"BAKIT po ganun?" akala ko po ba eh alam na ni SAM na si Alex na yung best friend na gusto niya. Eh bakit po nagseselos siya kay Joey. Saka nung tinanong siya ni Cara eh parang naguluhan siya at bakit ganun na lang katindi yung sakit na naramdaman niya. Tapos nasabi niya ang lahat ng iyon kay Cara." Wika naman ni Andrea."Siguro nadadala lang siya sa kabaitan ni Cara." Wika naman ni Mia.
"PAPA God tulungan naman po ninyo ako oh... liwanagin po ninyo yung isip ko. Bakit po ba ako ganun naapektuhan sa kanila. Noon po akala ko talagang si Alex na yung Best Friend for me... pero bakit po ganun??? Nasasaktan ako kapag nakikita kong sweet sila Cara at yung Best friend niya. Lalo na po nung sabihin sa akin ni Cara na "alam mo mahal na mahal ko ang Baby ko at kahit anong mangyari eh hindi ko siya iiwan at lalong hindi ipagpapalit." Grabe po daig ko pa po yata yung nasampal ng sabihin niya sa akin yan. Tapos pati sa panaginip ko halos ipagdiinan niya yan. Bakit po ganun? Pero ang isa pa pong gumugulo sa isip ko eh ito pong si Alex. Wala akong maisip na dahilan bakit siya talaga yung gusto kong maging best friend. Kahit saang angulo ko po hanapin eh wala akong mahanap na dahilan. Pero alam ko na siya na talaga yung best friend for me. Yun po bang tipong ramdam na ramdam ko talaga na mahal ko siya at mahalaga siya para sa akin. Wala po akong maisip na dahilan pero nararamdaman ko po na siya talaga yung sagot sa lahat ng ito. Siya nga po kaya yung best friend for me na ipinadala ninyo? Please naman po Papa God bigyan po ninyo ako ng sign kung sino nga po ba talaga sa kanila kahit na po na alam ko na si Alex na nga talaga yung sagot pero gusto ko po na sa inyo manggaling." Taimtim na pagdadasal nito sa loob ng simbahan na iyon.
"GRABE Lolo kawawa naman po si Sam masyado siyang nalilito sa nararamdaman niya." Wika ni Mia.
"Pero Lolo ano pong nangyari nung mag-online siya ng gabi?" Tanong ni Andrea.
"Napangiti siya ng si Alex ang una niyang nakitang online."
"Bakit po?" tanong ni Andrea.
"Yes siya nga yung totoong sagot. Kasi binigay ni Papa God yung hinihingi kong sign." Sa isip-isip nito at iyon nag-usap na sila ni Alex.
"Hello po! Busy ka pa po?" tanong nito kay Cara dahil hindi na siya sinagot ni Alex.
"Sige okey na ako mag-usap na tayo." Wika ni Cara.
"Magkausap ba kayo ni Alex?" Tanong nito.
"Oo bakit?" Iyon nag-usap na silang dalawa at nung nalaman ni Sam na talagang ayaw lang siyang kausapin ni Alex ay talagang lumabas na yung totoong nararamdaman niya. "Alam mo Sam huwag kang magagalit ha, alam mo kasi sa tingin ko ayaw ni Alex eh. Yung tipong ayaw ka niyang maging Best friend."
"Alam ko naman po iyon."
"Oh iyon naman pala eh, bakit tinutuloy mo pa rin?"
"Kasi iyon po yung totoong nararamdaman ko at hindi ko isusuko yun ng ganun kabilis lang."
"Paano po kung siya na mismo yung nagpapasuko sayo?"
"Alam mo hindi ako susuko." Message ni Sam at talagang umiiyak na siya dahil sobra siyang nasasaktan at lalo ng alam niyang nagalit nga sa kanya si Alex.
"Eh paano po kung sugatan ka na?"
"Ipaglalaban ko po yung nararamdaman ko at hindi ako susuko kahit na ikamatay ko pa." Message pa rin nito.
"Kahit na po may isang taong naghihintay sayo? Kasi hindi pa naman po katapusan ng mundo eh."
"Eh paano pa po iikot yung mundo ko? Kung siya nga po yung mundo at buhay ko?" wika ni Sam na talagang patuloy lang ang pagluha.
"Alam mo po Sam hindi ka dapat nasasaktan ng ganyan eh dahil you deserve to be happy. At nasasaktan din po ako sa mga nangyayari sayo. Mahalaga ka po para sa akin at ayaw kong nakikita kang malungkot."
"Pero hindi ko po talaga kayang mawala sa akin si Alex. Masyado lang akong naguluhan pero napakahalaga po talaga niya para sa akin." Wika pa rin ito.
"Alam mo mahal na mahal mo nga si Alex." Na wika na lang ni Cara.
"GRABe Lolo talagang mahal nga niya si Alex at parang pagsubok lang sa kanya ng dumating si Cara. Siguro po sinadya nga ni Papa God na mangyari iyon para marealize ni Sam na si Alex talaga yung mahal niya. Kasi po sobra talaga siyang nasasaktan eh." Wika ni Mia.
"Parang gusto ko na nga pong maniwala na pwedeng mangyari yung sinasabi ninyo Lolo." Wika ni Andrea. "Kasi po kitang-kita ko at damang-dama ko po yung pagmamahal ni Sam kay Alex at kung gaano ba ito kahalaga para sa kanya kahit na hindi pa niya ito nakikita o totoong kakilala. Kung ako nga po na nakikinig lang ng kwento eh nadarama ko talaga. Si Alex pa kaya. Kaya I'm sure alam niya yun at ramdam niya rin yun." Dugsong pa nito.
"HI!" Bati sa kanya ni Alex dahil nag-online na rin siya ng masabi ni Joey na online siya.
"Hi po! Hindi ka na po galit sa akin?"
"So ano na nga po yung tungkol doon sa status mo kagabi?" tanong nito.
"Oo nga po pala sorry sa kagabi ha. Alam mo po naguilty nga ako eh..." wika nito at iyon nag-usap na sila at naayos na nila yung problema. "Alam mo huwag mo na pong alamin yung reason kasi kapag sinabi ko sayo iyon eh ibig sabihin pinuputol ko na yung ugnayan ko sayo as in tinatapos ko na. Kaya po binibigay ko na sayo yung susi at ikaw na ang maghawak at nasa iyo na rin kung ano ang mangyayari sa friendship natin." Wika pa nito."Hayaan mo po aalagaan kong mabuti yung susi na iyon at lahat gagawin ko para lang po huwag maputol yung friend ship na ito." Wika naman ni Sam.
"LOLO ano naman po yung dahilan na iyon ni Alex?" tanong ni Mia.
"Siya lang ang nakakaalam nun. Dahil talagang hindi niya binanggit yun kay Sam.
"Alam ninyo napapansin ko masyadong malihim itong si Alex. Hindi niya nilalabas kung ano yung nararamdaman niya. Lagi siyang safe." Wika pa nito.
"Mula noon ay naging ok na sila, pero hindi na sila nakakapag-usap dahil busy si Alex at itong si Sam ay bihira naman makapag-online dahil minsan eh busy rin siya.
BINABASA MO ANG
Soulmate
RomanceThis is a story of two young girls in the past that died at the same time after their promised to be there for each other forever. And a story when Samantha and Alexandra meet!