"GUSTO ninyong malaman ang ending?" tanong ng isang babaeng dumating."Sige na simulan mo na. huwag mo na silang tanungin." Wika pa ng kasama nito at naupo sa tabi nila.
"PAANO Sam? Good luck na lang sayo at sana magkita na nga kayo ng Best friend mo." Wika ni Cara na inihatid siya sa airport.
"I need that luck." Wika nito.
"Wala ka ba talagang sinabi sa kanya na paalis ako ngayon at papunta na sa Canada?" tanong nito.
"Wala talaga kaya I'm sure sobra siyang masusurprise sa pagdating mo dun." Wika nito.
"Oh siya sige na at baka magkaiyakan pa tayo dito." Wika nito at naghiwa-hiwalay na sila.
"SHIT!!! Hindi ako makapaniwala na ilang minuto na lang eh makikita ko na si Alex at magkakasama na kami. Siguro naman hindi niya ako i-rereject once na makaharap ko na siya." Nakangiting wika nito sa kanyang sarili at pababa na sana ng sasakyan ng biglang...
"weew-weew-weew!!!"
"GOOD Morning Mam! Is Miss Alexandra Marquez is there?" wika ng isang official sa nagbukas ng pinto.
"Yes! I'm Alex. What can I do for you?"
"Do you know Miss Samantha Castillo?"
"Why?" tanong nito at napatulala na lang siya.
"SAM kamusta ka na?" Tanong ni Alex dito ng magkamalay na.
"Alex? Ikaw ba yan?" tanong nito at mabilis na bumangon at pilit siyang hinahanap.
"Yup Sam, it's me." Wika nito at nilagay ang kamay ni Sam sa mukha niya. At si Sam naman eh kinapa isa-isa ang bahagi ng kanyang mukha. Pati na rin buhok nito at mga kamay. "Alex umiiyak ka ba?" Tanong pa nito ng makapa ang pagdaloy ng luha nito sa pisngi ng pinakamamahal na matalik na kaibigan. "Please huwag kang umiyak." Wika pa nito at pinupunasan pa rin ang luha ng matalik na kaibigan.
"Natutuwa lang ako at magkakasama na tau." Wika nito at inakap ng mahigpit ang kaibigan.
"Alam mo ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil makakasama ko na yung pinakamahalagang tao sa buhay ko. Sabi ko naman sayo eh ikaw lang ang pinakamamahal kong matalik na kaibigan. Kaya okey lang kahit na kinuha ni Papa God ang paningin ko. Siguro ayaw lang talaga niyang ipakita sa akin ang itsura mo. Pero okey lang, masaya na ako kahit na hindi na kita makita ng tuluyan. Masaya na ako dahil hindi man pinakita ni Papa God ang totoong itsura mo eh pinakita naman niya sa akin ang totoong ALEXANDRA MARQUEZ." Nakangiting wika nito at inakap siya ng mahigpit nito na patuloy lang ang pagpatak ng mga luha.
Masaya silang magkasama sa hospital na iyon at talagang inalagaan ng maigi ni Alex si Sam. Inukol niya ang lahat ng kanyang oras sa matalik na kaibigan.
"Alex may good news ako sayo." Masayang wika nito na talagang nababakas sa kanyang mga mata at mukha ang labis na saya.
"Ano yun?" mayasang tanong din nito.
"Kasi sabi ng doctor ko eh nakahanap na daw sila donor ng mga mata ko."
Masayang wika nito."T-talaga?" Nauutal na tanong pa nito.
"Oo at bukas na daw sisimulan ang operation." Wika nito.
"MANG Nelson wala pa po ba si Alex?" Tanong ni Sam sa Guard ng hospital na iyon.
"N-nasa labas na. Doon na lang daw siya maghihitay sayo kasi in a minute eh sisimulan na yung operation mo." Wika nito. "Sige lalabas na ako." Paalam nito.
Ilang oras lang ay natapos na ang eyes transplant ni Sam. At isang linggo lang eh pwede ng tanggalin ang bandage ng mga mata niya.
"Mang Nelson wala pa po ba si Alex?" tanong ni Sam. "Doc can we wait my best friend first." Wika nito sa Doctor.
