Stories and Poems

13 1 0
                                    


OH! Ate Sam akala ko ba ayaw mong magchat? Eh mukhang mula kaninang umagang umalis sila Mama eh hindi ka pa tumatayo diyan sa harap ng computer eh." Nakangiting tanong ng pamangkin nito.

"Nakakatuwa kasi itong mga chatters sa room, parang mga ogag." Napapangiting wika nito na tuloy lang ang pang-aasar sa mga chatters sa internet.

"Pinagtritripan mo na naman yang mga yan eh."

"Ate Sam oh naghahanap ng mga lyrics ng kanta ni Regine."

"Eh wala naman akong mga lyrics ni Regine eh. Ah oo nga pala ringtones meron ako baka gusto niya." Wika nito. "Hi Lexy!!!" sulat nito sa screen.
"Hello po Sammy!!!" bati rin nito.
"Ringtones ng mga kanta ni Regine gusto mo?"

"Sige okey lang."

"Oh sige wait lang ha."

DOON nagsimula ang pag-uusap ni Lexy at ni Sammy na sa chatroom lang ng Yahoo Messenger nagkakilala.

"LOLO sila po ba yung ikwekwento ninyo?" tanong ni Mia. "Eh hindi naman po sila magkakilala ah."
"Naku iyan po ang imposibleng mangyari. Kasi ni hindi nga po sila magkakilala eh." Wika pa rin ni Andrea.

"PA-ONLINE naman ako." Tapik ni Sam sa kanyang pamangkin na nakaupo sa harap ng computer.

"Akala ko ba ayaw mong makipagbolahan sa mga hindi mo kakilala?"

"Basta may hinihintay kasi akong mag-online eh."

"Sino naman si Angkiko?"

"Tangengot hindi."

"Eh sino nga po?"

"Sikretong malupet, dali na tumayo ka na diyan." Tulak nito sa pamangkin niya at mabilis na naupo. "Oh kita mo na may nakamiss agad sa akin." Wika nito ng mabasa na nag-offline sa kanya si Lexy. Kaso offline na! Ang tagal mo kasi eh. Pero okey lang online naman si Cali eh." Wika nito. "Ei sis cali kumusta ka na po?" sulat nito sa window ni Cali.

"Ei musta din? Ok na ako, hindi na ako masyadong nahohomesick. Saka alam mo nga pala may nakilala akong guy kahapon dito sa chat." Sagot nito sa kanya.

"Talaga? Gwapo ba?" tanong nito.

"Walang picture eh, pero grabe ha enjoy siyang kausap kahit nung una eh medyo may pagkabastos yung ugali niya."

"Baket anong sabi sayo?"

"Basta hindi maganda yung ugali niya nung una pero nung nagagalit na ako sa kanya eh saka siya nagtino ng pakikipag-usap."

"Tinakot mo ano?"

"Hoy, hindi ah." Mabilis na sagot nito.

MADALAS ng nag-ooline si Sam ng ganung oras dahil nga hinihintay niyang mag-online si Cali dahil nga nakasundo niya agad ito at isa pa medyo naawa raw kasi siya noon kay Cali dahil nga nahohomesick ito sa Austrialia. Pagpapatuloy ng matanda sa kwento.

"LOLO akala ko ba eh tungkol kay Sammy at Lexy yung kwento eh bakit mukhang hindi naman sila madalas na nag-uusap ah." Tanong ni Mia.

"Alam mo kasi malabo naman kasi talagang maging close sila nun eh." Pilit pa rin ni Andrea.

"Oh sige itutuloy ko na yung kwento ko para hindi na kayo magtalo. Si Cali ang madalas na kausap noon ni Sammy dahil hindi naman niya natyetyempuhan na online si Lexy dahil madalas online ito eh sa gabi.

"HELLO! Bakit hindi ka na po nag-oonline saka bakit hindi ka pumupunta doon sa friendster?" Tanong ni Lexy ng maabutan niyang online si Sammy.

"Hello! Hindi na ako nakakapag-online masyado kasi wala na akong card saka ano naman ang gagawin ko doon sa friendster eh hindi ko nga alam kung ano yun." Wika nito.

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon