You're My Soulmate

4 1 0
                                    


​"NAKAKATUWA naman at parang tanggap na ni Alex si Sam. Kasi nung sinabi ni Sam na "sa bagay! Sino nga ba naman ako?" touch ako dun sa sinabi niya ha. Alam mo kung ako ang nasa lagay ni Sam eh baka nagtatalon na ako sa sobrang tuwa ko. Kasi naman biruin mo yun ang tagal naghintay ni Sam tapos manggagaling mismo dun sa taong mahalaga sayo na soulmate kayo. Oh di ba touching talaga?" Napapangiting wika ni Mia.

​"Oo nga eh, naniniwala pala siya dun. Biruin mo sabi niya kay Sam eh... "Ikaw lang naman yung soulmate ko." Grabe sobrang naniniwala na talaga ako kay Lolo." Tuwang-tuwang wika nito.

"Tapos parang ayaw pa niyang paalisin si Sam. Mukha talagang nag-eenjoy na siya sa company nito." Dugsong pa ni Mia.

"Saka siya nga si fantasia_trias. So it means na nagseselos nga siya nun kay Cara." Napapangiting wika pa ni Andrea.

"Oo nga eh at super worried siya kung may nasabi daw ba siyang masama." Si Mia naman.

"Alam niyo ba na simula pa lang yan?"

"Talaga po? May mas ok pa diyan?" tanong ni Andrea.

"Nakakaexcite naman... kasi mukhang unti-unti ng bumibigay itong si Alex. Sa wakas at magiging masaya na rin totally si Sam. Wika naman ni Mia.

"ANO ka ba naman hindi ka pa nakakapaligo? Tanghali na kaya." Wika ni Mark ng makita siyang bago pa lang maliligo.

"Sandali lang hintayin mo lang ako." Wika nito at naligo na.

"Oh Sam kumain ka na muna bago kayo umalis." Wika ng Nanay nito.

"Sige po palagay na lang diyan." Wika nito at sinimulan na rin ang kanyang pagkain.

Tut!

"Oh may nagtext sayo." Wika ni Mark at binuksan na yung cel iya.

"Sino?" tanong nito habang sinisimulan ang kanyang pagkain.

"My Angel." Wika nito.

"Talaga!" excited na wika nito at agad na binasa... "Hi. How's my everdearest friend? Hehehe! Miss na rin po kta! Sobra! Feeling ko nga parang lalong YUMABONG un frndshps ntin cmula khapon. Ano sapalagay mo? ;-)"

"GRABE ha ang sweet naman pala ni Alex eh." Wika ni Andrea.

"Alam mo feeling ko eh talagang sila yung pinagtagpo." Natatawang wika ni Mia.

"Simula ng araw na iyon eh lagi na silang magkatext sa umaga at sa gabi na halos lahat ng ginagawa o ginawa nila eh sinasabi nila sa isa't-isa."

"Sweet naman nila. Kahit na hindi sila magkasama eh pinakikita nila sa isa't-isa ang care nila." Wika ni Mia.

"Oo nga eh, nakakatuwa talaga yung kwento ni Lolo." Wika naman ni Andrea. "Sige na po Lolo ituloy na po ninyo ang kwento ninyo." Dugsong pa nito.

"M.U. po MY ANGEL! Musta po tulog mo? Ako ito pagod at sobrang antok na..." text ni Sam kay Alex bago siya matulog."

"Hi dear! Lam mo b napanaginipan kita at si Diane. Nxt tym ko iku2wento buo. Bsta ang nangyari. Sobrng UMIYAK si Diane kasi mahal na mahal ka niya. Sige matulog at magpahinga ka na. Nakahiga na rin ako sa bed." Reply naman nito.

"Hello po! Ngayon pa lang po me matutulog kasi katext ko po si Diane eh." Text nito kay Alex bago siya matulog ng 1:30.

"HELLO po! Musta na po? miss na po kita. Tagal na nating di nakakapagkwentuhan ha. Grabe miss ko na po mga kwento mo."

"Aba himala nabuhay si Cara." Sa isip-isip nito at tinawagan niya ito. "Hello po! Musta na po?" Tanong nito dito.

"Ok lang po. Busy masyado sa work. Ikaw po musta na po?"

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon