ninyo kanina nung naglalakad ako papuntang tindahan eh iniisip ko na gagawa ako ng isang website at ilalagay ko dun na "Hi Alex can you be my Best Friend." Tapos i-dededicate ko sa kanya yung kanta na Remember me this way." Kwento nito at talagang tuwang-tuwa siya that time at halos sa sobrang tuwa niya ay hindi na niya namalayan na tumutulo na pala yung luha niya. Makalipas lang ang kalahating oras eh sinumulan na niya yung gagawin niya sa power point na just for you.
"GRABE Lolo ganun na niya kamahal si Alex at talaga po bang nakalimutan na niya si Cara?" tanong ni Andrea.
"Basta ng mga panahong iyon ay talagang gusto na niyang maging Best Friend si Alex at di lang sa gusto dahil pakiramdam talaga nila ay si Alex na yung best friend para sa kanya dahil nga si Alex yung nagbalik ng dati niyang saya na nawala ng iwan siya ng kanyang mga kaibigan at feeling talaga niya eh napakasaya siya kapag si Alex na yung kausap niya at isa pa nakamove-on siya sa sakit na nararamdaman niya kay Diane ng dahil kay Alex. Kaya naisip niya ito na talaga yung matagal na niyang hinihintay."
"Pero Lolo paano na po si Cara?" Tanong ni Mia.
"Tingnan na lang natin sa mga susunod na mangyayari."
"ELOW po...musta na po? Miss you na po? Kadadating ko lang po galing ng work. Online ka po ba? Gusto po sana kitang makausap kaya lang po wala na po akong card eh." Nagulat si Sam ng biglang magtext sa kanya si Cara.
"Ok lang po me... Indi po me online eh kasi po andito pa ako sa tindahan pero mamaya po pag-uwi ko mag-oonline po ako. Gamitin mo na lang po yung card ko." Reply nito at patuloy lang sila sa text at ng makauwi na nga ito ay nag-online na siya at iyon nakapag-usap na sila.
"Ei ok ka lang po ba? Ano anjan ka pa po ba?" tanong nito kay Cara dahil matapos ng kanilang mahabang pag-uusap eh bigla itong nawala.
"Hello po!!! Si Gissele po ito. Wala na po si Cara pinatulog na po ni Mommy kasi po nahilo dahil ang taas po ng lagnat. Ang kulit lang po talaga kaya nag-online dahil nga po gusto ka daw niyang makausap." Message ng nasa kabilang window.
"Ganun po ba. Sige po pakisabi na lang po na magpahina na siya." Reply nito at naglog-out na rin siya.
"That time eh nafeel na naman niya yung importansya na binibigay sa kanya ni Cara.
"EI ALEX may ipakikita po pala ako sayo kaso hindi pa siya tapos eh. Ito po tignan mo my best friend" Wika nito kay next at ibinigay na yung web address ng ginawa niyang site para lang dito.
"Grabe wala kong masabi... basta salamat... ng marami."
"Eh ano pong sagot mo?"
"Pasensya na pero hindi pa po ako ready na sagutin yun eh." Wika nito.
"Ok lang po I understand... pero sana po saka mo na lang po ulit tignan yung site na iyon."
"Sige po... salamat sa pag-intindi." Wika pa nito.
"IBIG po bang sabihin nun eh sinula ng araw na yon eh si Alex na talaga yung tinuturing na best friend ni Sam?" tanong ni Andrea.
"Oo at talagang ang dami pa niyang ginawa para lang ipaalam kay Alex na siya na talaga yung best friend na tinuturing ni Sam. Ang kaso parang may napakalaking nagbago simula ng araw na iyon."
"Ano naman po iyon?" tanong ni Andrea.
"Kasi simula ng ipakita niya kay Alex yung website na iyon eh bihira na lang silang makapag-usap at talagang hindi na nag-oofline si Alex sa kanya kahit na nag-offline siya eh hindi ito sinasagot ni Alex. Yung tipong nawala na talaga yung sweetness ni Alex kay Sam at itong si Sam eh talagang nahahalata na niyang parang walang pakiaalam sa kanya si Alex dahil ni wala itong mga reaksyon sa mga pinaggagawa niya na hindi tulad ng dati na talagang konting bagay lang eh napakadami ng komento nito. Kaya iyon hindi na talaga napigilan ni Sam ang kanyang nararamdaman." Wika pa ng matanda.