"Okey."
"Andito na ako." Wika ni Alex na sumulpot sa may pinto.
"Bakit naman ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay eh. Kasi gusto ko ikaw ang una kong makita kapag inalis na itong bandage ng mga mata ko." Wika nito na nababakas sa tono at reaksyon ng mukha ang labis na saya at ilang minuto lang ay natanggal na ang mga bandage sa mata nito. Hindi na nakapagsalita pa ito ng makita niya kung sino ang nasa harap niya.
"Oh ano ok na ba? Mang Nelson natanggal na po ba yung bandage." Bulong nito sa katabi niya at inakap na siya ni Sam ng buong higpit.
"Bakit mo ginawa ito? Hindi mo naman kailangang magsacrifice ng dahil sa akin. Hindi mo kailangang ibigay sa akin ang mga mata mo." Wika ni Sam dahil si Alex ang kanyang naging donor.
"Nagpapasalamat ako at naging matagumpay ang operasyon." Wika ni Alex na dumaloy na ang mga luha.
"Maraming salamat. Hindi mo na sana ginawa ang lahat ng ito."
"Alam mo tama lang iyan, deserving ka naman eh. Lahat handa kong gawin para lang sa pinakamamahal kong BEST FRIEND." Wika ni Alex. "Hindi naman ako makapapayag na matapos ang ilang taon na naging palaisipan sayo ang itsura ko tapos kung kelan nasa iyo na ang pagkakataon eh ipagdadamot pa. Kaya hindi ako makapapayag." Wika nito na patuloy pa rin ang pagluha.
"Maraming salamat Alex. You're really, really my Angel. Alam mo ba yun. Talagang ikaw yung pinadala sa akin ni Papa God." Wika nito.
Naging masaya na silang dalawa sa Canada at makalipas lang ang dalawang taon eh sabay silang bumalik ng Pilipinas."TAPOS na po ba yung kwento? Ang galing naman po ng ending ninyo?" wika ni Mia.
"Oo nga eh, talagang nakakatouch yung ending ng story nila." Si Andrea naman. "Lolo tama nga po kayo na si Alex at si Sam ang Soulmate at naniniwala na rin po ako na sa kanilang dalawa nabuhay muli si Sam & Sandra." Dugsong pa nito.
"Yun nga lang nakakalungkot kasi si Alex naman yung hindi nakakakita." Wika naman ni Mia."Pero paano po ninyo nalaman na iyon yung ending ng story nila?" tanong pa ni Andrea.
"Sam? Alex? Kayo na ba yan?" Tanong ng lumapit na babae sa kanila.
"Cara!!!" sigaw ni Alex at inakap ito.
"Kayo si Sam at si Alex at siya si Cara?!" sabay na wika ng dalawa at di makapaniwala.
"Sino po ang dalawang iyan?" Tanong ni Cara.
"Sila nga pala sila Mia at Andrea." Wika ni Mang Nelson."Teka? Di ba dinonate mo na yung mata mo kay Sam?" Tanong ni Mia.
"Oo nga, pero paanong nakakakita ka na?" Si Andrea naman.
"Naku Mang Nelson salamat po talaga at hindi ninyo pinabayaan ang mga kaibigan ko sa Canada at salamat din po at di ninyo ipinagdamot kay Alex ang mga mata ninyo." Wika ni Cara sa matanda.
"Kayo po ang nagbigay ng mata kay Alex." Tanong ni Mia.
"Teka, di ba po si Kuya Nelson din ang guard dun sa hospital nila Sally at Andy?" Tanong naman ni Andrea.
"Opss... alam ko na ang kasunod ninyong itatanong. Kung siya rin ba yung guard doon?" Wika ni Alex.
"Oo siya rin iyon." Si Sam naman ang sumagot at tuluyan ng hindi nakapagsalita ang magbest friend na Mia at Andrea at nagtawanan naman ang tatlo.
![](https://img.wattpad.com/cover/278526403-288-k989168.jpg)
BINABASA MO ANG
Soulmate
RomansThis is a story of two young girls in the past that died at the same time after their promised to be there for each other forever. And a story when Samantha and Alexandra meet!