"Eh Lolo ano pong ginawa ni Sam?" Tanong ni Mia.
"Grave lolo as in talagang feeling niya hindi siya mahalaga kay Alex?" wika ni Andrea.
"Eh talaga naman ha... kita mo kapag online si Sam hindi naman pinapansin ni Alex saka kapag naddc siya eh hindi rin napapansin ni Sam. Minsan sasabihin pa..."Ah nawala ka ba?" di ba? Yung tipong... heller!!! Ok ka lang oo naman po ano. Siguro talagang nasasaktan na siya sa pambabaliwala ni Alex sa kanya tapos nga nagselos pa siya dun sa nakasulat sa journal ni Alex dahil nabanggit dun ni Alex na may nameet siyang bagong friend. Yung tipong ganun..." wika naman ni Mia.
"Alam ninyo hindi natin alam kung tama ba yung mga naiisip ni Sam o baka naman talagang ganun yung ugali ni Alex. Yung tipong hindi talaga niya pinakikita yung totoong nararamdaman niya. Siguro ayaw lang din niyang magpaapekto sa mga nangyayari dahil alam niyang siya rin yung mahihirapan.
"HELLO anjan po kaya si Alex?" tinawagan na niya ito.
"Sino ito?" tanong ng nakasagot.
"Si Sam po."
"Oh bakit napatawag ka?"
"Ei sorry po... alam mo hindi ko talaga sinasadya." Tinawagan din niya si Alex that time at nagsorry siya.
"Alam mo ok lang ako. Sige matulog ka na po." wika ni Alex at naging okey na rin siya kahit papaano at natulog na rin siya.
Kinabukasan ay nag-online siya at nakita niyang online si nxt kaya kinausap niya ang kaso hindi siya sinasagot nito kaya ang iniisip niya eh galit pa rin sa kanya ito kaya ginawa niya ay pumunta siya ng tindahan at saka niya tinawagan ulet si Alex.
"HELLO! Good evening po! Pwede po kay Alex?" wika muli ni Sam ng tawagan niya si Alex ng tanghaling iyon.
"Sino ito?"
"Ei Alex."
"Hindi ako si Alex nanay niya ito."
"Ay sorry po."
"Alex si Sam daw." Tawag ng nanay niya.
"Oh bakit napatawag ka?" tanong nito.
"Galit ka pa ba sa akin?"
"Ano ka ba hindi nga po ano. Alam mo ok na ako eh."
"Talaga po?"
"Oo nga... so kumusta ka na?" Iyon medyo matagal din silang nakapag-usap at nung pagkatapos nilang mag-usap eh umuwi na rin si Sam at saka nag-online. Mula 1:30 hanggang 5 ng hapon eh magkausap sila at talagang ang saya nila at balik na naman yung closeness nila at yung sweetness ni Alex ay balik na naman po. Pero sa mga kwento ni Alex ay hindi maiwasan ni Sam na masaktan ng konti dahil si Rema yung laging kwento ni Alex. Si Rema yung best friend ni Alex na talagang mahal na mahal niya.
"Nakakatuwa naman at ok na ulet sila." Wika ni Mia.
"Oo nga eh, pero ako nama'y taka kay Sam nasasaktan na nga siya eh todo pakikinig pa rin siya.
"Ano ka ba? Syempre naman po ano. Kasi alam niyang masaya si Alex kapag nagkwekwento ito ng tungkol sa kaibigan niya dahil nga mahal ni Alex si Rema. Saka ok lang din naman sa kanya eh dahil at least alam niyang pinagkakatiwalaan na siya nito kapag nagkwekwento ito ng tungkol sa nakaraan niya." Wika naman ni Mia.
"Ah basta ang tange niya hindi niya sabihin kay Alex na nagseselos siya kapag nagkwekwento ng ganun ito."
"Alam ninyo ok lang iyon eh dahil nahahalata din naman ni Alex eh kaya nga minsan nagpapaalam na siya kay Sam bago siya magkwento." Wika ulit ng matanda. "Alam ninyo masaya na nga siya ng mga sumunod na araw eh ang kaso may isa na namang pangyayari ang nakapagpagulo sa sitwasyon." Kwento pa ng matanda.
BINABASA MO ANG
Soulmate
RomansaThis is a story of two young girls in the past that died at the same time after their promised to be there for each other forever. And a story when Samantha and Alexandra meet!
